bc

Try Lang

book_age12+
100
FOLLOW
1K
READ
adventure
second chance
comedy
sweet
bisexual
humorous
lighthearted
school
slice of life
intersex
like
intro-logo
Blurb

Walang problema sanang umuwi si Simone galing High School Get Together nila kung hindi lang siya napahamak sa pagsisinungaling niya. Ngayon tuloy ay kailangan niyang harapin ang consequences ng pagsisinungaling niyang ito.

But as the days go by, mukhang nagkakaroon ng magandang bunga ang consequences na 'to. Simone could not believe that he'd be spending days with Max, ang crush niya noong High School na walang ibang ginawa kundi ang bullyhin siya. Now that friendship blossomed between the two, bakit parang gusto yata nilang i-level up ang kanilang relasyon? Parang gusto nilang i-try maging magjowa?

Makapag-cope up kaya sila ng maayos sa trial nilang ito? Tuluyan kaya nilang makalimutan ang mga taong minahal nila recently? Tanggapin kaya ito ng kanilang friends, family, and the oh so conservative society? Mag-work kaya ang pagta-try nilang ito?

"I've always thought that Max and I would end up to be as a couple, pero no'ng High School pa kami no'n. Now that we came from two different worlds, I don't think we will ever be the lover of both." -Simone

"Try lang natin. Baka mag-work tayo." -Max

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ang sinungaling ay tinatamaan ng kidlat. 'yan ang sabi ng mga matatandang bulaan. In that case, dapat natamaan na sila ng kidlat, di'ba? But why do we lie ba? We tell lies to cover something. If we do not have something to cover up, we don't have to lie. Pinagtatakpan natin ang isang bagay na ayaw nating mabunyag. Kasi kapag nabunyag 'to, pwedeng may masaktan, pwedeng may mahirapan, pwedeng may magulo, pwedeng may maging kumplikado. Kung tatakluban natin 'to ng kasinungalingan, we may still live in the simplest way and order that we can. But the risk of telling lies? Kapag nalaman ang totoo, we will surely end up to something more complicated. "Hello? Simon? Ano? Tara na?" pangangalok sakin ni Riz sa kabilang tawag. "Bes, it's Simone, not Simon. May E sa huli," pangco-correct ko sa pagbigkas niya sa pangalan ko. "Ang arte naman nito," sagot niya. "Tara na kasi." "Riz, kahit lumuha ka pa d'yan ng dugo," saad ko habang pinapatay ang ilaw sa kusina, "hindi ako makakapunta. Wala na akong masasakyan papunta d'yan." "Bus," mabilis niyang sagot. Pumunta ako sa kwarto ko. "Punuan ngayon, mahirap makasakay. Holiday." Kahit tumatanggi sa alok niya ay lihim akong naghahanap ng maisusuot para sa gabing ito. "Weah? Baka naman hindi ka pinayagan ng mama mo? Bes naman, graduate na tayo ng college. May trabaho ka na rin. Hanggang ngayon ba naman, high school pa rin ang turing sa'yo?" Nakita ko ang itim na longsleeves kong damit. Kinuha ko ito. "Pumayag naman si mama. Kaya lang ay wala talaga akong masasakyan." "Sus. Ganyan ka naman. Minsan na nga lang magkita-kita e," reklamo ni Riz. "Naku, nagdrama pa," tugon ko sa pagmamaktol niya. Kumuha naman ako ng shorts na isusuot para ngayon. "Sige na, susubukan ko kung may masasakyan ako." "Yehey!" Naiimagine ko ang mukha ni Riz ngayon habang natutuwa na parang bata. "Siya na, ba-bye na." Nagpaalam na rin siya at pinatay ko na ang tawag. Tiningnan ko ang wall clock ko sa kwarto. Pasado alas-otso na ng gabi. Kung bakit naman kasi hindi kaagad nagsasabi 'tong mga 'to na may lakad, e. Ito namang si Riz, ang daming arte. Isang kalabit lang naman niya kay Byron ay pwedeng-pwede ako no'ng sunduin dito sa bahay. Para saan pa at may sarili siyang kotse, di'ba? Naghilamos ako sa banyo at nagpalit ng damit na panglakwatsa ko ngayong gabi. Pagkatapos ay nag-chat ako kay Riz at nagsinungaling na wala akong masakyan. Baka kasi sakaling maisipan niyang humingi ng tulong kay kapitan Byron at sunduin ako rito sa bahay gamit ang kanyang helicopter. Holiday kasi bukas. At kapag holiday, natural lang na mag-uwian galing Maynila ang mga tao. With that, mahihirapan akong makasakay mula sa aming bahay papunta sa bayan ng aming humble town. Wala naman nang mga tricycle at jeep kasi gabi na. Gano'n talaga rito sa probinsya. Hindi 24 hours ang byahe ng jeep. Ala-siete pa lang ng gabi, nagsasara na ang mga bilihan at halos patulog na ang mga tao. "Papunta na kami. Humanda ka, isang batalyon ang sundo mo," malakas kong basa sa chat ni Odette. Hindi lang kasi si Riz ang nag-chat sa akin, kundi halos lahat yata ng kasama sa night-out naming ito. Mabilis akong naglagay ng cheek tint sa pisngi. Isinuot ko ang bag ko pati na rin ang sumbrero kong kukumpleto sa simple at chill kong outfit for tonight. Matapos ang huling sulyap sa salamin ay nagpaalam na ako kay mama. "Saan ka sasakay?" pigil niya sakin. "Susunduin po ako." "Ng?" "Nila. May sariling sasakyan," sagot ko habang inaayos ang suot kong slip-on. "Baka sa motor, ha. Naku, Simon, kung sa motor ka sasakay ay huwag na lang," nag-crossed arms pa ang mama ko. Gusto ko sanang i-correct ang pagbigkas ni mama sa pangalan ko, kaya lang baka lalo akong hindi payagan, e. "Sa kotse po," sagot ko, "may kotse na 'yung dati kong kaklase." Tumunog na ang phone ko. Nag-chat na ang isa sa kanila. Bigla rin namang nag-ring ito — tumatawag naman si Leigh. "Sige na, ma, nand'yan na sila," pamamaalam ko sa nanay ko. Kaya lang bigla ulit niya akong pinigilan. "Anong oras ka uuwi?" "Baka bukas na," sagot ko kaagad. At alam kong hindi niya gusto ang sagot kong 'yun. Loooooord! Bakit po ba may sa-manang ang nanay ko? Hay! "At saan ka tutulog?" Kahit hindi nakatingin sa mga mata niya ay alam kong hanggang kisame ng bahay namin ang taas ng kilay niya. "Te-text na lang ako kapag pauwi na ako, ma. Para makatulog ka pa rin. Tapos tatadtarin na lang kita ng text para magising ka. Huwag mong isa-silent ang phone mo, ha," dali-dali kong sagot. Lumabas na ako ng bahay. May sinasabi siya kaya lang hindi ko na naintindihan. Sinabayan ko kasi ng, "sige na, ma, bye na! Mag-iingat ako. Good night!" Pagkalabas ng bakuran namin ay huminga ako ng malalim. Inayos ko ang sumbrero ko. Bigla ko namang naalala na kinukulit nga pala ako ng mga high school classmates ko sa Messenger kaya chineck ko ito. Hindi ko na sila nireplayan kasi malapit na rin naman ako sa kalsada. Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa kalsada. "Hay! Ang tagal ha," reklamo ni Riz. Siya lang ang nasa labas ng kotse ni Byron. "May nakalimutan kasi ako kaya bumalik ako sa bahay," pagsisinungaling ko ulit. "Aaaaaaaah!" Tili namin sa isa't isa ni Riz. "I miss you!" Nagbeso-beso na rin kami. Matagal din kasi kami nitong hindi nagkita, e. Sumakay na kaming dalawa sa kotse habang binabati at tinatawag nila akong sir. Si Riz ay sa passenger seat nakaupo samantalang ako naman ay sa likod niya, sa tabi ni Vin na walang ibang ginawa kundi alaskahin ako. Sanay na ako sa kanya kasi ganito naman talaga siya, high school pa lang kami. "Na-miss lang kita, sir Simon," pinanggigilan pa ni Vin ang pagkayapos sa akin. "Hindi mo ba ako na-miss?" "Na-miss din naman, syempre, lalo na 'yung nguso mo," pabiro kong sagot. May kalakihan kasi ang nguso ni Vin. Kinantyawan naman kami ng ilan pa naming high school classmates na siyang lulan ng sasakyan. "Grabe 'to sakin. Naging teacher ka lang, natuto ka nang mambully," reklamo ni Vin. "Gano'n talaga," tugon ko. Ayoko siyang kausapin. Makalipas ang higit anim na kilometro ay nakarating na kami sa bayan. Tumigil muna kami sa isang kalye kasi wala pa kaming place para sa get together naming ito. Hindi pa raw pwede sa bahay nina Karylle kasi may party pa raw na nagaganap. Hindi naman daw pwede sa bahay ni Leigh kasi sabi niya, Forever, Forever, Family is Forever daw do'n. Bumaba muna ang boys sa kotse. Natira kaming girls. Oo, kaming girls. "Simon, kumusta ka naman? Kanina ka pa d'yan tahimik," si Odette. "Okay lang naman ako," sagot ko. "Pero Simone 'yun, ha," pangco-correct ko sa pagkakabigkas ni Odette sa pangalan ko. "Ang arte ha, Simone," ginaya naman ni Kath ang pag-pronounce ko ng pangalan ko. "May E kasi sa huli talaga, kaya gano'n dapat," paliwanag ko. "Pero di nga? Kumusta ka?" tanong ulit sa'kin ni Odette. "Bawal sumagot ng okay lang ako, 'yung totoo dapat." Inisip kong mabuti ang tanong niya. Kumusta nga ba talaga ako? "Okay lang," sagot ko. Tumawa naman si Kath. "Bawal ngang isagot 'yun, e," reklamo ni Odette habang kumakamot pa sa ulo n'ya. "E, okay lang naman talaga ako," sagot ko. Inisip ko pa rin ang lagay ko. Pakiramdam ko kasi hindi talaga ako okay, e. No! Alam kong hindi ako okay. "Oy, kina Max na lang daw tayo," dungaw ni Byron sa bintana kung saan malapit roon si Odette. Hay salamat! Niligtas ako ni Byron. "Tara! Nang masimulan na 'yan. Alak na alak na ako," sagot ni Odette. Nagtaka naman ako kina Byron, Riz, at Kath. Lahat sila nakatingin sa'kin kung kaya't pati si Odette rin ay tumingin – mga nakangisi. "O? Bakit?" tanong ko. "Yie! Kilig naman si Simon," biglang pumasok si Vin sa loob ng kotse. "Kailan mo ba huling nakita si Max? Miss mo na 'yun, ano?" Kiniliti pa ako ni Vin. Siniko ko s'ya. "Hindi, a." Alam ko na kung bakit gano'n makatingin sina Riz sa akin. Hay! Pisti 'yan! Idinaan muna ni Byron ang kotse sa isang convenience store matapos naming magbigay ng ambag. Ayoko sanang magbigay ng 200 pesos kaya lang, nakakahiya. Isa ako sa may mga trabaho na sa amin at nakakahiya naman kung hindi ako sasabay sa 200 pesos din na ambag ng mga kaklase kong may trabaho na. Habang bumabyahe ay hindi ko napigilan na i-chat si Dino. Nagpaalam ako sa kanya kung pwede akong uminom ngayong gabi kasama ang mga high school friends and classmates ko. Pumayag naman siya at sabi niya, wala namang issue 'yun sa kanya. Tinanong din niya kung nagsabi ba ako sa mama ko. Sinabi ko namang oo. Walang issue sa kanya... Walang issue sa kanya... Walang issue... Alam ko ang reply niyang ito. Sinasabi niya sa'kin na ako lang naman lagi ang may issue kapag may ka-inom siyang iba. Masisisi ba niya ako? Kung tatanungin ako ni Odette ulit ngayon? Sasabihin ko na sa kanya na hindi ako okay. Hindi... Ini-park ni Byron ang kotse niya katabi ng kotse sa tapat ng bahay nina Max. Naka-graduate na kami't lahat ng college, pero hindi ko pa rin napupuntahan ang bahay niya. Pangarap ko 'tong puntahan no'ng high school kami. Halos lahat na kasi ng kaklase namin, nakarating na rito, maliban sa akin. Sa tuwing piyesta kasi rito sa barangay nina Max, at kapag birthday niya, nag-iimbita siya rito sa bahay nila. E, ako lang naman ang hindi no'n iniimbitahan dati kaya never ako ritong nakapunta. Tonight will be my first. Isang kiliti ang binigay sakin ni Riz. Nang tingnan ko siya ay isang ngiting hanggang tainga ang sumalubong sa akin. Kunot-noo ang binigay ko sa kanya pero hindi napigilan ng bibig ko na ngumiti rin. Hay ewan ba! Nagpahuli na kami ni Riz sa pagpasok sa loob ng gate ng bahay nina Max. Mula sa labas ng bahay nila ay may isang kotse at isang van. Dito naman, pagkapasok ng gate, may isa pang kotse sa garahe. Ang yaman talaga nila. Hindi kami sa terrace dumiretso. Sa garahe kami pumunta. Malawak naman pala rito kahit may kotse pa ring naka-park. Hindi ako lumilingon sa kahit na kanino. Ayokong makita silang niloloko ako kay Max. Umupo kami ni Riz sa bakanteng upuan na nakalaan para sa amin. Magkakatabi na kaming mga girls. Pagkaupo na pagkaupo ko ay nakita ko agad si Max. Nakaupo na rin siya. Katapat ko pa! Muli siyang tumayo at may kinuha sa kusina ng bahay nila. Akala ko pa naman ay makakapasok na talaga ako sa loob ng bahay nila. Hanggang garahe lang pala. Tiningnan ko ang phone ko. Hindi na nag-reply si Dino. Hindi na ako nagdalawang-isip pa sa pagcha-chat sa kanya. Sinabi kong nandito na kami sa venue ng inuman. Sinabi ko rin ang pangalan ng barangay kasi pamilyar naman siya rito. Hindi ko na sinabi na sa bahay ni Max. Hindi naman niya kilala si Max, e. "Ano? Magseselpon na lang ba tayo?" turan ni Jerome. Napatingin ako sa mga katabi ko. Mabuti na lang pala at hindi lang ako ang may hawak sa phone ko. Ngumiti ako sa kanya kasi sa akin siya direktang nakatingin. Na-send ko naman kaagad kay Dino ang reply ko na good night. "Kumusta ka naman, sir?" tanong sakin ni Jerome. Humarap naman sakin ang lahat. "Oo nga, kumusta naman ang school natin?" tanong din ni Kath. "Okay naman ako, okay lang din naman 'yung school. Toxic na nga lang ngayon," sagot ko. "Bakit? Nandon pa 'yung mga dragon?" tanong ni Tupe bago ininom ang tagay niya. "Oo, at mas nadagdagan pa," sagot ko. Kaagad namang umere sa kanila ang kwento tungkol sa mga dragon na tinutukoy ni Tupe. "Ano nga palang mayro'n do'n bukas?" tanong naman ni Vin. "May ano raw do'n bukas, a." "Halloween party. Open house 'yun para sa mga may ticket," sagot ko. "Punta kayo. Do'n na lang kayo bumili ng ticket." "Pwede pa ba ro'n magbasketball?" Napatingin ako sa nagtanong. Nakakunot ang noo niya. Same. Katulad pa rin ng dati kapag naiinis siya. "Hindi kami ro'n pinayagan no'ng isang araw, e." Wala pa ring pinagbago si Max. Teka nga! Bakit ba kung maka-react ako e parang ngayon ko lang nakita ang kumag na 'to? Para namang hindi ko siya nakikita sa pictures sa social media. Pero kailan ko nga ba siya huling nakita? "Pwede naman. Medyo mahigpit lang," sagot ko sa kanya. "Tyempuhan niyo ko kapag magba-basketball kayo ro'n. Ako nang bahala do'n sa guard." "Naks!" Kaagad na kantyaw ni Vin. "Ang lakas talaga ni Max sa'yo, Simon." Awtomatikong sumama ang tingin ko kay Vin. Hindi ko alam kung dahil ba sa pang-aalaska niya o sa mali niyang bigkas ng pangalan ko. "Simone," pangco-correct ko. Tumawa naman si Kath. Always masayahin talaga 'to si Kath. "Simone," tawag niya sakin habang inartehan pa talaga ang pagkakabigkas ng pangalan ko. "Naka-move on ka na ba kay Max?" Halos maiduwa ko ang pulutan kong kinain dahil sa tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang tagal tagal na no'n, Kath, usad naman." Akala ko ay makakabawi ako pero hindi. "Sus," hindi sumang-ayon sakin si Riz. "Naalala ko pa 'yan si Simon noon," panimula ni Leigh. "Nye nye nye," sinapawan ko ang sasabihin ni Leigh. Ibabalik na naman nila ang nakaraan, e. Tumawa na lang silang boys maliban kay Max. At oo, tiningnan ko siya. Plain lang ang ekspresyon sa mukha niya. Nagugustuhan kaya niya kapag ganitong niloloko kami? Natutuwa? E ikaw ba? Simone? Nagugustuhan mo ba? Natutuwa ka ba? Hinawakan ko ang tainga ko. Ewan? Tumawa ako sa isip ko. Ang kiri ko naman. Isipin mo si Dino, Simone. Si Dino! Don't cheat! Pero diba? Hindi naman kayo ni Dino? Ohh, whatever, dude. "Maglaro na lang tayo." "King's cup." And without further ado, matapos ang paliwanagan ng rules, nagsimula na ang laro. I played this before but with another rule. Kaya naman I was so keen while listening to them as they explain. May mga hindi ako maintindihin sa paliwanag nila but since they know me as Mr. Simone Ohales San Miguel, hindi dapat ako magpa-ulit ng instruction. Bahala na kung aamin kung papaaminin. Wala namang sinabi na tatamaan ng kidlat ang magsinungaling, di'ba? Jerome drew the card first. Jack of Diamonds – Thumbmaster. Si Jerome ang thumbmaster. We have decided na paikutin pa rin ang tagay kahit naglalaro kami. Next to draw is Leigh. He got five of hearts. Five? Ano nga ba ang five? Oh! Drive. Leigh started the drive. Binigay niya kay Max, then to Vin, then to Kath. Kath brought it back to Vin, Vin to Max, Max to Vin, Vin to Max, Max to Leigh, Leigh to Max, Max to Vin and Leigh moved kahit si Vin dapat. Leigh got to drink as his punishment. Lahat kami tumawa dahil sa excitement na dinala samin. When all of the sudden, Byron, who is sitting next beside me, is poking me. Then I saw his thumb on the table. So, I did the same. Tiningnan ko si Jerome and the thumbmaster is doing his duty. And when everybody noticed it aside from Leigh, sinabi na namin sa kanya that he needs to drink again as another punishment kasi nahuli siya sa pagpatong ng thumb niya. Then, Max drew the card. Queen of hearts. Question master. Whoever answers the question master shall drink. And that what happened to Riz when she suddenly answered Max's silly question na kung nag-dinner na ba ito. Vin drew a card and he got A or Alas, sabi ng matatanda. At kapag nakuha mo ang Alas sa King's Cup, you have to play, Never Have I Ever with three life-lines. Once you brought all three down kasi ginawa mo na, it's your time to drink. Ininom ko ang tagay ko. Tagay ko na kasi sa ikot. "Never, never ever," ani Vin. "Ano ba 'yun?" Tumawa kaming lahat sa mali niyang turan. "Never have I ever." "Never have never ever, basta 'yun na 'yun," tumawa ulit kami, "nag-drive ng lasing." I got my three life-lines alive. Because first and foremost, hindi ako marunong mag-drive. Binaba ni Byron ang isa kasi nagawa na niya. "Pero paano kapag naka-inom lang, pero hindi lasing?" Max asked. Yeah. I should know, Max has his own car din, kaya marunong siyang magmaneho. "Hindi 'yun counted. Lasing lang naman sabi ni Vin," paliwanag ni Odette. Next to say his never have I ever is Kath, siya ang katabi ni Vin. "Never have I ever p**e in an elevator." "Ano 'yung p**e?" tanong ni Byron. "Whoa! Pa-p**e p**e na lang, Kath, ha," react ni Odette na katabi ni Kath. "Sumuka," sagot ko sa tanong ni Byron. When was the last time na nakasakay ako sa elevator? Ha! Ha! Ha! Poor me. Walang nabawas sa kahit na sino sa amin. Sino ba naman kasi ang susuka dahil lang sa elevator di'ba? Si Odette na. "Never have I ever drink gin." At nakilala ang mga hindi maaarte sa grupong ito pagdating sa inuman. Halos lahat kami ay nabawasan ng isa dahil naka-inom na kami ng gin. Ngayon ay si Riz na. "Never have I ever..." tumigil siya. Natahimik kaming lahat. Hinihintay namin ang kasunod niyang sasabihin. "Never have I ever..." tumigil ulit siya. "Hala! Ano ba? Wala akong maisip." Napa-isip din ako. Ano nga bang sasabihin ko? Hindi ko rin alam, e. "Suck a d**k, gano'n," suggest ni Tupe. Halos lahat kami tumawa at nagulat sa kanya. Kahit kailan talaga may pagkabastos ang bibig nitong si Tupe. "Grabe naman siya," react ni Riz na sa nakikita ko ngayon, as her long-time friend, e nag-iisip pa rin. "Kapag di ka naka-isip, ikaw ang tatagay," sabi ni Odette na siyang sinang-ayunan naman ng marami. "O siya! 'Yung sinabi na lang ni Tupe," awtomatiko kaming tumawa. "Never have I ever suck a dick." Mga nagsisitawanan kaming lahat. "Sinong bawas? Sino?" Tiningnan namin ang raised fingers namin as our life-lines. "O? Simone? Bakit di mo bawasan 'yang sa'yo? Suck a d**k, a. Naka-suck ka na, a," pa-ursa sa akin ni Vin. Mabuti na lang at naka-subtle blush-on ako. Hindi nila mahahalata ang pamumula ng mukha ko. "Sorry ka, wala. Hindi po," sagot ko kay Vin. Hindi siya sumang-ayon sa sagot ko. "Virgin ka pa?" rektang tanong niya. Kaya ayoko ng ganitong usapin, e. Mababastos ako rito. Hays! "Oo!" buong puso kong sagot. Wala siyang ibang nagawa kundi ang sumang-ayon na lang at sabihing, "boring ng s*x life mo," na siyang ikinatawa nila. At kung namumula lang ang tainga ko, marahil ay namula na rin ito. Nahagip naman ng mata ko si Max. Hindi talaga siya pumapalya na tumawa kapag ako ang niloloko ng barkada niya. Hmp! Pero hindi naman siguro ako tatamaan ng kidlat. Clear sky ngayon. It's now my turn. And I will make sure na lahat sila mababawasan ng life-line. "Never have I ever had a jowa." "Totoo?" tanong ni Byron sa tabi ko. "Oo, NBSB ako," sagot ko. Lahat sila nabawasan. "Wala tayo rito, panira e," napatingin ako kay Max na siyang pabirong nagrereklamo kasi nabawasan siya ng isa. "Ano ba 'yan, Simone. Wala ka na ngang s*x life, wala ka pang jowa. Tao ka pa ba?" pagbibiro sakin ni Vin. Tumawa naman sila. "Ewan ko sa'yo." "NBSB pala 'to. E kayo no'ng naggigitara? Sino nga 'yun?" Biglang tanong ni Kath. Si Dino. Nakita niya kasi kami once ni Dino na magkasama. Naggigitara no'n si Dino. "Magkaibigan lang kami no'n," malungkot kong sagot. Magkaibigan... Ohh! Whatever! Si Byron na ang nag-Never Have I Ever. At dahil I only have a small world and only living a minimal life dito sa probinsya namin, hindi nabawasan ang life-line ko. Then, when it was Tupe's turn, I don't have to worry about my life-line kasi naubos na ang life-line ni Byron. He got a drink as his punishment. Nagpatuloy lang ang masayang laro. All of us enjoyed the game as it goes on. Nakalimutan ko ngang may cellphone pala ako sa bag, e. Pero okay lang, miminsan lang mangyari ang get together naming ito. I hope it could last a lifetime. Maganda ring stress-reliever kahit marami pa akong gagawin bukas para sa Halloween Party na 'yan. Matapos maubos ang first set of drinks na iniinom namin, umawat muna kami saglit at nauwi sa kwentuhan habang sina Byron naman ay bumibili ng isa pang ma-iinom sakay ng kotse niya. Sumama ang ilan. Wala akong choice kundi maiwan kasama si Odette, Leigh, Jerome at Max. Tiningnan ko kung gising pa si Dino. Alas-dose y media na ng madaling araw. Tulog na siguro 'to. Binuksan ko ang convo namin. Hindi na siya nag-reply sa huli kong chat. Pero active 30 minutes ago siya. Hay! Binalik ko na lang ang phone ko sa bag ko. "Bakit pabalik-balik ka sa loob?" Hindi ko naiwasang hindi makinig kay Jerome nang tanungin niya si Max. "Naka-charge cellphone ko, 'tol. E chat nang chat si Wendy," narinig kong sagot ni Max. Si Wendy... Si Wendy na laging laman ng IG stories ni Max... Si Wendy na laging present sa mga importanteng araw ni Max... Si Wendy na girlfriend ni Max... Don't get me wrong, hindi ako nang-iistalk. Nakikita ko lang. "Akala ko tulog na 'yun?" tanong ni Jerome. "Panay nga ang gising. Bawat gising ay magcha-chat, magtatanong, akala mo naman iba 'yung mga kainom ko ngayon," ramdam ko ang reklamo sa tono ng pananalita ni Max. "Nandito lang naman ako sa bahay. Dito ko na nga kayo pina-inom nang hindi na tanong nang tanong kung nasaan ako at kung sino kasama ko." Napatingin sakin si Max. Hindi na ako umiwas ng tingin sa kanya. Baka kasi isipin pa niya e hindi pa ako nakaka-move on sa kanya. "Mahirap 'yung gano'n," si Jerome. "Hindi mapakali." Nakatingin pa rin sakin si Max, para bang naghihintay ng isusumbat ko katulad lang noong high school kami. At hindi ko siya binigo. "Baka naman walang tiwala," pagsabat ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya, pagkatapos ay muli kong binalik sa kanya ang tingin ko. "Hindi naman sa walang tiwala," at katulad noong high school kami, hindi siya sumang-ayon sa sinabi ko. "Ahhh... Baka naman walang tiwala sa mga kasama mo," sagot ko agad. Hindi ko masisisi 'yung Wendy. Paano nga naman kung nakagawa na si Max ng kasalanan before at nahihirapan siyang ibalik kay Max ang tiwala niya. Just like me... I understand the Wendy girl. Hindi na sumagot sa akin si Max. Biglang dumating ang kapatid niyang babae at ang boyfriend nitong Kano. Napilitan tuloy namin silang i-entertain. At syempre, dahil Kano, Englishero. At ang nakakabwisit pa? Ang daldal niya. Isa-isa kaming pinakilala ni Max, kaming mga natira rito. Isa-isa ring nagtanong ang jowang Kano ng ate ni Max sa amin. Until it's my turn... "So, what do you do? Did you graduate already? Like Max? Do you work?" Mapapasabak ako sa Englishan. At ang nakakahiya pa? Nasa gilid ko si Max habang sinasagot ko 'tong future brother-in-law nya. "I am a teacher." "Oh! Where do you teach?" Tumingin ako kay Max. Nakatingin din siya sakin. Hinihintay ang bawat salitang isasagot ko. Hinihintay na magkamali ako at tawanan niya. Well, akala niya yata, ha. Ako si Simone Ohales San Miguel, baka nakakalimutan niya. "In our Alma Mater. After I graduated college, they hired me as a secondary school teacher immediately." Tumingin ako kay Max. Nanlalaban ang tingin niya. "In Southern Palomino Academy?" May clue ang jowang Kano, do'n din kasi gradaute ang mga kapatid ni Max. "Yes." "And what do you teach there?" "English," tumaas pa ang kilay ko ng konti. Alam ni Max na nang-iinis ako kapag ganito ang daloy ng mukha ko. At siya ang iniinis ko. Sisingit sa usapang ito si Max... Nararamdaman ko... "And how did you know Max? Are you his former classmate, too?" "Yes, I am," malinaw kong sagot. Sisingit na 'yan. In five... "If Max is only 21 years old..." sa ate ni Max lumingon si Kano. ...four... "Meaning, you are only 21, too? Then, you're a teacher, already?" Sa akin lumingon si Kano. ...three... "20, actually... Not 21," sagot ko. ...two... "Oh! You're young and amazing!" ...one! "Actually, kuya, she..." at sumingit na nga po si Maximo. "She has a crush on me." Hindi ko naiwasang hindi mapangiti sa ibinida ni Max sa jowa ng ate niya. Bukod sa tama ang grammar niya, ang yabang din niya, ha. At talagang she ang ginamit niyang pronoun sa akin? Salamat do'n. Pero ang inirereklamo ko lang, e bakit has? Ano? Feeling mo, Maximo, crush pa rin kita ngayon? E ano nga ba? Simone? Crush mo pa ba si Max ngayon? Not yet. Tumawa ako sa isip ko. Ano ba namang sagot ko 'yun sa sarili kong tanong. Not yet? Ang bobo ko lang. "And what happened?" Do'n ko lang narealize na chinichismis na pala ng manggaling na Maximo sa kuya niya ang mga ganap namin noong high school kami. At syempre, ako na naman ang api, masama, at agarabyado sa kwento ni lolo Maximo. "No, no, no!" Tanggi ko. "Don't believe him. It's all lies." "Long story," sagot ni Max sa jowa ng ate niya. "Anong lies? E totoo naman, crush mo kaya ako dati. Mahal mo pa nga," sumbat sakin ni Max. "Crush... Mahal..." tangi ko lang na nasabi. "Ang OA mo." "Tara sa kwarto..." Natigilan ako sa sinabi ni Max. And right now, I hate my brain for thinking it this way. "...suntukan tayo," dugtong niya. Kumunot ang noo ko. "Ewan ko sa'yo." "Hindi," tanggi niya. Nagyayabang na naman sakin 'to. "Tara na lang sa kwarto..." And for the second time around, I hate my brain. "...sparring tayo." Nag-gesture pa siya ng sumusuntok-suntok. Umiwas ako ng tingin kay Max habang nagme-make face sa kanya. Hindi naman sa sinasadya ko, kaya lang sa pag-iwas ko sa kanya, napabaling naman ako sa pwesto kung nasa saan sina Odette, Jerome at Leigh. Lahat sila nakangiti sa aming dalawa ni Max habang kumakanta. Kasabay naman nito ng pagdating nina Byron. "Tumingin sa 'king mata, magtapat ng nadarama, 'di gustong ika'y mawala dahil handa akong ibigin ka..." Simula high school talaga, hanggang ngayon, hindi kami makaligtas ni Max sa pang-uulit sa amin ng mga 'to. Hays! Parang gusto ko na lang tuloy mag-suck ng d**k. Ayh charot! Pisti 'yan! Lasing na yata ako. "But hey," kinuha ng jowang Kano ng kapatid ni Max ang attention ko. "Do you still love him?" Napatigil kaming lahat. "He crush, crush Max," si Leigh ang sumagot. "Really? Only crush? As of now?" Tumingin ako kay Leigh. Tumingin naman ako sa jowang Kano ng kapatid ni Max. "Hindi, ganito na lang," sumingit si Vin. "Alin ang totoo, nakatsupa ka na o may gusto ka pa rin kay Max?" Awtomatiko akong napahawak sa tainga ko. Ano ba namang mga tanong ito ng mga mortal na tao? Pisti 'yan! Tumingin ako isa-isa sa kanilang lahat. Bakit kasi ako ang naha-hot seat dito? Bakit ako ang ulam nila? "Sagot, Simone," inartehan pa ni Vin ang pagkakasabi ng pangalan ko. Ang sinungaling ay tinatamaan ng kidlat. 'yan ang sabi ng mga matatandang bulaan. We tell lies to cover something. Pinagtatakpan natin ang bagay na ayaw nating mabunyag gamit ang kasinungalingan. For others, it works most of the time; for some, it doesn't. When we lie to cover a thing, pwedeng maging maayos ang takbo ng buhay natin. Pero kapag nalaman na ang katotohanan, complications will always enter the scene. Lagi namang gano'n, e. Truth is a very dangerous thing that must be handled thoroughly and carefully, kasi kung hindi, may masasaktan, may mahihirapan, may maguguluhan. What alternative way to fight truth is to tell lies, especially if you think it will give less collateral damage than the truth. In my case, it is better to hide the truth with a lie. "May gusto pa rin ako kay Max." À SUIVRE

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook