CHAPTER 4

560 Words
Dusty's POV Umuwi ako sa bahay na nadatnan ko ito ng walang ilaw. Pumasok na ako saka umakyat ng kwarto, nagbihis na ako saka lumabas ng kwarto. Tinungo ko kaagad yung kwarto na wala siya. Saan ka na naman pumunta Erza?! Tinawagan ko siya pero nakapatay naman! "Damn!" Tinadtaran ko rin ng mga text pero hindi siya nagrereply. Nagpasya ako na tawagan yung parents niya. "Son? Napatawag ka?" "Ma, nandiyan ba si erza?" "Wala naman siya dito. Why?" "Ah ganon po ba, wala naman po. Sige goodnight ma." Saka ko na binaba. Pag sinabi ko na wala siya baka mag-alala sila. Napabugtong hininga na lang ako. Nasaan ka ba Erza?! *KINABUKASAN* Erza's POV Nagising ako na sumasakit yung ulo ko. Napadaing ako dahil sa sakit ng ulo. "Arrgghh!" Saka ko lang napansin na hindi sakin itong kwarto nasaan ako? "Are you okay Erza?" Biglang pumasok si Blake na mukhang galing sa kusina. "I'm not." Totoong sagot ko. "Bumangon ka na diyan at magbihis kumuha ka ng damit sa closet ko, saka ka na dumeretso sa kusina may gamot doon para mawala yung sakit ng ulo mo." Gaya ng sinabi niya nagbihis na ako saka pumunta sa kusina at umupo. "Kumain ka na muna." "Sakit talaga ng ulo ko. Urrghh." Reklamo na sabi ko. "Ayan ang napala ng matakaw sa alak." Natatawa pero asar na saad niya. "Grabe aa. Ako pa talaga." "Totoo naman kasi talaga, take note hard drink pa yung pinakuha." Saad niya. Natawa ako. "Oo na, blake." Pagkatapos kumain hinatid na ako ni Blake sa bar kung saan nakaparada yung motor ko. "Mauna na ako, Blake." "Sige. Ingat sa pagmamaneho." Sabay gulo sa buhok ko. *Vrrrrooooommmmm* Lagot na ako nito kay Dusty sana wala siya sa bahay o hindi ko siya maabutan kundi baka magalit na naman yun. Pagkarating ko sa bahay ginarahe ko muna yung big bike ko saka pumasok ng bahay saka ko nadatnan si Dusty na madilim ang mukha. hindi ko maiwasan mapalunok. "Nasaan ka galing kagabi?!" Saka ito lumapit sakin. "Hmm. A-ano kina blake." Lumapit pa ito sakin lalo saka parang inamoy niya ako. "At amoy alak ka pa!" "Saan ka ba talaga pumunta kagabi!?" Dugtong nito. "S–sa ano sa b–bar." nauutal na sagot ko. Bigla niya akong hinablot sa braso saka kinaladkad papunta sa kwarto ko. Nang makapasok na kami sa kwarto ay itinulak niya ako sa kama kaya napahiga ako. "Ano ba!" Sabi ko. "Where is your damn key!?" Galit na tanong niya. "Pati ba naman yun kukunin mo?!" Pagalit na sabi ko. "Nasaan!? Huwag mo akong susubukan Erza Gayheart Middleton!" Talagang full name pa ngayon! "Kung ayaw mong ibigay edi magdusa ka dito." dagdag nito. Saka na ako iniwan dito, at pabalibag na sinara yung pinto. Lumapit ako sa pintuan pero nakalock?! Kainis! "ANO BA DUSTY! BUKSAN MO ITO!" "DYAN KA LANG HANGGA'T HINDI KA TUMITINO" "KAINIS NAMAN!” Nakainis siya! Nakakapikon na! Palagi na lang ganito! Pumunta na ako sa closet saka nilabas yung maleta ko at nilabas rin lahat ng mga damit ko pati na rin yung mga kailangan ko. Kinuha ko yung sketch pad ko saka nilagay sa backpack ko, siguro iiwan ko na lang yung mga painting ko dito. Naipinta ko na kasi yung picture namin ng kasal, yung mukha niya na nakangiti, yung mga painting na kahit stolen lang yung kopya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD