THE REVENGE 2

1835 Words
Kinabukasan nagtungo ako sa super market para mamili ng mga kailangan namin ng aking pamilya. Medyo malayo rin ang bayan sa lugar namin, kaya natagalan ako makarating dito. Ngunit sa hindi ko inaasahang pang-yayari at ito pala ang magiging dahilan ng pagbabago sa aking buhay. Habang abala ako sa pamimili sa grocery ay nakarinig ako ng putukan at napansin kong tila may nagaganap na holdapan sa katabi nitong bangko. Nakita ko ang lahat ng tao roon ay nagpapanik, kita ko ang mga lalaking nakasuot pa ng bunet samantalang ang dalawang security sa labas nito ay nakita kong nakahandusay na at sa tingin ko ay patay na ang mga ito. Bigla na lang akong nakadama ng pagkatakot sa aking nasaksihan, ngunit sa isip ko ay hindi pwedeng wala akong gawin sa nang yayaring ito. Dahil dati akong sundalo na may simumpaan pa rin ako sa bayan. Kaya lumabas ako ng market at maingat akong naglakad sa gilid ng bangko. marahan naman akong lumapit sa nakahandusay na security at gumulong ako ng mabilis para kunin ang shotgun na hawak ng security na wala ng buhay, ka agad kong tinutok ito sa kalaban, nagulat naman sila ng makitang may ibang kumakalaban sa kanila. "Masyado kang pakaalamero at sa ginagawa mong 'yan mamatay ka dahil nag-iisa kalang!" galit na sigaw ng lalaki. Bago pa ako makalapit sa kalaban ay pinaulanan na nila ako ng putok ng baril ngunit hindi sila nakakatama dahil mabilis akong nakatago sa poste, hinayaan ko lang na pagbabarilin nila ang pinagtataguan ko hanggang maisipan kong makipagsabayan ako sa kanila habang naglalakad at bawat putok ko sa hawak kong baril ay isa-isang bumabagsak ang mga kalaban ko. Napansin ko rin na ilan na lang silang natitira at kita sa mga mata ng leader nila ang takot ng masagupa nila ako. "Pare umatras na tayo hindi natin 'yan kaya at isa pa kilala ko ang lalaki iyan," sambet ng isa nitong kasama. "Bakit? sino ba ang taong yan?" tanong ng leader nila sa kasama nito. "Si Alex Guevara, dating sundalo pare, kaya umatras na tayo tiyak ma mamatay lang tayong lahat kapag lumaban pa tayo sa kanya. "Ganon ba, siya pala ang pinapaligpit sakin ni ni Governor Hector Chavez matagal na mabuti naman at nagpakita na siya," nakangising sambit ng lalaki. "Kailangan na natin umalis dito at ireport na lang natin ito kay Gov na nakaharap natin si Alex Guevara," pakiusap ng tauhan nito. Mabilis naman silang nagtakbohan palayo, kasunod noon ay ang pagdating ng puting sasakyan at sumakay ang mga ito. Sinubukan ko pang habolin at pinaulanan ko ng bala ang sinakyan nila, ngunit nakatakas parin ang mga ito. Pero ang akala ko ay tapos na ang laban ng may bigla pang dumating na mga kalaban sakay ng itim na ban, pinagbabaril ako ng mga lalaking sakay nito, mabuti na lang at mabilis akong nakatago sa pader. Mabilis kong kinasa ang shotgun na hawak ko at ka agad kong pinutok sa mga lalaking papalapit sa akin sa lakas ng impak ng shotgun kong hawak, tumilapon ng malayo ang mga ito matapos silang tamaan. Pinaputokan naman ako ng mga lalaking nakatago lang sa likod ng van, ngunit lahat sila ay hindi makatama dahil mabilis akong nakakailag, matapos ay gumanti ako sa kanila at bawat natataman ng shotgun kong hawak ay humahandusay, napansin ko silang kokonti na lang at ang iba ay palayo na sa akin at nagmamadali ng tumakas. Narinig ko na may parating na mga pulis. kaya hindi na ako nag-atubiling habulin pa ang mga lalaking tumakas sakay ng itim na van. Mga ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis sa harapan ko, pagkababa ay nakatutok sa akin ang baril nila, ngunit pinababa ito ng lalaking nagsalita at kilala ko na si SPO2 Dante Ramos sakay ng itim na kotse. Kaagad niyang pinag-utos sa mga kasama niyang pulis, na linisin nila ang lugar at icheck kung may mga sivilian na napahamak mabilis naman siyang sinunod ng mga tauhan niya at ginawa ang pinag-uutos. Nilinis ng mga pulis ang kalat sa nangyaring engkwentro at mayroon na rin dumating na ambulance para dalahin ang dalawang security na wala ng buhay na nasawi sa holdapan. Habang kami naman ng ni SPO2 Dante Ramos ay naiwan at nagkwentohan. "SARGENT'S ALEX GUEVERA. Masaya akong nagkita muli tayo, matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita," sambit ni Dante. "Oo nga Dante. Noong huli tayong nagkita baguhan kapa lang sa pagkaka pulis mo pero ngayon SPO2 kana," sagot ko sa lalaki. "Kamusta naman ang buhay mo ngayon sir Alex?" tanong ni Dante. " Okay lang at masaya na kaming namumuhay ng pamilya ko dahil mas pinili ko ang simple buhay malayo sa gulo. nagkataon lang na pumunta ako dito sa bayan para mamili ng pangangailangan namin sa bahay, hindi ko naman inaaasahan ang pangyayaring ito," paliwanag ko kay Dante. "Mabuti na lang pala at dumating ka. Dahil kung hindi mas marami pang sibilian ang mapapahak," sambit ni Dante. " Tulad nga ng sinabi ko, nagkataon lang ang pagdating ko at saka hindi ko naman hahayaan na wala akong gagawin. Oo retired na akong sundalo ngunit may simumpaan ako sa batas na lahat ng nang ngangailangan ay dapat tulungan lalo na at sa oras ng kagipitan," paliwanag ko. "Iba ka talaga sir Alex kaya nga idol kita, napakatulongin mong tao, sana hindi ka magbago sayang lang kasi hindi kana ngayon sundalo basta kapag kailangan mo ako darating ako sir ALEX, sabay ngiti nito "Maraming salamat Dante," maikling sagot ko. "Hindi kaba namukhaan ng mga nakaharap mong holdaper? baka bawian ka, dahil marami mong napatay sa mga kasama nila," sambit ni Dante. "Hindi ko rin alam Dante," maikling sagot ko sa lalaki bahala na ang mahalaga ginawa ko ang tama at walang sibilian napahamak. Mayamaya pa ay nagpaalam na kami sa isa't isa at 'di na nagtagal pa ang aming pag-uusap. "So pa ano sir Alex, babalik na ako sa presento para ibalita kay hepe ang pangyayari ito." Sambet ng lalaki. "Sege Dante mag-iingat ka," pag-aalala kong sabi sa lalaki. Pinagmasdan ko lang ang pag-alis ng sasakyan ni Dante matapos ay umuwi na ako sa lugar namin, dapit hapon na ng makarating ako sa aming bahay nakita kong masaya ang mag-ina ko, kaya naman labis akong napangiti saka nilapitan ko ang mga at niyakap. (Sendekato pov) Mabilis naman itong nakabalik sa lungga kasama ang mga sugatang kasamahan. "Kamusta ang lakad mo?" tanong ng isang lalaki. Hindi naman ito sumagot at nagmamadaling pinuntahan ang boss nila. "Nasaan si boss?" tanong ng lalaki sa mga kasamahan nito. ka agad naman sinagot ito ng isa pang lalaki, naroon siya sa rest house niya," sagot nito. Dali- dali naman nagtungo roon ang lalaki namay kasamang pangdadabog. "Tumabi ka nga riyan! sabay bangga sa balikat ng kaharap niyang lalaki. Pagkarating naman nito sa kanyang boss ay agad niyang binalita ang masamang nangyari. "Boss masamang balita. Nabolyaso ang pagtangka namin pagholdop sa isang bangko. nalagasan pa kami ng mga kasamahan," salaysay nito sa boss niya. "Pano nang yari iyon?" maikling tanong ng boses nito sa lalaki. "May nangialam boss, habang nakikipagbarilan kami sa dalawang security. Ngunit bago pa siya makalapit sa bangko ay nakahandusay na ang dalawang security at mabilis nito kinuha ang shotgun na nasa katawan ng nakahigang security," tuloy-tuloy na pagkwekwento ng lalaki. "Ganon ba namukhaan ninyo ba kung sino ang nakasagupa mo?" muling tanong ng boss nito. "Oo boss kilala ko ang lalaking iyon, si Alex Guevara ang dating sundalo na matagal mo na pinapaligpit sakin. "Alex Guevara ba kamo? matagal na ako walang balita sa taong iyon, mabuti naman at nagpakita na siya. tiyak siya ang magiging tinik sa lahat ng plano ko. kaya dapat ay iligpit na iyan," utos ng lalaki. "Nasaan pala ang pamangkin kong si Pacquito?" Nagtatakang tanong ng boss sa lalaki. "Napatay ng taong iyon ang pamangkin ninyong si pacquito at naiwan ang katawan niyang tad-tad ng bala. Nanlaki naman ang mata at galit na galit ang boss ng lalaki sa nalaman niya. "Ano! napatay ng taong iyon ang pamangkin ko, bakit hinayan ninyo mang- yari iyon!" galit na pagkakasabi nito sa lalaki. Kinuha naman nito ang baril sa lalaki at agad itong pinaputok, ang tanga mo! hinayaan mo na lang masawi ang pamangkin ko tapos ikaw buhay ka pa kaya dapat ka rin mamatay, bumagsak naman ang lalaki sa semento at tuluyan na namatay. Galit na galit ang boos nito at kitang-kita sa mga mata niya na gusto niyang bawian ang taong pumatay sa pamangkin niya. "Mayamaya pa ay tinipon-tipon niya ang kaniyang tauhan at pinagutos niyang hanapin si Alex Guevara. "Ipinag-uutos ko hanapin niyo ang taong iyon, kailangan niyang magbayad sa pagkamatay ng pamangkin ko, huwag kayo babalik rito ng hindi niyo siya kasama patay man o buhay," utos nito sa mga tauhan. Mabilis naman nagsi-alisan ang mga taohan nito sakay ng item na ban para tugisin si Alexa Guevara. (Alex Guevara pov) Pumasok na ako ng aming bahay naupo at nagpahinga, mamaya pa ay nakita kong parating ang itay ko, tila nagmamadali at binabanget ang pangalan ko. "Alex-alex anak, tawag nito sa akin nabalitan ko ang nangyari sa bayan at nalaman ko rin na isa ka sa tumulong sa pangyayaring iyon at napatay mo pa ang nag-iisang pamangkin ni Governor Chavez. "Ano ba ito pinasok mo anak? pag-aalala at takot na tanong ng aking itay, tiyak ay gagantihan ka nila sa pagkamatay ng pamangkin ni Governor," sambit ni itay. "Ginawa ko lang ang tama itay," sagot ko sa aking itay. "Alam ko naman iyon anak. Hindi masamang tumulong, ngunit sa nang yaring ito tiyak pati pamilya mo ay madadamay dito kilala ko si Governor Chavez tuso iyon ang mabuti pa anak ay lumayo mo na kayo ng pamilya mo," pag-aalalang sambit ng itay ko. Nagmadali na akong nag-ayos ng mga gamit namin bago pa man kami maabutan ng mga tauhan ni Governor Chavez. "Monica, gising kailangan natin umalis. kunin mo na si Angela," sambet ko. "Huh! Saan tayo pupunta Alex?" tanong ng asawa ko. "Basta saka ko na ipapaliwanag ang mahalaga ay makaalis tayo rito doon muna tayo sa magulang mo, pansantala maninirahan," paliwanag ko. "Dalian ninyo anak, magmadali kana bago pa kayo nila maabutan at ako na ang bahala rito," sigaw ni itay. Masakit man para sa akin na iwan ang itay ko sa bahay na ito pero wala akong magagawa kundi magmadali sa aming pag-alis ng mag-ina ko. "Tuluyan na nga kami nakalayo sa aming bahay, naiwan ang itay kong mag-isa roon sa bahay dahil nagpaiwan ito. Sana naman ay walang mangyari masama sa itay ko," pag-aalala tanong ko sa aking sarili. Malakas ang t***k ng aking dibdib ramdam ko ang kaba at takot sising-sisi ako sa aking nagawa, dahil sa pangyayaring iyon, nagkanda leche-leche ang lahat at naputol ang masaya namin pamumuhay ng mag-ina ko. Dapat pala hindi na lang ako nangialam at hinayaan na lang ang nangyayari dahil tinalikoran ko na rin naman ang tungkulin ko sa bayan at pinili ang simple buhay malayo sa gulo, sa pakikilalam ko tiyak madadamay pati ang mag-ina ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD