CHAPTER 1

502 Words
Erza's POV Mahirap pakisamahan yung taong mahal mo pero sinasaktan ka naman physical. Ganito ang nararanasan ko nung maging asawa ko si Dusty. Isang taon na kaming mag-asawa pero feeling ko katulong ang trato niya saken. Sapilitan akong ikinasal sa kaniya, wala na akong nagawa dahil na rin sa gusto ng magulang ko. Mahirap rin ang nag-iisang anak kung alam mong dapat mo rin gawin yung mga bagay na ayaw mo naman. That's how routine my whole life. Sa pagsasama namin ni Dusty natutunan ko na siyang mahalin kahit ayaw niya sakin. Kasalukuyan akong nakaupo sa may kitchen counter ng tinawag ako ni Dusty. "Erza!" "Bakit?" "Saan mo ba nilagay yung mga papelis ko sa kwarto ko?" "Doon sa mesa mo." Ayaw niya pa naman yung ginagalaw yung gamit niya. Hinablot niya bigla yung braso ko. "Aray! N-nasaktan ako dusty." "Diba pinakaayaw ko yung pinakikialam yung mga gamit ko!" "Arrggh! Nilinis ko lang naman yung mga gamit mo sa kwarto ee." Marahas na binitawan niya yung braso ko sabay duro sa mukha ko. "Sa susunod wag kang papasok sa kwarto ko, malinaw ba?!" "O-oo." Saka na ako iniwan nito, Hindi ko maiwasan na hindi umiyak sa mga ginagawa niya sakin. Minsan nakakapagod na yung mga ganitong bagay, kung pwede lang siyang iwanan gagawin ko. pero hindi pa ngayon. Tumayo na ako saka tumungo sa sarili kong kwarto, kahit na mag-asawa kami pero gusto niyang hiwalay kami ng kwarto. Pumunta ako sa closet ko saka kumuha ng maong short at hanging blouse saka nagbihis, kinuha ko na rin yung backpack ko na kulay black. Bumaba na ako, sakto pagbaba ko nadatnan ko na nakaupo sa may sala si Dusty tumingin ito sakin saka nagtanong. "Saan ka pupunta?" "National bookstore lang." "Umuwi ka kaagad. Ikaw ang magluluto." Hindi na ako sumagot at lumabas ng bahay, saka sumakay ng taxi. Marunong naman akong magmotor ee, kaso tinatamad akong magdrive. Binigay ko na rin yung bayad ko. "Manong, sa mall po." Pagkarating sa mall, dumeretso na ako sa National Book Store para bumili ng gamit pang paint. Bumili na rin ako ng libro na pwedeng basahin. "1300 po lahat ma'am." Binigay ko na kaagad yung pera saka lumabas ng National Book Store. Hindi na ako gumala pa sa mall, umuwi na kaagad ako saka dinala sa kwarto lahat ng gamit na binili ko saka nagluto at tinawag na si Dusty. "Kumain kana diyan, pagkatapos iwan mo na lang diyan." sabi ko. "Saan ka Pupunta?" Nagtataka na tanong niya. "Sa kwarto ko may gagawin pa ako." Pagkarating ko sa kwarto inumpisahan ko ng guhitan yung mukha ni Dusty sa sketch pad kinokopya ko yung nasa phone ko yun ang nakasmile pa siya. Yung hindi niya pa ako asawa dito. Siguro dito muna sa sketch pad pansamantala para walang makakita, para hindi niya makita. Magkaibigan kami noon pero noong nalamam namin na kami yung ikakasal nag-iba yung pakikitungo niya sakin, hindi ko alam kung bakit siya ganon. Halos isang taon ko na tinitiis na ganito yung mga nangyayari
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD