CHAPTER 13

336 Words
Erza's POV Sumandal ako sa hospital bed habang hawak ang kamay niya. "Sana mapatawad mo ako." Umiiyak na sabi ko. "Shhh, okay lang pero sana mag-umpisa ulit tayo Erza." "Pero paano si Monica?" Tanong ko. "Matagal na kaming wala, simula nung umalis ka sa bahay at iniwan ako, iyon na rin ang pakikipaghiwalay ko kay monica, narealize ko noon na mahal na pala kita pero hindi ko lang maamin sa sarili ko, narealize ko na tanggap ko na pala noon na kasal na tayo, na hindi pala kapatid ang turi ko sayo, kundi asawa. Sana mapatawad mo rin ako sa lahat ng mga ginawa ko, pananakit sayo, yung pakikitungo ko. Sorry sa lahat erza." "Wala na yun matagal na kitang pinatawad mula pa noong umalis ako, at oo mag-uumpisa ulit tayo kasama ang mga anak natin." Sabi ko. Tumingin si dusty sa mga bata na nasa tabi ko lang. "Anak dito kayo.” Itinuro ko yung hospital bed, umupo naman sila. "Eros, demi, diba sabi ko yung daddy niyo na sa malayo?" Tumango na lang sila. "Ngayon umuwi na tayo galing states, ipapakilala ko na kayo sa daddy niyo." "Siya po ba mommy?" Turo ni demi kay dusty. "Oo anak, pwede mo syang lapitan, pati na rin ikaw Eros." Lumapit naman sila sa daddy nila at niyakap nila ito, napatingin sakin si dusty na naluluha sabay sabing "thankyou." tumango ako at ngumiti sa kanila. "Daddy diba ikaw yung sa grocery?" Tanong ni Eros. "Oo, Hindi ko nga alam na ikaw yun, na ikaw pala yung anak ko kaya pala may kamukha ka." natatawa na sabi niya. "Carbon copy talaga kayo dusty." Natawa na sabi ko. "Kaya po pala kamukha kita, feeling ko din po nakita na kita, kaya po pala parang sarili ko lang." natatawa rin na sabi ni Eros. "Okay ka na ba Erza?" Biglang tanong ni dusty. "Oo nga naman po mom, matigas po ang ulo mo." singit ni Eros. "Oo okay na ako, payakap nga sainyong tatlo." Lumapit naman sila at niyakap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD