CHAPTER 7

515 Words
Erza's POV Nagstay ako ng one month sa condo ni Blake, pero parang may nagbabago sakin minsan nahihilo ako at nagsusuka, kaya nagpasya ako na magpacheck-up na muna para sigurado. Nagbihis na ako ng white v-neck at pantalon saka umalis ng nakarating na ako sa clinic sakto naman na konti lang kaya naghantay na ako, at nung ako na tumayo na ako. "Ms. Gayheart." Pumasok na ako saka umupo sa harapan ng doctor. "Ms. Gayheart, I'm Dr. Santiago anong maipapalingkod?" "Dr. Santiago minsan po kasi nahihilo po ako at minsan parang bumabaliktad yung sikmura ko." May kinuha sya sa drower nya saka binigay ito sakin. Pregnancy test? "Gamitin mo yan para malaman naten." Tumango ako saka pumunta sa cr. Saka bumalik sa harapan ni Dr. Santiago. "Congratulation Ms. Gayheart POSITIVE you're pregnant." Nakangiting bati niya. "T-thankyou po" naluluha na sabi ko. "Ito yung reseta na kailangan mo para sa pagbubuntis mo okay, please take care of your health and yourself okay." Binigyan na rin nya ako ng vitamins para sa baby. Tumango ako. "Thank you po." Ngayon alam ko na buntis ako siguro mas maganda na wala na munang makakaalam, kailan ko umalis dito sa pilipinas ayoko na bata lang ang habol niya. Hindi ko ito ipapaalam, kaya tinawagan ko si Blake. "Blake?" (Bakit?) "Umuwi ka kaagad may pakiusap sana ako." (Sigesige, hintayin mo ako.) Binaba ko na ito saka sumakay ng taxi dahil iniwan ko yung big bike ko sa bahay, hindi ko na muna kukuhin. Nang nakarating na ako sa condo unit ay sumakto naman na dumating si Blake. "Blake may pakiusap sana ako sayo." "Ano yon?" "Pwedeng ayusin mo yung flight ko pati narin yung passport ko?" "Para saan naman?" Nagtataka na tanong niya. "Pupunta sana ako sa States pero dapat walang nakakaalam please lang." Pakiusap ko. "Okay sige kailan ka ba gustong pumunta sa States? For good?" "Oo. Sa nextweek ko na sana gusto." "Sige ako na ang bahala." Kahit kay blake ayokong ipaalam baka masabi niya bigla kina mommy patay ako. Ayoko rin malaman nya na buntis ako. Pumunta ako sa kwarto at umupo sa study table saka nagumpisang gumuhit ng future baby ko pero parang carbon copy ni dusty yung naging resulta. Hanggang drawing na lang ang alam ko para sa future na gusto ko. Bubuhayin ko mag-isa ang baby na nasa tyan ko na walang tulong mula kanino. Siguro masaya na siya ngayon na wala na ako sa tabi niya. Lumipas ang isang linggo at mamaya na ang flight ko. Nagbihis na ako ng hanging blouse na kulay grey at blue jeans saka grey cup, para walang makakakilala sakin. "Blake kung tanungin ka man niya sabihin mo hindi mo alam okay?" "Oo." "May sasabihin pala ako bago umalis." "Ano yun?" "Buntis ako almost 6weeks na, sana tayo lang ang makakaalam nito at huwag mong ipagsabi sa iba kahit sa pamilya ko kahit Kay dusty pa huwag mong babanggitin okay." Pakiusap ko. "Oo sigesige, makaasa ka, magiingat ka roon okay?" "Oo, ikaw rin bumisita ka minsan aa." "Oo naman." "Paano ba yan goodbye na." Kumaway muna ako saka umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD