CHAPTER 12

672 Words
Dusty's POV Nang nakarating kami sa hospital, inasikaso na nila kaagad si Erza, ano bang nangyari sayo?! Pasaway ka pa rin talaga erza hanggang ngayon. Bigla naman dumating yung doctor saka ako pinapunta sa office niya para daw makausap niya ako. "Nilagnat siya dahil sumasakit yung bandang bewang niya, dahilan ay muscle pain iyon, ito yung mga kailangan niyang gamot para gumaling kaagad siya." May ibinigay itong gamot. "Salamat po doc." Lumabas na kaagad ako at pumunta sa room kung nasaan siya, naabutan ko itong natutulog kaya minabuti na tawagan ko muna yung pamilya at kaibigan niya, pati na rin yung parents ko. (Son? Baket?) "Pa, pumunta kayo nila mama dito sa hospital, room 7. Ngayon na." Pagmamadali na saad ko. "Sige, papunta na kami." Kasunod naman na tinawagan ko yung parents ko. "Mom?" (Baket anak?) Nagtataka na tanong niya sa kabilang linya "Pumunta kayo dito sa hospital, room .7" (Baket? May nangyari bang masama?) Bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Nandito si Erza dahil nilalagnat siya, nawalan siya ng malay kanina habang dinadala ko siya dito." "Sige papunta na kami." Sabi nito. Kasunod at panghuling tinawagan ko si Blake. (Pare, baket?) Nagtataka na tanong niya. "Pumunta ka hospital, room 7. Dinala ko dito si Erza." (Okay sige papunta na.) Ibinaba ko na kaagad yung tawag at tinignan si Erza na mahimbing pa rin ang tulog. Blake's POV Nang matapos akong tinawagan ni dusty pinuntahan ko na kaagad yung mga bata, sigurado na magagalit sakin si Erza pag nilabas ko yung mga bata na baka makita sila ng ama nya, bahala na. "Demi, Eros. Tara may pupunta tayo sa hospital." "Bakit po?" Nagtataka na tanong nila. "Nasa hospital yung mommy niyo." "Tara po." Anyaya nila, umalis na kami kaagad ng makapunta kaagad kami sa hospital. Dusty's POV Makalipas ang ilan minuto dumating na yung parents ko at parent niya, siya naman ay ang pag gising niya. "God! Anak! Saan ka nagpunta ng mahigit sampung taon!?” Galit na tanong ni Mama. "Mom, sa states po." "Hindi mo pinaalam samin? Alam mo ba na hinahanap ka namin pero Hindi ka mahanap! Ang tigas pa din ng ulo mo!" Sermon nito kay Erza. "Sorry mom and dad, hindi ko naman sinadya na umalis.” Sagot nito at umiwas ng tingin. "Huwag mo ng uulitin yun." "Opo." Sagot niya. "Hind na po siya makakatakas ulit ma." Sabat na saad ko naman sa kanila. Lumapit sa kaniya si mommy at daddy (parents ko) "Okay ka na ba hija?" Nag-aalala na tanong ni Mommy. "Opo ma." "Huwag mong pababayaan ang sarili mo." Sabi naman ni Dad. "Opo pa, sorry po sa inyong lahat." Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa naman ng dalawang bata at si blake, sila yung bata dun sa grocery. Lumapit yung dalawang bata kay Erza, pero yung batang lalake tinitigan ng seryoso si erza at nilagay niya yung kamay niya sa leeg nito. "Mommy okay ka na po ba?" Tanong ng babae. "Oo anak, sinama ba kayo ni Tito Blake mo dito?" Tanong ni Erza. "Opo mom." Sagot ng batang babae. "Mom, ang kulit mo po pinapapunta ka na po namin dito sa hospital pero ayaw niyo, ayan po tuloy napunta po kayo dito ng wala sa oras!" Seryoso pero sermon na sabi ng batang lalake na si Eros. "Sino sila anak?" Tanong ni mama. "A-anak po namin ni dusty." Utal na sagot nito. A-anak? Pero wala akong alam? "A-anak natin?" Hindi makapaniwala na sabi ko. "Oo." Humarap ako sa kanila. "Pwede po bang iwanan nyo po muna kami? Maliban sa mga bata." "Sige anak." sabi nila at lumabas sila, saka tinitigan si erza ng seryoso. "Bakit hindi mo sinabi sakin na may anak pala tayo at tinago mo pa sakin?" Hindi makapaniwala na sabi ko. "S-sorry kung hindi ko sinabi na may anak tayo, nasaktan lang ako noon kaya hindi ko sinabi sayo na may anak tayo" umiiyak na sabi nito sakin. Hinawakan niya ako sa kamay at tinitigan. "Sana mapatawad mo ako dusty, hindi ko naman sinadya na itago sila sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD