CHAPTER 11

678 Words
Erza's POV *KINABUKASAN* Pagkagising ko pumunta kaagad ako sa kusina at nagluto, paubos na rin yung stock nIya sa reef. "Good morning." Sabi nito. "Morning." Matipid na bati ko sa kaniya. Pagkatapos magluto kumain na kami kaagad ng bigla akong nagsalita. "Pagkaalis ko mag grocery ka, paubos na yung stock sa reef." "Saan ka pupunta?" Nagtataka na tanong niya. "Dadalawin sina mommy." Kahit hindi naman talaga. Tumango na lang ito. Matapos kaming kumain nagpaalam na ako at umalis. Dusty's POV Gaya ng sabi niya, pumunta ako sa grocery at bumili ng mga kailangan ko. Napadaan ako sa mga junk food na ako bumili na ako ng may mahagip akong bata na pilit na inaabot yung Lay's kaya inabot ko iyon at binigay sa kaniya. "Thankyou po." sabi nito, parang nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan at kalian, parang may kamukha siya. "Welcome." Sabi ko, sabay gulo ng buhok niya, bigla naman may lumapit sa kaniya na batang babae. "Kuya Eros, nasaan ka ba nanggaling?" Nagtataka na tanong nung batang babae. "Dito lang, inabot nung kuya yung lays na inaabot ko dapat." Sagot ng batang lalake, sabay turo sakin. "Tara na kuya baka hinahanap na tayo ni tito blake, baka daw mapagalitan tayo ni mommy pagkarating niya." Paliwanag ng batang babae. Tumingin sakin yung batang lalake na pangalan daw ay Eros. "Thankyou po ulit." Saka na ito umalis kasama yung babae, nakakatawa silang tignan hinawalan pa talaga sa kamay na parang ayaw mawala yung kapatid niya. Natigilan ako bigla nung magsink-in sa utak ko yung sinabi nung batang babae, teka Blake daw ang pangalan? Ang alam ko blake na kilala ko yung kaibigan ni Erza o baka iba at kapangalan lang niya. Sana makita ko ulit sila. Para talagang may kamukha sila. Erza's POV Ilan araw na ang nakalilipas ng makasama ko na matulog si dusty, at ilan araw na rin parang nilalagnat ako at oras-oras na lang sumasakit yung katawan ko. Nakahiga ako kasama ang mga anak ko. "Are you okay mom?" Tanong ni demi. "Oo okay lang ako demi." "Pumunta kaya tayo sa hospital mommy?" Suggest na tanong ni Eros. "Huwag na anak, okay lang si mommy." "Sigurado ka po aa?"Paninigurado ni Eros. "Oo naman, dito nga pakiss si mommy." Hinalikan naman niya ako, bigla naman tumunog yung phone ko. *Dusty Calling* "Sino po yan mom?" Nagtataka na tanong ni Demi. "Wala baby, sandali lang okay? Sasagutin lang ni mommy to." "Okay po." Nanlalambot na tumayo ako at sinagot ko na kaagad yung tawag. "Hello?" (Erza are you free today?) "Bakit?" (I'll cook for us, sana pwede ka.) Napabugtong hininga na lang ako. "Okay sige, papunta na." ibinaba ko na kaagad at nagbihis. "Demi, Eros. Aalis muna si mommy." Paalam ko sa kanila. "Saan ka po pupunta mom?" Tanong ni Eros. "May pupuntahan lang, sandali lang naman." "Okay po. Mag-iingat po kayo mommy." "Bantayan mo yung kapatid mo okay." "Opo mom." Sagot niya. Hinalikan ko na sila sa pisngi saka umalis, kahit na ang sama ng pakiramdam ko umalis pa din ako, sumasakit yung bandang tagiliran ko kahit anong galaw ko naapektuhan kaya mas mabuting parang normal na lang ang ikinikilos ko. Nang nakarating ako sa bahay pumasok na kaagad ako, kaya pumunta muna ako sa sala saka umupo at pumikit muna pansamantala. "Dumating ka na pala erza." Sabi ni dusty na kakapasok lang sa sala. "Hmmm." "Okay ka lang?" Nag-aalala na tanong niya. "Oo, urrghh!" Napadaing ako sa bandang dulo. "Tara kain na tayo." Anyaya nito. Tumayo na ako pero naramdaman ko kaagad yung kirot. "Urrrgghh." Daing ko. "May masakit ba sayo?" "Urrghh, wala naman tara na." Sagot ko, hinawakan ko kaagad yung bewang ko para mabawasan yung kirot na nararamdaman ko. Umupo kaagad ako at yumuko saka hinawakan yung bewang ko. "Dalhin na kita sa hospital baka mapano ka pa." Nag-aalala pa din na sabi niya. "Urrrgghh, okay lang talaga ako." "Huwag ng makulit pa, tara na." saka niya ako binuhat na parang pangkasal. Hindi na ako nakipagtalo pa masama talaga yung nararamdaman ko, hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD