Dahil sa katahimikan ng paligid ay may hatid pala itong panganib Isang pangyayaring magaganap na kahit kailan ay 'di ko makakalimutan.
Napakatamihik talaga ng paligid kasabay nito ang malamig na simoy na hangin at tangging alolong ng aso lang ang iyong maririnig. Ngunit sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang maraming ilaw ng sasakyan na para bang papalapit sa amin bahay.
Hanggang tuluyan na itong makalapit sa gate nang aming bakuran at halos lahat ng sakay nitong mga armadong lalaki ay nagsibaba lahat sila ay may dalang hahabang baril at agad nitong pinaulanan ng bala ang aming bahay ng walang pag-alinlangan.
Mabilis akong tumakbo papasok ng aming bahay halos madapa na ako sa bilis ng pagkakatakbo ko mailigtas ko lang ang mga kasama ko sa loob.
"Mama, Papa, itay, dumapa kayo at huwag kayong tatayo, ngunit bago pa sila maka dapa ay tinamaan na sila ng bala at bumagsak sa lupa napasigaw naman ako at nanlaki ang mata sa aking nakita kaya naman napasigaw ako ng malakas at natulala habang nakatingin ako sa Ama ko at sa magulang ni Monica.
Gusto kong lumaban ngunit tanging kamao lang at itak na hawak ko ang aking sandata. ramdam ko ang takot ng gabing iyon ngunit wala akong magawa, dahil kapag makipagsabayan ako sa mga armadong lalaki ay baka mamatay pa ako lalo't wala akong baril.
Nakadapa at gumagapang ako patungo sa kwarto kung saan naroon ang mag-ina ko, pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang naliligo sa dugo na katawan ni Monica. Marami itong tama ng bala at naghihingalo na sinasabet niya ang pangalan Angela.
"Alex si Angela iligtas mo si Angela," pakiusap nito sa akin kahit nahihirapan nang magsalita at sa ilang iglap lang ay binawian na rin ito ng buhay na labis ko naman kinalungkot at tumulo ang luha ko.
Nakita ko ang anak ko na nasa kama ngunit hindi na ito gumagalaw kaya lumapit ako rito at binuhat ito, napansin kung may dugo sa kanyang bandang tiyan si Angela kaya naman labis akong nataranta hindi ko alam ang gagawin ko mahal na mahal ko ang anak ko kaya hindi ako papayag na mawala siya sa akin, ngunit ramdam kong hindi na ito humihinga, saka marami na rin dugo ang naubos sa kanya dahil sa tama ng bala.
"Sumigaw ako ng malakas anak...anak ko, gumising ka anak, galit na galit at umiiyak ako ng oras na ito, sinisisi ang aking sarili sa nangyari sa buo kong pamilya dahil kung Hindi dahil sa pagtulong ko Hindi sana nangyari sa pamilya ko ito, sana buhay pa silang lahat at masaya kaming namumuhay. Ngunit sa kabutihan ginawa ko para sa nakakarami. Ito naman ang naging kapalit noon ang subra kong pagdurusa.
Pinapangako ko ipaghihiganti ko kayong lahat, magbabayad ang mga gumawa nito sa inyo!" Sigaw ko habang naka-ukom ang aking kamao sa galit Hindi ko matanggap ang nangyari.
Pagkatapos ng pangyayari ka agad naman dumating ang mga pulis kasamang dumating ang kakilala kong pulis at lumapit sa akin.
"Sir Alex ano ang nangyari rito?" tanong ng lalaking pulis.
Ngunit hindi ako nakapagsalita, tanging galit ang aking nararamdaman sa nangyari sa buo kong pamilya, makikita sa muka ko ang pagkabalisa, lungkot at pangungulila sa mag-ina ko.
Mabilis naman akong iniwan ng pulis at hinayaan na lang mo na ako mapag-isa. Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa mag-ina ko, kagagawan ko lahat ng ito ang tanga ko wala man lang ako nagawa para mailigtas silang lahat!" galit na sambit ko.
Natapos na ang buong magdamag ngunit mapapansin pa rin sa akin ang lungkot at galit sa mga taong pumatay sa buo kong pamilya kaya naisip ko agad na maghiganti sa kanila.
Dumating na ang umaga, kasabay ng maraming tao na nakikiramay sa aking buong pamilya.
Nilapitan ako ng isang babaeng nakasuot ng kulay itim na damit malungkot naman itong nagsalita at lumapit sa akin. ngunit hindi ko ito kilala.
Nabalitan ko ang nangyari sa iyong pamilya, nakikiramay ako saad ng babae sa akin. napatingin lang naman ako sa babae at 'di na nagsalita.
ilang sandali pa ay nagpaalam na ito sa akin saka ito tumalikod. tumango-tango lang ako hangang ito ay makalayo.
Marahan naman akong lumapit sa mga ataol ng aking pamilya. Kita ko sa kanilang mga mukha ang kalungkutan na labis kopang kinaiyak.
Pinagmasdan ko ang katawan ng anak kong si Angela nakapagpaluha pa sakin ng husto. sumusummpa ako sa harap ng ataol na ito na ipaghihiganti ko sila. wala akong magawa kundi umiyak lang dahil nangyari na ang lahat na ako ang naging dahilan ng kanilang pagkawala.
Hindi ko napansin ang patuloy na pagdami ng tao kasabay ang pagdating ng kilala kong pulis na si SPO2 Ramos.
"Kita ko sa kaniyang mga mata ang pagdadalamhati, nalipitan niya ako at nagsabing nakikiramay ako sa pagkawala ng pamilya mo sir Alex, hayaan mo makakaasa ka na mananagot sa batas ang gumawa nito," sambit ni Ramos sa akin.
"Maraming salamat Dante. Ngunit hindi ang batas ang gaganti sa kanila, buhay ang inutang nila sa akin, buhay din ang sisingilin ko sa kanila!" galit na sabi ko sa lalaki.
"huwag mong ilagay ang batas sa mga kamay mo tandaan mo hindi kana sundalo Sir Alex Guevara hayaan mo na kami ang tumugis sa mga may kagagawan ng krimen sa pamilya mo.
Napa iling-iling lang ako sa nasabi nito
at napaisip ako na kong sila ang gagawa ng paraan para mahuli ang gumawa nito, tiyak na matatagalan bago ko makamit ang hustisya para sa aking pamilya.
Kinagabihan ay nagtungo ako sa gubat dala ko ang palang gagamitin ko, kung saan naroon nakabaon ang aking mga kagamitan noong ako ay sundalo pa.
Matagal ko na kinalimutan 'yon at ibinaon na lang dahil mas pinili ko ang magandang buhay ngunit sa pangyayaring ito kailangan ko ulit itong hukayin at gamitin tanging ito lang ang alam kong paraan para mabilis akong makaganti sa mga hayop na iyon!"
Nagmadali na ako sa paghuhukay hindi naman nagtagal ay tumambad ito sa akin. N
nakabalot ito sa commoflage na bag pangsundalo.
Namiss ko itong mga gamit ko bulong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang pinakamalakas na baril ko ang magnom 357, tiyak na pagtinamaan sila nito ay agad silang tutumba, kasunod ko naman kinuha ay ang mga granada at iba pang mga kagamitan ko, pinagmasdan ko ang lahat ng ito at natuwa naman ako.
Maingat naman akong nakabalik ng bahay. Habang ang mga tao naroon pa at nakikiramay sa pumanaw kung pamilya.
Balak kong gumanti pagkatapos ng libing ng aking pamilya, kaya kailangan kong paghandaan iyon.
Humanda sila sa akin hindi ko sila mapapatawad, uubosin ko silang lahat.
Lumipas na ang mga ilang araw nailibing na rin ang aking buong pamilya. Ngunit dala-dala ko pa rin ang matinding kalungkutan. Nanooot pa rin ang galit na nanaig sa aking puso, kaya mamayang gabi kailangan kong hanapin ang mga pumatay sa aking pamilya.
Dumating na nga ang oras na pinakahihintay ko, mabilis akong nagpunta sa aking kwarto, para kunin ang mga gamit ko ka agad kong sinout ang makapal ko na jacket, sabay gapos ng matalim na punyal sa aking bewang kasunod nito ay ang paghawak ko ng paborito kong baril ang 357 na uubos sa buhay nilang lahat.
Pinagmasdan ko ito ng matagal bago ko tuluyan isoksok sa bewang ko at bago pa man ako umalis ng bahay ay kumuha pa ako ng tatlong granada para akong makikipagguera sa bihis kong ito." bulong ko. ngunit naisipan ko mo na iminom ng alak para naman malakas ang loob ko.
Ka agad akong nagtungo sa isang bar. pamilyar na ito sa akin dahil lagi ako rito. kapag gusto ko maginom mag- isa.
Pagpasok ko ng bar ay nakita ko ang maraming taong nag-iinuman at ang mga babae naman ay nagsasayawan ang iba naman ay nakatable sa lalaki.
Marahan naman akong umupo sa may bakanteng mesa na may upuan at umorder ng isa boteng alak, marahan din lumapit sa akin ang isang magandang babae, habang naghihintay ako ng alak na order ko. nagpakilalang ito sa pangalan Cynthia.
"Hi pogi ako pala si Cynthia, bago kalang ba costumer sa bar na ito?" maikling tanong niya sa akin.
"Noong araw lagi ako rito umiinom mag-isa," sagot ko.
"Ganon ba! mabuti naman at naisapan mong bumalik rito," sambit ng babae.
"Okay lang ba na tumabi ako sa 'yo pogi." pakiusap ng babae na tila ay nakarami na ng inom.
"Sige okay lang naman sakin," sagot ko sa babae sabay ngiti.
Ka agad naman itong tumabi at hinamas ang aking kamay ng walang man lang pasabi.
Nagulat naman ako sa kaniyang ginawa at nakatingin lang ako ng deritso sa babae na kay ganda sa aking paningin kahit hindi pa ako lasing at nagkwentohan naman kami saka kinilala ang isa't isa.
Habang abala kami sa pag-uusap ay napalingon ako sa may pinto at sa ilang sandali lang ay may limang lalaking dumating, maangas ang mga lakad nito at para bang sila ang may-ari ng bar na ito sa kinikilos nila. Pinagmasdan ko lang ang mga ito at natuon ang attention ko sa kanila.
Pagkalapit nila sa isang mesa na may tatlong nag-iinoman. Maharas nila itong pinaalis sabay tadyak pa sa likod ng lalaking naiwan nakaupo lang sa upuan. hinawakan naman ito sa ulo ng maangas na lalaki saka ito sinubsob sa mesa.
Pinagmamasdan ko lang sila habang nakaikom ang aking mga palad, hindi ko nagugustohan ang mga kilos nila ang yayabang at mapanakit sa tao.
Nagtanong mo na ako sa babaeng katabi ko kung kilala nila ang mga lalaking iyon.
"Kilala moba ang mga tarantadong iyon?" tanong ko sa babae.
Ka agad naman itong sumagot.
"Oo kilala ko ang mga lalaking iyan," regular customer na sila rito, sa tuwing dumarating sila ang ibang costumer ay natatakot naiinis nga ako sa mga lalaking iyan," paliwanag ng babae.
Mabilis naman akong tumayo sa aking kinauupuan at nagtungo sa limang lalaki, bago pa man ako makalapit sa kanila ay nakilala agad ako ng isa nitong kasama.
"Pare! si Alex Guevara, takot na takot na sigaw ng isang lalaki. Sinubukan naman nilang bumunot ng baril, ngunit naunahan ko ito mabilis ko pinutok ang baril ko sa katawan niya at bumagsak sa lupa.
Tumakbo naman ang ilan sa mga kasama nito dahil sa takot, ngunit ng makalayo ay pinagbabaril nila ako at mabilis naman akong nakatago.
Nakipagpalitan ako ng putok ng baril sa mga lalaki dahilan para masira ang loob ng bar at nagpanik na ang mga tao rito at nagsisitakbuhan palabas ng bar.
Sa 'di inaasahan ay natamaan ako ng bala ng baril ng pinaka-leader nila sa patuloy ko na pakikipagpalitan ng putok ng baril dito.
Tinamaan ako sa balikat dahilan para ako ay mapatigil at tumago ngunit hindi ko iyon ininda. Nagpatuloy pa rin ako sa pakikipagbarilan at bumagsak nga ang ibang kasama nito dahil tinamaan ng bala subalet mabilis nakatakbo ang lalaking leader nila palabas ng bar hindi kona ito hinabol pa at pinagmasdan na lang.
Matapos noon ay nagdilim na ang aking paningin at akoy nahilo, tuluyan na nga akong bumagsak sa semento sa loob ng bar, naririnig ko na lang ang sigawan ng mga taong naroon hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.