Kasalukuyan naman ako nasa labas ng aming bahay, nakatingin lang ako sa paligid pinagmamasdan ko ang mga ginawa ng mga kasamahan ko rito dito sa kampo. hanggang nakita ko na papalapit sa akin si Tess, kaya naman medyo kinabahan ako lalo't sa bahay ko ito pupunta, mukhang mangyayari na ang kinakatakotan ko na lumabas ang totoo ugali ni Mylene kapag siya ay nagalit, dahil tiyak na mag-uusap itong dalawang magkaibigan. Nang makalapit na sa bahay ko si Tess ay ka agad itong bumati at nagtanong sa akin. "Magandang gabi Alex, mukhang malalim ang iniisip mo ha? Bakit mag-isa ka lang nasaan pala ang kaibigan kong si Mylene?" tanong nito. "Ahmmm---na riyan siya sa loob ng kwarto natutulog, mukhang masama ang pakiramdam," sambit ko. "Ganoon ba Alex, kawawa naman ang kaibigan ko, pwede ba ako pu

