Chapter 9

4671 Words
No one wants to say goodbye. Kahit saang larangan ng bagay ng buhay ng tao, masakit at malungkot ang magpaalam. While to some it is better and it is alright; to many, it is painful especially when we know if we cannot go back to what we bid goodbye at. Pinagmasdan ko si Max habang naggagayak ng mga gamit niya. Kanina pa siya walang imik. Masyado bang masakit 'yung sinabi ko sa kanya kanina? Nagsabi lang naman ako ng totoo, a. Dapat baguhin niya 'yung attitude niyang akala niya pwede niyang mahalin ang lahat at ng sabay-sabay pa. Stop caring for a person just because you and your current lover are not in good terms. Lumingon sa akin si Max. Doon ko na lang na-realize na nakakunot pala ang noo ko habang nakamasid sa kanya. Umiwas ako. "Tapos ka na bang maggayak? Baka maiwan tayo ng flight." "Malapit na," kaswal kong sagot. Tsk! Ang sama naman kung aalis kami ng Batanes na ganito ang nararamdaman naming dalawa — masama ang loob niya at ako naman ay nagi-guilty. Dapat ko ba siyang kausapin tungkol dito? Hay, ewan! Pinagpatuloy ko ang paggagayak. Lumipas ang kalahating oras, natapos kami ni Max. Walang nagsasalita sa amin. Naba-bother talaga ako. Ayoko ng ganito. "Labas na ako," pamamaalam ko sa kanya. "Iwan mo na lang 'yang malaki mong bag, dadalahin 'yan ng bellboy mamaya." "Sige," at lumabas na ako. Gano'n pa rin ang tono ng pananalita ni Max. Walang gana. At sa tono nito, alam kong masama ang loob niya. Actually, hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang makalayo sa prescence ni Max. Ang awkward kasi. Pumunta ako sa may dalampasigan at pinagmasdan ang dagat. Sa kabila ng katahimikan nito ngayon, wala naman siyang napipinsala. Hindi ko katulad. Kung naging tahimik na lang siguro ako kanina, baka hindi sumama ang loob ni Max ngayon. Bumuntong-hininga ako. Bukas, pagpasok ko sa school, wala nang ganito. Maingay na ulit ang paligid ko at wala na namang kapahingahan. How I wish hindi na matapos ang araw na 'to. "Tsk!" Napa-upo ako sa buhanginan. Goodbye, Batanes na talaga. Hay! Pwede bang dito na lang ako? "Simone!" Lumingon ako kay Max na tumawag sa akin. Kung goodbye, Batanes, malamang goodbye, Max, na rin. Sa sinabi ko sa kanya kanina, hindi malabong hindi na ako nito kulitin o kitain pagbalik sa bayan namin. At isa pa, paniguradong back to normal kami pagka-uwi na pagka-uwi namin — ako sa busy kong buhay bilang teacher at siya naman ay sa pinagkakaabalahan niya. Tiningnan ko lang si Max habang lumalakad papalapit sa akin. Hindi ko talaga gustong lisanin ang Batanes ng ganito ang pakiramdam. Bahala na sa iisipin ni Max. Basta ako, ayokong iwanan ang Batanes ng ganito. Tumingin din sa akin si Max. Ipinakita ko naman sa kanya ang pinakamaayos kong ngiti. At least magkaroon man lang siya ng hint na gusto kong mag-sorry dahil sa sinabi ko kanina. Lalong lumapad ang ngiti ko dahil may naalala ako dahil sa kasunod na ginawa ni Max. *FLASHBACK* Pagkangiti ko ay ngumiti rin si Max at tumakbo papalapit sa akin. Mabuti naman at kahit last day na namin ngayon bilang 1st Year students ay maganda at maayos ang pakikitungo niya sa akin. "Uy, siokoy na duling," bati ni Max sa akin nang makalapit na siya. "Pinabibigay ni sir Rodriguez." Inabot sa akin ni Max ang invitation para sa Recognition Day ng SPA bukas. "Congrats." Tinanggap ko ang invitation at mabilis na binuklat ito sa page kung saan nakalista ang award ng mga 1st Year. Nakita ko ang pangalan ko. "Ako? Performing Award in Music?" Nagtaka ako sa isang award na matatanggap ko. Akala ko ay Service Awardee lang ako at With Honors. "Oo, a. Bakit hindi?" si Max naman. "Di'ba kumanta ka no'ng Foundation Day?" Sa SPA Got Talent. "2nd place ka no'n, di'ba," dagdag pa ni Max. "Tapos nag-i-intermission ka pa no'ng may mga event ang school." Naglakad na kami ni Max kasi ay sinalubong lang naman niya ako sa gitna ng covered court. Wow. Akala ko naman kinamumuhian ako nitong si Max ng sobra-sobra. Kahit papaano pala ay may alam siya tungkol sa ilang ganap ko sa buhay. "Dapat nga may award ka ring Best in Debate," suhestyon niya. Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit naman? May binibigay bang gano'ng award?" "Palagi ka kasing nakikipagtalo sa akin," diretsong sagot ni Max. Napangiti ako. Biglang pumasok sa isip ko ang mga bangayan namin mula nang matapos ang Foundation Day noon. Katulad no'ng sa past tense ng teach: ang sabi niya, teached daw 'yun, e 'yun naman ay taught. Tapos nakipagbangayan din sa akin ito no'ng idine-describe ko ang layo ng bahay namin sa school. Six kilometers kaya 'yun pero ang sabi niya five lang daw. Ako kaya itong nakatira sa bahay namin. Kahit sa suot kong t-shirt kapag naka-P.E. uniform kami, sasalungat siya tapos pagbabangayan na namin 'yun. Ewan ko ba rito kay Max. Natutuwa siguro kapag nakikipagsagutan sa akin. Hindi naman siya katulad ng iba na asar-talo, at hindi na rin naman niya ako sinasaktan o binu-bully kapag nadedehado siya. Pero minsan nasasaktan pa rin naman ako sa mga pagtatalo namin kasi bigla na lang siyang manlalait. Minsan nga tinatanong na lang ako nina Riz kung bakit crush ko pa rin si Max e samantalang lagi nga kaming nagtatalo. Sa katunayan, hindi ko rin alam kung bakit. Siguro kasi dahil ang pogi-pogi pa rin niya. Bukod do'n, kahit hindi siya mabait sa akin, mabait naman siya sa iba at kitang-kita naman ito. "Ikaw kaya itong palaging nakikipagtalo d'yan," sagot ko sa kanya. "Lilipat ka raw ng school?" Hindi pinansin ni Max ang sagot ko. Nagulat din naman ako sa tanong niya. "Hindi ko pa alam, pero baka." "Ngi? 'Wag kang lumipat." May init akong nadama sa dibdib ko. Totoo bang hindi ako pinalilipat ni Max ng school? "Kapag lumipat ka kasi ng school, mawawalan ng pangit sa klase natin. Nag-iisa ka pa namang siokoy na duling." Tumawa pa siya. "Bwisit ka," siniko ko siya kahit hindi malakas. "Pero 'di nga, bakit ka lilipat kung sakali?" Tumingin ako sa ulap bago kami lumiko ni Max sa hagdan. Sasabihin ko na. Wala namang dapat ikahiya sa pagiging mahirap. "Binitawan na kasi ako no'ng sponsor ko. Nagkaroon siya ng problema, e." Umakyat na kami ng hagdan. "Sponsor?" "Nagpapaaral sa akin. Alam mo naman, mahirap lang ako." "Kawawa ka naman pala, syoks, mahirap ka na nga, pangit ka pa." Tumawa siya. Kahit kailan talaga 'tong Maximo na 'to. "Itulak kaya kita d'yan," pagbabanta ko. "Tapang, a," kiniliti pa niya ako. "Ano ba!" Pagsusungit ko sa kanya. Naghiwalay na kami ng landas ni Max. Tumuloy kasi ako sa classroom namin at siya naman ay sa dulo ng corridor nitong second floor, nando'n ang mga kabarkada niya. Kung lilipat ako ng school, hindi ko na makikita si Max. Hindi na matutuloy ang love story namin. Joke lang. Pero seryoso, sa bago kong school, siguradong walang Max do'n. Wala rin do'n ang mga kaibigan ko, ang mga kaklase ko, ang buong SPA. Pinagmasdan ko ang buong classroom namin. Kung ano-ano ang ginagawa ng mga kaklase ko. May naglalaro sa cellphone nila. May nagkukwentuhan at tawanan. May natutulog din. Nakakatuwa naman at kahit hindi na kami nagkaklase sa ganitong panahon ay pumapasok pa rin sila. Suminghot ako. Hindi ko kaya 'to. Akala ko ay inihanda ko na ang sarili ko para sa last day na 'to pero hindi pala. Sabi ko kasi, dapat masaya lang today, dapat i-enjoy ko lang ang buong maghapon kasi nga last day na ngayon. Lumabas ako ng room namin at pumunta sa likod ng library, sa lagayan ng mga gamit na panglinis ng janitor. Umupo ako sa isang sulok at mabilis na ibinuhos ang luha. Bakit kasi kailangan ko pang lumipat ng school? Bakit kailangang mawala no'ng sponsor ko? Bakit? SPA, mami-miss kita. Lalo na ang sulok na 'to. Mamimiss ko syempre ang mga kaibigan ko, pati na rin si Max. Hay! Kung pwede lang na hindi na dumating ang recognition day bukas para sana may pasok pa rin, para sana makasama ko pa rin ang mga kaibigan at kaklase ko. Kung pwede lang sana... Umiyak lang ako nang umiyak. Alam ko namang hindi mababago ng pag-iyak ko ang katotohanan pero masisisi ko ba ang sarili ko? Naiiyak talaga ako, e. "Kung bakit naman kasi sa akin ka palaging pinapahanap ng mga teacher kapag nawawala ka?" Boses 'yun ni Max, a. Pinahid ko ang luha ko at sumilip sa daanan papunta rito. Nando'n nga siya. Nakatayo, nakakunot ang noo pero medyo nakangiti. Tumayo ako. "Bakit daw?" Inaayos ko ang hitsura ko. "Malay ko. Pero ang pangit mo palang umiyak, 'no." Sabay kaming tumawa. Parang sira talaga 'tong mokong na 'to. "Huwag ka ngang umiyak d'yan, bumisita ka na lang dito next school year para makita mo pa rin ako," suot niya ngayon ang ngiti niya na pang-adik. Medyo tumawa ako. "Tangi." Nahulaan niya siguro kung bakit ako umiiyak. "Tara na, hinahanap ka ni sir Rodriguez." Tumalikod siya. "Paborito mo talaga 'yang lugar na 'yan, ano?" Sumunod ako sa kanya habang nagpapahid ng mukha. "Oo, e." "Sana sa bago mong school may ganyan, para may naiiyakan ka lagi." Tumawa pa siya. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Max. Hinayaan ko siyang maunang maglakad kaysa sa akin. Max, hindi ko alam kung aattend ka ng rcognition day bukas kahit wala kang award. Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na salamat. Salamat kasi ginawa mo ring makabuluhan ang 1st Year High School ko. Salamat kasi kahit hindi mo alam, napapasaya mo ko. Salamat kasi kahit nasasaktan mo ko, hinahayaan mong mahalin pa rin kita. Max, kung ito na ang huli nating pagkikita at pag-uusap, gusto kong malaman mo na mahal kita. Hinding-hindi kita malilimutan. Goodbye. "Siokoy na duling, bilisan mo," lumingon siya. Binilisan ko. Kasabay ko na siyang maglakad ngayon. Sana nasabi ko sa kanya 'yung pamamaalam ko. Sana pwede ko rin siyang yakapin. *END OF FLASHBACK* "Tara na, oras na para uumalis," saad ni Max pagkalapit na pagkalapit niya sa akin. Tinitingnan ko lang siya habang nakangiti pa rin ako. Nakangiti siya ngayon pero unti-unting kumukunot ang noo niya. Hindi ko na hinintay pang kumunot 'yun ng tuluyan. Niyakap ko siya. "Simone? Bakit?" Natatawang tanong niya. "Salamat..." Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. "Salamat sa pagsama sa akin dito sa Batanes kahit na ang sungit-sungit ko palagi sa'yo." "Sus, ang drama naman nito," naramdaman ko ring yumakap siya sa akin. "Hayaan mo na 'yung kasungitan mo. Bayad na 'yun sa lahat ng pang-aaway at panlalait ko sa'yo no'ng high school tayo." "Sorry nga pala dahil sa sinabi ko kanina. Nasaktan yata kita," bitaw ko sa mga salitang alam kong ikakaluwag ng damdamin ko. "Wala 'yun. May point ka naman, e." Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. "E bakit hindi ka namamansin kanina?" Tinarayan ko na ulit siya. "Naiinis kasi ako sa sarili ko. Ang gago ko." Mula sa harapan ko ay tumabi siya sa akin at umakbay. "Oo, ang gago mo talaga sa part na 'yun. Gagawin mo pa akong kabit, alam mong may jowa ka." Nagsimula kaming lumakad habang nakaakbay siya sa akin. "Wala naman akong sinabing gagawin kitang kabit, a. Ikaw, ha, mga ganyang bagay ang nasa isip mo," tumawa siya. "E kasi ikaw," tumaas ang tono ng boses ko. "Sabi mo babawi ka sa..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Nahihiya akong sabihin sa kanya na babawi siya sa pagmamahal ko sa kanya. Pisti! Kadiri kaya! "Basta, sabi mo babawi ka. So anong gusto mong isipin ko nang sabihin mo 'yun? Nang maging sweet ka sa akin kanina? Pahawak-hawak ka pa sa kamay ko kanina." Tumatawa ulit siya. "Oo, babawi ako, pero hindi naman bawi na jojowain kita." "Ewan ko sa'yo." "Pero tama ka sa sinabi mo. Hindi pwedeng ganito lang ako sa'yo kasi magkaaway kami ni Wendy. Kapag nagkabati nga naman kami, paano ka? Malamang pababayaan na kita. Hindi ka pa naman maganda." Tumawa ulit siya. "Alam mo, pisti ka." Siniko ko siya at tumama ito sa tyan niya. Hindi naman malakas. "Nagba-bye ka na sa Batanes?" pag-iiba niya ng usapan. "Oo." Actually, hindi pa masyado. "Ahh. Magba-bye ka na rin sa 'kin." Umalis ako sa pagkakaakbay niya at humarap sa kanya habang patalikod na naglalakad. "Bakit?" "Pagbaba natin ng eroplano, sa Manila na lang muna ako. Hindi ako didiretso sa atin." Tumabi ako sa kanya sa paglalakad. "Aayusin ko muna ang problema namin ni Wendy." Tiningnan ko siya. Nakatungo lang siya at mukhang desidido siya sa gusto niyang gawin. "Tama 'yan, Max. Mag-usap kayo para magka-intindihan kayong dalawa." "Ikaw ba? Pagbalik mo, makikipag-usap ka ba kay Dino?" Umiwas ako ng tingin kay Max. "Hindi na. Okay na 'yung usap namin sa phone. Tama na 'yun. Tutal, ayoko naman na talaga," sagot ko. In fairness naman, kahit nalulungkot ako kapag naiisip ko si Dino, hindi ko naman siya nami-miss. At isa pa, hawan ang pakiramdam ko ngayong wala na siya. Wala na akong iniisip-isip kung anong oras siya magre-reply sa chat ko o kung kailan kami magkikita. "Ahh. Matibay," tinulak ako ni Max. Natumba ako sa buhanginan. "Aray ko!" Tiningnan ko siya. Ang lakas-lakas ng tawa niya. Tumakbo siya palayo sa akin nang makatayo ako. Feeling naman niya hahabulin ko siya. Tiningnan ko lang siya habang tumatakbo palayo. Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko ang malawak na dagat at ang langit. "Bye, Batanes." Naglakad na ako papunta sa main lobby. Nang makarating at makapagpaalam kina Sabrina ay sumakay na kami ng van papuntang airport. Makalipas ang dalawang oras ay nakababa na kami ng eroplano sa Maynila. "So this is goodbye?" tanong ko kay Max pagkatapos niyang pumara ng taxi. "Ang OA mo," kumatok si Max ng dalawang beses sa noo ko. Palibhasa mas matangkad sa akin. "Pisti ka!" "Para kasing hindi magkikita kapag may session ulit," tinutukoy niya ang darating na inuman naming mga high school batchmates. Hawak-hawak ko ang noo ko. "E kasi hindi naman tayo sure na kapag umattend ka sa session na 'yun ay nando'n din ako. At saka siguradong makakalimutan mo na rin ako kapag nagkaayos na kayo ni Wendy." Teka, bakit ko ba sinabi ang mga bagay na 'yon? "Akala ko ba nagsinungaling ka lang no'ng sinabi mong may gusto ka pa rin sa akin?" Nakangiti siya na parang adik na nakatakas sa buybust. "Ewan ko sa'yo, Max. Sumakay ka na nga," tinulak-tulak ko pa siya. "Oo na, oo na. Bye!" Sumakay na siya sa taxi. Pinagmasdan ko ang papalayong taxi. "Goodbye." And I meant my goodbye to him. Alam kong kaya lang ako nakakaramdam ng ganitong lungkot e dahil babalik na naman ako sa buhay na hindi ko gusto. Babalik na naman ako sa nakaka-stress na araw-araw na napaglibanan ko nang lumipad ako papuntang Batanes. At higit sa lahat, kaya ako nagkakaganito, e dahil alam kong mami-miss ko ang mga nangyari sa Batanes. Kahit ang sungit-sungit ko kay Max, alam kong mami-miss ko rin siya. At ngayong makikipag-ayos na siya kay Wendy, baka hindi na kami magkita talaga katulad ng sa Batanes at no'ng nagperya kami. Kinabukasan, kahit pagod sa byahe, ay pumasok pa rin ako. Kahapon pang Lunes ang resume ng klase pero absent ako dahil nga nasa Batanes pa ako. "Sir San Miguel!" bati sakin ng principal namin pagkapasok na pagkapasok niya ng faculty room. "Good morning, ma'am," tugon ko naman. "So how was Batanes? Nag-enjoy ka ba? I heard nanggaling ka pa raw sa Mt. Carmel Chapel," kumuha si ma'am ng monoblock sa center table ng room at inilagay sa tapat ng lamesa ko. "Tell me all about it." Nakangiti siya. Kung hindi ko lang siguro 'to principal, baka pinalayas ko na siya sa harapan ko sa pinakamataray kong paraan. Kinuwento ko may ma'am ang mga nangyari. Nagpakita rin ako ng ilang pictures. Syempre excluded sa kwento 'yung mga hindi magagandang bagay at 'yung sobrang personal. Lalong-lalo na 'yung nag-inom kami ni Max. Inilarawan ko lang kay ma'am kung gaano kaganda 'yung lugar. "Mukhang nag-enjoy ka talaga, sir San Miguel," tumayo na si ma'am mula sa upuan niya. "Anyway," may pinatong siyang sobre sa lamesa ko. "Dinala 'yan kahapon dito ni Zandro. Natatandaan mo pa ba siya? Ahead siya sa high school batch niyo ng one year." Si Zandro, Zandro Trinidad, ang lalaking feeling pogi noon na pogi naman talaga at patay na patay kay Tina. Best friend siya ng misteryosong si Lucas Mendiola. "Opo, ma'am, bakit po?" "I don't know, buksan mo na lang 'yan para malaman mo. Bye." Tiningnan ko ang sobre. May pangalan ko ito. Para sa akin nga talaga. Hindi natuloy ang pagbubukas ko ng sobre nang tumunog ang bell. Lumabas ako ng faculty room at pumunta sa covered court. Nakita ko agad ang advisory class ko, nakapila na sila para sa flag ceremony. Nang matapos ay dumiretso na ako sa classroom namin dahilan para lalong hindi ko mabuksan ang sobre. "Uy, nand'yan na si San Mig," nanlaki ang mga mata kong lumingon sa pintuan ng classroom ko. May isang pilyong bata na hindi maganda ang lumabas sa bibig. Pumasok ako sa loob ng room at straight body na straight body na naglakad papunta sa gitna. "Good morning, class!" bati ko sa kanila. Tumayo sila at binati rin naman ako sa paraang gusto ko. "Remain standing," masama ang tingin ko sa kanilang lahat. Mukhang alam nilang mapapagalitan ko sila ngayon. "Uy, nand'yan na si San Mig," inulit ko ang sinabi ng isa kong estudyante kanina. Well, kilala ko naman siya sa boses niya, pero syempre, mas maganda kung aamin ang bata sa kasalanang ginawa niya. "Umupo ang hindi nagsabi ng linyang 'yun." Dahan-dahang umupo ang mga bata maliban kay Armand. Sinasabi ko na nga ba. "Later, after class, faculty room," alam na nila ang ibig sabihin no'n. Makalipas ang isang oras ay natapos ang klase ko sa Grade 7. Dumaan ako sa room ng Grade 9 na dating room namin noon no'ng 1st Year High School kami. Sa isang tingin ay bigla kong naalala si Max. Kumusta na kaya siya? Naka-usap niya kaya si Wendy? Okay na kaya siya? Okay na kaya sila? Mula kasi nang maghiwalay kami ng landas kahapon ay hindi ko na siya naka-usap. Hindi siya nagcha-chat. Pansin ko ring hindi siya nagse-seen sa ilang chat sa GC ng high school batchmates namin. Aba! Syempre, hindi ko siya icha-chat, 'no. Baka isipin pa no'n, may gusto pa nga ako sa kanya. Pisti! "Sir, kumusta po ang Batanes?" tanong ni Cedric na siyang sumabay pa sa akin sa paglalakad. Break time na nila. "Masaya, wala kayo ng mga kaklase mo, walang magulo sa buhay ko," diretsong sagot ko. "Sir naman," kumamot pa siya sa ulo niya. "E sir, 'yung kasama mo? Kumusta po kayo?" Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan si Cedric ng pamatay kong tingin. Alam niya sa sarili niyang wrong question siya. "Huwag kang chismoso," pinandilatan ko siya ng mata. "Tell all the committees last Halloween Party that we will have a meeting later at 04:30PM. Sa student lounge. Bawal ma-late at bawal ang maraming tanong." "Y...yes, sir." Iniwan ko si Cedric. Kung nanginginig pa rin ang bagang niya ngayon ay wala na akong paki-alam do'n. Pisti. Pa-tanong tanong. Una kong binuksan ang sulat na pinadala ni Zandro nang makabalik ako sa lamesa ko sa faculty room. Talagang hitsura pa lang ng format, super formal na. Para saan ba 'to? Bigla kong naalala si Zandro no'ng High School kami. Si Tina lang talaga ang lahat sa kanya. Crush na crush niya 'yun. Kahit sino sa aming mga magkakaklase na nakakasalubong niya ay si Tina palagi ang tinatanong niya. Ang Tina naman? Ayun, kay Max nakabuntot, palibhasa, si Max ang crush niya. Pero nagpaligaw din naman 'tong si Tina kay Zandro habang nagliligawan sila ni Max, 'yun ang alam ko at sabi rin ng ilan kong kaklase. Malandi rin ang Tina na 'yun, e. Pogi si Zandro. Marami ring nagkakagusto sa kanya, pero hindi ako ro'n kasama. Masyado kasing mayabang 'to noon. Ngayon, ewan. Ilang taon ko ring hindi nakita 'to pagkatapos nilang grumaduate ng High School. Ang crush ko dati ay si Lucas, ang best friend ni Zandro na palaging tahimik. "Sir San Miguel?" napalingon ako kay ma'am Alcantara. "09:45 na po." Napatingin ako sa orasan. Ngek? Ang bilis naman ng oras! "Yes, ma'am. Thank you po," pinasalamatan ko siya dahil sa pagre-remind sa akin ng oras. Time ko na kasi ng klase ko sa Grade 10 na advisory class niya. Mukhang mamaya ko pa talaga mababasa ang sulat ni Zandro, a. Kinuha ko ang libro ko sa Grade 10 at dumiretso na sa room nila. Natapos ang isang oras at natapos na rin ang klase ko. Habang nagkaklase kanina sa Grade 10 ay hindi ko naiwasang hindi maalala si Max. Ang room na 'yun kasi ang room namin noong 4th Year High School kami kung saan marami rin kaming memories ni Max. Tiningnan ko lang ang sulat na bigay ni Zandro nang bumalik ako sa faculty room. Oras na kasi ng klase ko sa Grade 9 at pagkatapos no'n ay sa Grade 8 naman. Dalawang oras pa ang lilipas bago ko mabuksan ang sulat. Ano nga kaya ang laman ng sulat na 'yon? Natapos na ang klase ko ngayong morning period. As usual, mag-isa akong kakain ng lunch ngayon. Hindi ko na inabala pang tingnan ang phone ko kung may chat si Dino na nagsasabing sasabayan niya akong kumain dahil hindi ko naman nakalimutan na inalis ko na siya sa buhay ko. Mula kasi ng magtrabaho ako ay hindi ko na alam kung sino ang makakasabay ko mag-lunch. I was hoping it would be him dahil may pasok pa, pero no: ni isang lunch time, hindi ko siya nakasabay. Umasa lang ako sa sinabi niya na siya ang palagi kong makakasama sa mga pagkakataong mag-isa lang ako. Hay! Bakit ko pa ba pinag-aaksayahan ng brain cells ang lalaking 'yun? Naalala ko ang sinabi ni Max bago kami umalis ng Batanes. Kahit sino siguro ang magtanong kung mag-uusap pa kami ni Dino, ang isasagot ko pa rin ay hindi na. Tama na. Naalala ko rin ang pagsama ko kay Dino sa pag-iyak ko no'ng nasa harap kami ni Max ng Mt. Carmel Chapel. Nalungkot ako noon pero mas namumutawi ang galit sa akin ngayon. Ewan. Sa tuwing maiisip ko siya at ang mga huling sinabi niya sa akin, hindi ko maiwasan ang namumuong galit sa dibdib ko. Pumunta ako sa isang fast food restaurant. Para kasing gusto kong kumain doon ngayon. Wala namang espesyal na okasyon pero mas feel kong tugunan ang kaburgisan ko. Sabihin na rin nating pa-congratulations ko sa sarili ko dahil finally, natauhan na rin ako na iwanan ang Dino na 'yun. Tama nga ang mga college friends ko, hindi ako jojowain ng gago na 'yun. Okay lang. Basta ngayon, feeling ko hindi ako nawalan. Kahit maraming tao dahil lunch time ay nagtyaga ako sa fast food resto na gusto kong kainan ng lunch. Hindi naman nagtagal ay naka-order ako at nakahanap ng bakanteng upuan. Dininig naman ng Diyos ang hiling ko na sana ay walang maki-table sa akin. Nang matapos kumain ay kinuha ko na ang sulat ni Zandro sa bag ko. Binuksan ko ito at binasa. Simone Ohales San Miguel Grade 7 Adviser Southern Palomino Academy Sir; Greetings of Peace! I know you have heard of Trinidad At Mendiola, the restaurant being built along the Adamson Bridge, in front of the Gapo Bay, here in our hometown. Aside from our mouth watering food servings, we also would like to offer live music performances that are soothing and relaxing to the ears. We are requesting your expertise if you could join my team as one of the singers or performers, whatever you like. Rest assured that you will be compensated accordingly. Teka? Seryoso ba rito si Zandro? And oh my gosh! Siya ang may-ari ng Trinidad At Mendiola? Pisti! Tinapos kong basahin ang sulat. Pagkatapos ay binasa ko ulit siya ng buong-buo. Hindi ako namamalik-mata or nagha-hallucinate. Totoong si Zandro nga ang may-ari ng Trinidad At Mendiola at totoo ring kinukuha niya akong performer sa resto niya. Napatawa ako mag-isa. Tatanggapin ko ba ang offer na 'to? Rest assured that you will be compensated accordingly. Babayaran naman pala ako, e. Sayang. Raket din 'to. Pandagdag kita. At isa pa, sayang naman ang apat na Performing Award in Music na natanggap ko kada taon noong High School ako kung tatanggihan ko ang offer na 'to, 'no. "Hi, sir." May umupo sa bakanteng upuan na nasa tapat ko. Tiningnan ko siya. Nang ma-recognize kung sino siya ay mabilis kong tinupi ang sulat ni Zandro at isinilid ito sa bag ko. "Simone, sandali lang naman," hirit pa niya. Hindi ko inaasahan na makikita ako rito ni Dino. Tuesday ngayon, a. Mamayang alas tres pa ang simula ng klase niya. Bakit nandito na agad siya sa bayan? Dapat nasa bahay pa nila siya, or sa bahay ng nilalandi niya ngayon. "Mag-usap naman tayo." Tumayo na ako at mabilis na naglakad. Mabuti na lang at walang masyadong tao na pahara-hara sa daanan. Pero ang hindi mabuti? Ang pagsunod sa akin ni Dino. "Simone, wait lang naman. Sige, papangit ka niyan kakamadali mo." Hindi ko pa rin siya pinapansin. Wala akong paki-alam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Huwag silang mga chismoso't chismosa. Nakalabas na ako ng fast food restaurant. Kung hanggang saan ako susundan ng gago na 'to ay hindi ko alam. Hindi ko siya kakausapin. He does not deserve any kind of entertainment from me, kahit 'yung galit pa. Manigas siya! Pisti siya! "Magpayong ka, iitim ka niyan," hirit pa niya. Mabilis siyang maglakad kapag magkasama kami noon. Naiiwanan pa nga niya ako, e. Sa bilis niyang lumakad noon, parang sinasabi rin niyang bilisan ng oras na tumakbo para hindi na niya ako makasama. Pero ngayon, bakit parang ang bagal niya yata? Bakit parang sa actuations niya, sinasabi niya sa akin or kahit sa oras na bagalan naman ang takbo? Well, sorry not sorry. Hindi ko na problema if he cannot keep up with my speed. At isa pa, huwag na siyang mag-abala pang bilisan dahil wala rin naman siyang mapapala. Hindi ko pinansin ang init ng araw ngayong tanghali. Tutal, uminit din naman ang ulo ko, magsalpukan na lang ang init nila, mapaso man lang ang gagong bumubuntot sa akin ngayon. "Simone, ayaw mo na ba talaga? Hanggang dito na lang ba tayo? Pa'no na 'yung mga plano natin? Pangarap natin? Magpapaalam na ba ako sa mga 'yun?" Ang lakas ng loob niyang sabihin 'yun ngayon in broad daylight habang sumusunod-sunod sa akin. Palibhasa walang masyadong tao rito sa kalye papuntang school. Hindi ko pa rin siya pinansin. Hindi niya yata alam that my goodbye to him is final. No one wants to say goodbye. Kahit saang larangan ng bagay ng buhay ng tao, masakit at malungkot ang magpaalam. Medyo bumagal ang lakad ko nang makalapit ako sa may gate ng school. While to some it is better and it is alright. Pamilyar na pamilyar sa akin ang lalaking nakatalikod at kausap ni manong guard. To many, it is painful... Naalala ko noong unang araw akong pumasok sa school no'ng 2nd Year High School kami. Ganitong-ganito rin nang makita ko ulit siya. I was very emotional because I was at the thought of leaving him forever dahil akala ko lilipat na ako ng school, pero hindi pala. Sa SPA pa rin ako nag-2nd Year. Sa SPA pa rin ako naka-graduate ng High School. Ngayon, hindi ko alam kung bakit parang napupuno ng dugo ang puso ko. Para akong nakakita ng kaibigan na matagal nawalay sa akin. It is painful especially when we know if we cannot go back to what we bid goodbye at. In my case, the goodbye I had yesterday was not that painful because today, he came back. Akala ko kasi kahapon, with this man, goodbye is goodbye, pero hindi pala. "Kanina pa kita hinihintay, sir," rinig na rinig ko ang excitement sa tono ng pananalita ni Max. À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD