CHAPTER 9

587 Words
Lumipas rin ang panahon na minsan hinahanap nila ang daddy nila na pilit ko na iniiwasan at sinasabi sa kanila na nasa malayo ang daddy nila. "Demi and Eros pack your things." "Why mommy?" Nagtataka na tanong nila. "We're going back to the Philippines with your tito blake." "That's great." Masaya na sabi nila. Nagtulungan sila na magimpake ng gamit nila, siguro pagkauwi namin makukuha ko na ulit yung motor ko na hanggang ngayon nasaakin pa yung susi pati narin doon sa bahay. Pumunta ako sa cr saka tumingin sa salamin kinuha ko yung gunting at ginupit yung buhok ko hanggang balikat at kinulayan ng hazel brown. Matagal na rin akong hindi nagpapagupit, kaya ako na ang gumawa. Lumabas na ako sa Cr at nadatnan ko sila na nakaupo sa sala at parang nabigla pa sila. "M-mom what happen to your long hair?" Sambit ni demi. "You look sexier mom." Puri naman ni Eros. "Thankyou Eros." sabay halik sa kaniya. "Masyado ng mahaba yung buhok ni mommy kaya ginupit ko." "Bagay ba?” Tanong ko sa kanila. "Opo mommy" nakangiti na sabi ni demi. *KINABUKASAN* Ngayon na yung flight namin kasama si Blake, minsan bumibisita isya kaya close na niya yung mga bata. "You okay?" Pag-aalala na tanong ni Blake. "Yeah I'm fine." Sagot ko, kahit na parang hindi naman. Lumipas ang ilan oras at nasa pilipinas na kami, kinakabahan ako sa pagbabalik ko dito. ‘Welcome back Erza’ sabi ko na lang sa sarili ko. Dumeretso na kami sa condo ni blake at pinatulog yung mga bata, nagbihis na lang ako ng loose shirt at black short saka white cap. "Saan ka pupunta?" Tanong ni blake. "Kung saan ako nakatira noon." Sa bahay namin dati ni Dusty. "Anong gagawin mo?" Nagtataka na tanong niya. "Kukunin ko lang yung motor ko." "Wow! Just wow! May anak na boyish parin kung pomorma, may anak na nakuha mo pang magdrive ng motor mo, ikaw na Erza.” Tumawa pa siya. "Para wala ng problema pag umaalis ako, pakibantayan na lang yung mga anak ko." "Ingat ka." Sabi nito. Umalis na ako saka nagtaxi papunta sa village kung saan ako nakatira noon kasama siya, nang nakarating kami ng village ng gate hinarangan kami ng guard. "Ma'am ano pong kailangan niyo?" "Kuya ako to si Erza." Natatawa na sabi ko. "Ma'am kayo ba yan? Nag-iba kasi kayo ng kulay ng buhok." Gulat na tanong ni Kuya Guard. "Oo nga ee, sana walang makaalam na pumunta ako dito." "Makaasa kayo ma'am." Matapos kaming mag-usap ni kuya guard pumasok na kami sa loob ng village at nagpababa na kaagad ako pagkarating ko sa mismong bahay. Mukhang wala naman pinagbago kaya pumasok na ako sa gate at pumunta ng garahe saka nilabas yung motor ko, pinarada ko muna ito sa daan saka nagpasiya na pumasok kasi mukhang wala naman tao. Pagkapasok ko ginala ko muna yung paningin ko at hinanap yung switch ng ilaw saka binuksan. Wala talagang pinagbago mula ng umalis ako dito, umakyat ako saka dumeretso sa dating kwarto ko. Nandito pa rin pala yung mga dating gamit ko, salamat naman at hindi niya tinapon pumunta ako sa closet at binuksan ito nandito parin pala yung mga ginawa ko. May hinahanap ang mga mata ko pero parang wala yung painting nung kasal namin pati na yung mukha ni dusty na nakapinta dito. H-hindi kaya tinapon nya? "E-erza?" Alam ko yung boses na iyon, hindi ako nagkakamali sa kaniya iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. "Dusty." Iyon na lang ang nasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD