REVENGE 3

1322 Words
Sa awa naman ng Diyos ay ligtas kami ng mag-ina ko nang makarating sa bahay ng mga magulang niya dito sa Sta, Barbara na medyo malayo lang ng konti sa bahay na inalisan kaya di ako sigurado kong masusundan paba kami rito ng mga tauhan ni Governor Chavez. Nagpalinga-linga ako sa buong paligid saka nagdisyon na kaming pumasok ng mag-ina ko sa bakuran at ka agad naman kaming sinalubong ng mama ng asawa ko, ngunit nagulat ito na may kasamang pagtataka sa kaniyang mukha. "Alex, ano ang ginagawa ninyo rito?" maikling tanong ng Ina ni Monica. "Ma-aari po bang dito mo na kami ng asawa ko, pang samantala lang po," pakiusap ko sa Mama ng asawa ko. "Walang problema welcome naman kayo rito Alex at ng anak kong si Monica at mas okey nga iyon kasi lagi kong makakasama ang apo kong si Angela," nakangiting sabi nito. "Marami pong salamat saka pasinsya na rin po," sagot ko. "Mama nasaan po si papa?" singit na tanong ni Monica sa kaniyang Ina. "Nasa bayan ang Papa mo anak, pero mayamaya siguro ay pabalik na iyon," sagot nito sa anak niyang si Monica. "Ganon po ba Mama," maikling sagot ni Monica. "Monica anak, kumain na ba kayo ng asawa mo? Mabuti pa siguro ay kumain muna kayo, alam kong pagod kayo sa byahe," pag-aalang sabi nito sa amin. Ka agad naman kaming pinaghain ng makakain ng mama ni Monica, napansin ko ang pakamaalaga nito sa amin at napakabaet nitong ina. Marahan ko naman kinuha ang kanin at ulam at nagsimula na kami kumain tatlo, habang ang anak ko naman si Angela ay natutulog sa sofa na nasa sala lang siguro ay napagod ito. Masaya naman kaming kumain habang may konting kwentohan sa hapagkainan. "Matanong ko lang sa inyong dalawa ha. bakit bigla-bigla na lang kayong napasugod rito ng 'di namin ito nalalaman?" tanong ng Ina ni Monica. Nagkatinginan naman kami ng aking asawa, at natahimik, ngunit bago pa man muling magsalita si Mama ay sinabi ko na ang totoo kung ano talaga ang dahilan ng aming pagsugod rito. "Ahmmmm---ahhh, eh, Ganito po kasi iyan Mama, may nangyari po kasi na 'di ko inaasahan nang magpunta ako sa super market at may holdapan po kasing naganap sa katabi nitong bangko at nagkaroon ng putukan na kinatakot ng mga tao roon at nakialam ako sa pang yayaring iyon napatay ko ang ibang lalaking nang holdop sa banko pero ang masama pa ay kasama pala sa napatay ko ang pamangkin ni Governor Chavez pagbibigay alam iyon ng aking itay," tuloy-tuloy na salaysay ko sa Ina ni Monica. "Ganon ba Alex, tiyak ay gagantihan ka nila at baka pati tayo ay madamay," natatakot at pag-aalalang sagot ni Mama. "Hindi kopo alam Mama basta sabi ng itay ko tuso iyon si Governor hindi iyon papayag na hindi siya makaganti sa pagkamatay ng pamangkin niya. "Ah ganon ba! mabuti naman at dito ninyo naisipan na pumunta wala bang naka kita sa inyo o hindi ba kayo nasundan?" takot na tanong ni Mama. Wala naman po siguro mama saka maingat kaming nagtungo po rito iyon nga lang naiwan ang itay ko roon at ayaw niyang iwan ang bahay," sagot ko. Mamaya pa ay natapos na kaming kumain lumabas mo na ako para magmasid-masid sa paligid medyo okay naman ang paligid. tahimik ito tiyak ay ligtas kami rito ng mag-ina ko. Napansin ko sa 'di kalayuan na may isang lalaking palapit sa bahay medyo hindi ko agad ito na mukhaan dahil malayo pa siya sa akin, mga ilang minuto pa ay tuluyan na siya nakalapit at nakilala ko. "Kayo po pala Papa mano po magalang kong pagsalubong sa kaniya. "Nagulat naman siya habang ang kamay niya ay nakalapat sa aking noo kaawaan ko ng Diyos Alex, sabay tingin ng masama sa akin. "Alex bakit ka naparito nasaan ang anak kong si Monica at ang apo kong si Angela?" tanong nito sa akin. "Nasa loob po ng bahay kasama si Mama at si Angela po ay mahimbing ng natutulog," sagot ko sa Papa ni Monica na papa ko na rin. "Ganoon ba Alex, maikling sagot nito sa akin. "Nabalitan mo na ba ang nangyari sa bayan? ang nagyayari holdapan sa isang bangko roon at balita roon ang pagkamatay ng pamangkin ni Governor na si Pacquito. "Tiyak ay gagantihan ni Governor ang pumatay sa kaniyang pamangkin," tuloy tuloy nitong salay-say sa akin. Dahil doon ay natahimik na lang ako, natatakot ako sa pwedeng mang- yari sa mag-ina ko sakaling manahanap nila ako at nalaman kung saan nagtatago." bulong ko sa aking isipan. Bigla ko naman naalala ang kaligtasan ng aking Ama na hanggang ngayon ay wala pa akong balita tiyak ay pupuntahan iyon ng mga taohan ni Governor. Sana naman ay walang mangyari masama sa itay ko dahil kapag mangyari iyon, hindi-hindi ko sila matatawad tutugisin ko silang lahat at kahit magtago pa silang lahat sa sinapupunan ng ina nila!" galit na galit na sabi ko kasabay ng pagikom ko ng aking kamao. Mabilis naman dumating ang gabi at medyo konti na lang ang tao sa lugar. natapos na rin ang usapan namin ng Papa ni Monica at nagtungo na ako sa kwarto ng mag-ina ko para matulog at ipahinga ang katawan ko. "Makalipas ang buong madamag nang aking mahimbing na pagkakatulog maaga akong nagising at isang masamang Balita ang aking narinig mula sa aming kapitbahay. "Mang Fedel! tawag nito sa pintuan ng aming bahay. "Ano iyon ejoh?" Nagtatakang tanong nito Papa sa lalaking maagang nambulabog sa labas ng bahay. "Ayon po ang sa balita kung narinig pinagbabaril ang bahay nila Alex kagabi lang, halos paliguan ito ng bala at ngunit sa dami ng nagpaputok dito. wala naman nabalitan na may namatay sa bahay na iyon," paliwanag ng lalaki. "Nang marinig ko ang kwento ng lalaki, naisip ko ka agad na mag-aalala sa aking itay na baka napahamak siya sa pamamaril ng mga armadong lalaki sa bahay namin. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at binalikan ito, mabilis naman ako nagtungo sa dati naming bahay, malayo layo rin ang aking paglalakbay ngunit natatanaw ko na ang naiwan naming bahay na tad-tad ito ng bala, na halos masira ang lahat dahil sa grabing na tamo nito, pagpasok ko ng bahay nakita kong wala rito ang itay ko naisip ko na baka nakuha siya nang nag ha-hanap sa akin kaya labis ako nag-alala sa kalagayan niya ngayon. Hanggang magdisisyon na akong bumalik kung saan naroon ang mag-ina ko, ngunit pagkarating ko roon ay nakita ko ang aking itay na tila ba bakas sa kaniya ang subrang pagkatakot ka agad ko naman itong niyakap. "Mabuti naman po at ligtas ka," pag-aalala kong sabi sa aking itay kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Oo anak dahil bago paman sila tuluyan makalapit ng ating bahay ay mabilis akong naka-alis doon habang pinagmamasdan ko ang ginagawa nilang paninira sa ating bahay at masakit para sa akin na makita iyon, pero wala akong magawa kondi magtago lang sa aking pinagtataguan ng oras na iyon para na rin sa aking kaligtasan. "Galit na galit sila anak hinahanap ka. mukhang hindi sila titigil hanggang 'di sila nakakabawe sa 'yo," paliwanag ng itay ko. "Ganoon po ba itay, mabuti pa ay maghanda tayo baka isang araw masundan nila tayo rito, ayaw kong madamay ang mag-ina ko," pag-aalala sambet ko rito. Dumating na nga ang dapit hapon at malapit ng dumilim nakatambay lang ako sa labas ng aming bahay tulad ng dati ay nagmamasid pa rin ako sa kapaligiran baka may dumating na kalaban, kailangan kong maging handa para sa kaligtasan ng mag-ina ko at buong pamilya ko, napapansin ko naman tahimik at tila ay wala naman mang yayaring masama. Ngunit sa dibdib ko ay may kaba akong naramdaman na para bang may masamang mangyayari dahil sa nakakapanibagong sitwasyon ngayon ng paligid na wala kana talagang makikita pang kahit isang tao sa labas. Hanggang sa dumating na nga ang inaasahan ko na dapat hindi mang-yari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD