Erza's POV
Matapos ko na guhitan huminto muna ako saka lumabas para hugasin yung mga pinagkainan ni Dusty.
Pagkatapos umakyat na ako sa itaas ng hindi ko sinadya na narinig yung kausap ni Dusty sa phone niya nung napadaan ako sa pintuan niya na hindi naman nakasaradong masyado.
"Oo babe papunta na ako dyan para sunduin ka."
"Magbibihis lang ako, sige na. I love you."
Umalis na kaagad ako pagkatapos ko iyon narinig, nakakatawang isipin na hindi pa pala sila naghihiwalay ni Monica. na tunay niyang mahal.
Pumasok na ako sa kwarto ko na hindi namamalayan na umiiyak na pala ako. Kinuha ko yung gitara ko saka inumpisan tugtugin yung gusto ko na ikanta.
I don't know how to love him
What to do, how to move him
I've been changed, yes really changed
In these past few days when
I see myself,
I seen like someone else.
I don't know how to take this.
I don't see why he moves me,
He's a man
Just a man
Hindi ko na talaga kinaya at humagulgol na ako sa iyak. Akala ko sa nagdaang isang taon na magkasama kami sa iisang bahay natutunan na niya akong mahalin, pero hindi pala. Hanggang sa napagod na ako sa kakaiyak at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Dusty's POV
Pagkatapos akong tinawagan ni Monica lumabas na kaagad ako hanggang sa narinig kong kumakanta si Erza. Pinakinggan ko muna yung kanta niya at bumababa na at umalis.
Hindi pa rin niya pala binago yung gusto niyang kumanta, na hanggang ngayon pinagpapatuloy niya parin pala iyon.
Noong kaibigan pa ang turi ko sa kaniya to the point na parang kapatid na ang turi ko sa kaniya pinagkanta niya ako ng kahit ano. Tuwing may singing contest palagi siyang sumasali. Naging sikat na siya noon sa university ee. Natatawa na lang ako sa iniisip ko.
Ngayon hindi ko makuhang humingi ng sorry sa kaniya dahil sa pananakit ko, na sakanya ko ibinabaling yung galit ko. Hindi ko lang talaga tanggap na naging asawa ko yung tinuturi ko ng kapatid.
Nang dahil doon nasira yung pinagsamahan naming dalawa. Boyish pa mo sya. Laging lalake yung kasama. Minsan hindi ko maiwasan mapailing ee. Porma panlalake minsan.
Siguro matututunan rin kitang mahalin erza Hindi ko lang alam kung kailan mangyayari iyon.