CHAPTER 3

463 Words
Erza's POV *Kinabukasan* Nagising ako na namamaga yung mata ko. Bumaba na ako saka nagluto ng almusal namin ni Dusty. Matapos kong magluto ay siya naman pagbaba ni dusty. Humarap ako sa kaniya. "Kumain kana." sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Sabay kaming kumain pagkatapos umalis na ito. Naglinis na rin ako ng buong bahay except sa kwarto niya. Pagkatapos kong maglinis nagpahinga na ako ng biglang tumunog yung phone ko. Blake's Calling... "Baket blake?" "Hello Erza, tara bar muna tayo." Anyaya niya. "Sabi na nga ba yan kaagad ibubungad mo saken ee." Natatawa na saad ko. Tumawa ito sa kabilang linya. "Hindi naman. So, ano tara?" "Sure sige. Papunta na niyan ako." "Osige." Ibinaba ko na kaagad yung tawag at naligo saka nagbihis ng black fitted jeans at sando na kulay white saka ko pinatungan ng blaser na kulay black. Pagkatapos magbihis ng biglang may nagtext. From: Blake Nandito na ako sa bar nasaan ka na? To: Blake Ito na papunta pa lang. From: Blake Ingat sa pagmamaneho, huwag masyadong magyabang sa daan. To: Blake Heh! Oo na lang. Bumaba na ako saka lumabas ng bahay saka pumunta sa garahe kung saan nakaparada yung big bike ko na niregalo nung pinsan ko. Sumakay na ako saka pinaandar ito. *Vrrroooommmmm* Nang makarating na ako sa bar pumasok na kaagad ako at hinahanap kung saan si Blake, nang makita ko na sya lumapit na kaagad ako at tumabi sakanya. "Ang tagal mo aa!" "Sorry naman." Paumanhin ko. "Ano pa lang order mo Erza?" "Hard drink na lang yung pinakamatapang aa." Natawa na lang sya at umorder. Pagkatapos binigay na saken. Inisang lagok ko na lang kaagad. Sanay naman ako ee. Para naman magmanhid naman ako kahit ngayon man lang. "Isa pa nga!" Ibigay naman nito saka ininom kaagad. Nakailan rin ako hanggang sa maramdaman ko na kaagad yung hilo saka na ako nawalan ng malay. Blake's POV Grabe talaga ibang klase talaga tong babae na ito. Binuhat ko na siya saka sinakay sa sasakyan ko. Bukas ko na lang siguro ipapahatid yung motor ni Erza. Iuuwi ko muna siguro sa condo ko tutal kaibigan ko naman siya since high school. Nang nakarating na kami sa condo ko hiniga ko na kaagad siya sa kama ko saka tinitigan siya. Napakasimple lang niya, lahat na lang yata ng hinahanap ko na sa kaniya na. Inaamin ko matagal ko na siyang mahal pero alam ko naman na may nagmamay-ari na sakaniya, iyon ay ang asawa niya. Naaawa na nga ako sa kaniya palagi na lang umiiyak saksi ako doon. Sa oras na sinaktan niya si Erza hindi ako magdadalawang isip na ilayo siya sakaniya. Hinalikan ko na ito sa noo at humiga sa sofa. Dito na lang siguro ako matutulog. May respeto ako kay Erza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD