CHAPTER 8

468 Words
*After 10 years had passed* Sampong taon ang nakalipas na masaya ang naging buhay namin dito sa Los Angeles kasama ang dalawa kong anak, hindi ko except na kambal ang naging labas ng anak ko. Sampong taon na rin yung mga baby ko kahit ayaw nila na binebaby ko sila, nakakatawa sila pag nagrereklamo sila na hindi na daw sila baby. "Eros! Demi! Wake up!" Tapik ko sakanila. "You are going to late it's already 6 am in the morning and your class is 7:15." busangot sila na tumayo sa kama. "Morning mom." Sabay kiss ni eros sa pisngi ko. "Good morning mommy." Sabay yakap at kiss rin ni demi. Marunong naman silang magtagalog kasi sinanay ko sila, pero pag nasa school kung ano ang kinagigisnan nila roon yon ang ginagamit nila. "Baba na kayo mga babies, aayusin lang ni mommy yung mga gamit niyo for school." "Hindi na po kami baby mommy." sabay pout ni demi. "That's true mom, stop calling us baby." "Osiya" natatawa na sabi ko. Pagkatapos kong inayos yung mga gamit nila bumaba na rin ako saka nadatnan sila na kumakain parin. "Eros, hanggat nasa school kayo bantayan mo si demi okay?" "Yes mom." "Good boy" sabay gulo ng buhok niya. Pagkatapos nilang kumain naligo na kaagad sila at nagbihis. "Mom aalis na po kami." Paalam nila. "Kiss mommy first." Hinalikan naman nila yung pisngi ko. "Take care okay." Pagpapaalala ko sa kanila. "Yes mom." sabay na sabi nila. Habang naglalakad sila, inaalalayan ni Eros si demi papasok ng school bus. Napakasayang isipin na parang matured na si Eros kung kumilos at pinoprotekta niya ang kapatid niya. Sa nagdaan na taon pinadala ko yung annulment paper na kasama ang pirma ko pero hanggang ngayon wala parin akong natatanggap mula sa kaniya. Inayos ko na yung mga pinagkainan namin saka hinugasan yung mga plato at bumalik sa kwarto ko ng bigla na lang tumunog yung phone ko. *Blake Calling* "Hello?" (Za, sasabay ba kayo na uuwi ng mga bata dito?) Tanong niya sa kabilang linya. Napabugtong hininga na lang ako. "Oo pero saan kame mags-stay?" (Sa condo ko kasya naman tayo doon eh, saka dito mo na rin pag-aaralin yung mga bata.) "Sige, ipapaalam ko sakanila pagkauwi nila." (Sigesige. Bye.) Kahit na lumalaki na sila, alam na alam mo kung kanino sila ama, kamukha ni Eros si dusty, kumbaga parang xerox lang yung naganap, mukhang namana nya yung pagiging seryoso niya, samantala si demi mata lang yata at ilong ang nakuha saken pati pala lips namana niya sakin. Lumipas ang mga taon na nagtatago ako sa kaniya pati na rin ang mga bata tinatago ko sa kaniya, natatakot ako na kunin niya sakin yung mga anak ko, kahit magulang ko walang balita mula sakin. Bibisitahin ko na lang siguro sila pagkauwi namin mula sa pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD