Chapter 2

3517 Words
We use hand signals when words enough are too long to be said. For example, sa Basketball. Hindi naman isisigaw ng referee after niyang magpito na, "foul si player number two ng Team Mang," para lang malaman ng committee. Instead, to do not consume time at para hindi rin siya mapaos, he will gesture the hand signals corresponding to the violation or whatsoever. Gano'n din sa Volleyball. Even sa Traffic. It will take time kung lalapitan pa ng traffic enforcer ang bawat sasakyan, at isang malaking kalokohan naman kung may sound system siya at mikropono habang nagpapadaloy ng trapiko. Hand signals are made to help us live a little better life. Some are hard to understand; some are funny to watch. "Masters of ceremony?" "Check!" "Mga magpe-perform sa program?" "Check!" "Music ng mga magpe-perform, naayos na sa sound system?" "Check!" "Registration and final ticket selling sa entrance?" "Check!" "Cater na may kasamang stage decor, finger food at drinks?" "Check! Check! Check!" "Sound system na mukhang disente ang operators at hindi mga mayayabang at bastos?" "Check sa disente, mid-check sa hindi mayabang, walang check sa bastos." Napatingin ako sa estudyante ko na sumagot. "Hindi ko po kasi sure, sir, e, pero mukha naman pong taong-simbahan na medyo mayabang," sagot niya. Bumalik ako sa pagro-roll call ng checklist namin ngayong gabi para sa Halloween Party na ito. "Parlor games?" "Check!" "Mga bouncers na malalaki ang katawan at mukhang kayang i-handle kahit si Superman at Batman pa ang magsuntukan?" "Check na check, sir!" "Okay, good," binaba ko ang checklist ko. "Review tayo," tinutukoy ko ang hand signals na inimbento ko para makapagbigay agad ako ng utos if ever malayo kami sa isa't isa ng mga komite kong ito. "Ano 'to?" Dalawang beses kong binaba ang kanang braso ko na parang nakakapit sa jeep. "Double time." "E ito?" Pinalakad ko naman ang dalawa kong daliri sa kaliwa kong braso. "Lakad po." "This one?" I draw an imaginary line sa tapat ng leeg ko using my whole hand, with my palm facing the ground. "Cut po." "Ito?" Pinisil ko ang ilong ko ng dalawang beses. "May lalapit po sa inyo." "At ito?" Tinuro ko repetitively ang aking kanang pisngi. "Stop po." "And this one?" Tiniik ko ang sarili ko. "Lagot po kami kapag nakita niyo kami mamaya rin or bukas po," sagot ng isa kasi karamihan sa kanila ay hindi na iyon alam. "Alright, team," pahuli kong salita bago magsimula nang tuluyan ang event, "divide and conquer!" At halos lahat sila lumabas na sa room na nagsisilbing hideout namin or quarters habang abala sa pag-aasikaso ng party na 'to. "Excuse me, sir..." "What!?" Lingon ko kay Cedric. "Where's Natalie!?" Naka-in ang Miss Minchin mood and aura ko. "'yun na nga po sir, e..." "What's 'yun na nga po sir, e? Answer me directly," masungit kong command sa kanya. "Hindi raw po siya makakarating. Bigla pong hindi pinayagan ng tatay niya." "What!?" Umecho sa room ang boses ko. "Alam mo 'yang tatay niya, kakalbuhin ko e kahit kalbo na. Of all events na mayro'n tayo, ngayon pa niya pinigilan si Nat!" "Pa'no po 'yun, sir?" nanlulumong tanong sakin ni Cedric. "Pa'no? Pa'no? Well, we have to cancel your presentation," punong-puno ng kainisan kong sagot. Ugh! Mga minsan talaga hindi rin nakakatuwa 'yang mga magulang na 'yan e. Tsk! "E sir, di'ba? Highlight 'yung amin?" "Pisti!" Matik na rumolyo ang mata ko sa inis. "Bahala na." "Sir, pwede pong mag-suggest?" dagdag pa niya. "What!?" "Kung kayo na lang po kaya? Alam niyo rin naman po 'yung kanta, e." Napa-isip ako sa sinabi ni Cedric. May point naman siya. Napahawak ako sa tainga ko. "Bahala na mamaya," bumaba ang tono ng pananalita ko. Tumalikod ako sa kanya at humarap sa salamin. Maayos pa naman ako sa Dracula costume ko na 'to. Syempre, kahit punong-abala, dapat naka-dress up pa rin sa okasyon na 'to. Hindi ko yata hahayaan ang sarili ko na humarap sa kanilang lahat na hindi maayos. And if ever gano'n na nga, magtataka silang lahat kasi alam nilang hindi ganon ang isang Simone Ohales San Miguel. Pero si Natalie? Paano 'yung gagawin niya mamaya kung wala siya? Mula sa pagkakaharap sa salamin ay nakita ko ang repleksyon ng puting kurtina sa classroom na ito. Mukhang may solusyon na. Aba syempre! Si Simone yata 'to. Lumabas na ako sa classroom at rumampa ng bonggang-bongga papunta sa covered court kung saan idinadaos ang Halloween Party na 'to. Nagsisimula na. Matahimik lang akong nakamasid at nanunuod. Hindi ako kumikibo sa pwesto ko kasi sabi ko sa mga committee or tao ko, dito nila ako tingnan in case may sinesenyas ako or what. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa pagitan ng mga naglalarong ilaw ang isang pamilyar na mukha. Teka! Hindi yata pwede 'to, a. Patuloy lang sila sa paglalakad papunta sa pwesto ko. Hindi ako sigurado kung nakita na ba nila ako rito o hindi pa. Pero iisang bagay lang ang dapat kong gawin, at 'yun ay ang umalis dito. Kinuha ko ang kapa ng costume ko na ito at pinangtaklob ko sa mukha ko. Ito ang pinakamabisang paraan para hindi ako makita nina Max. Nakakainis naman kasi! Pisti 'yan! Matapos kong magsinungaling sa tanong ni Vin kagabi, I mean, kaninang madaling araw, hindi na naging maayos ang takbo ng buhay ko. Well, apparently, may 17 hours na nilang binubulabog ang buhay ko sa group chat ng batch namin ng high school. After four long years, e hindi pa rin daw pala ako nakaka-move on kay Max. Hay! Pisti 'yan! "And I would like to thank the person behind this event, Mr. Simone San Miguel. Nasaan ba si sir?" Pisti! Nalintikan na! Bakit naman kasi sa lahat ng oras na pwede akong i-mention ni madam principal, e ngayon pa? Tsk! Inayos ko ang sarili ko. Tumayo ako ng tuwid at ibinaba ko ang kapa ko. Itinapat sa akin ang spotlight at paniguradong nakatingin sa akin ang lahat ngayon. Ngumiti naman ako at sumaludo pa. Wala na. Nakita na ako nina Max. Pero ako si Simone. At si Simone, hindi basta-basta umuurong at sumusuko sa laban. Nang mai-alis sa akin ang spotlight at atensyon ng lahat ay bumalik ako sa ginagawa kong pagtatago. Mabilis akong kumilos palayo sa pwestong 'to, naka-half bend habang naglalakad at nakatakip pa ang kapa sa aking mukha. Ayoko talagang makadaungang-palad 'yang sina Max ngayon. Paniguradong ikakasira ng career ko. "Aray!" Reklamo ko. Napatama kasi ako. Hindi ko alam kung saan. "Pisti! Ano ba!?" Sa inis ay tumayo ako ng maayos at binitawan ko ang kapa ko sa pinakamaarteng paraan. Nakita ko ang tinamaan ko na hawak-hawak ang toot niya. Mukhang 'yun ang natamaan ko, a. Umayos naman siya ng tayo kahit namimilipit sa sakit. Well, hindi ko na kasalanan 'yun. Hindi kasi siya tumitingin sa dinadaanan KO. Again, I am Simone Ohales San Miguel. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kung may espasyo man lamang na malaki ay kakaripas talaga ako ng takbo palayo, kaya lang, imposible 'yun ngayon. Or kung pwede lang akong maging paniki katulad ni Dracula ay ginawa ko na, pero mas imposible pala 'yun. I guess destiny is true. Kapag pagtatagpuin kayo, gagawa at gagawa ang pisting tadhana ng pisting paraan para magtagpo kayo. "Simone! Ikaw pala 'yan, nice costume," syempre, nilait na agad ako ni Vin, ganito bumati 'yun, e. "Mabuti naman nakarating kayo," pamamlastik ko. "Sige, mamaya na lang, may kailangan lang akong asikasuhin," at iniwan ko na sila sa pwesto nila. Sinuong ko ang gitna kahit marami pang tao makalayo lang sa kanila. Hindi ko na inabala pang kumustahin si Max dahil alam ko namang nasaktan siya dahil sa nangyari. Pero mabuti na rin 'yun, at least hindi niya ako inimikan. Tumabi ako sa principal para hindi ako magulo nina Vin. Siguradong hindi titigil 'yung mga 'yun na lokohin ako kaya feeling ko, ito ang safe place. Sa tabi ni ma'am ay tahimik lang akong nanuod ng parlor games, presentation, pagsasayaw at kung ano ano pa. So far naman, walang nagiging problema sa program namin. "Thriller... Thriller now..." Mahina akong sumabay sa pagkanta sa tugtog na naka-play ngayon para sa party-party. Wala pa rin talagang kupas ang kantang Thriller ni Michael Jackson. Teka, parang nangyari na 'to, a? * F L A S H B A C K * "Thriller... Thriller now..." Sumasakit na nga ang ulo ko sa kakaisip ng isasagot ko sa exam namin, tapos sasabay pa 'yung mga nagpa-practice sa court ng sayaw. Hindi ba nila alam na nakaka-distract 'yung ginagawa nila? Alam namang examination day ngayon, e. Pinilit kong mag-concentrate sa ginagawa ko. Ang hirap naman kasi nito. Hindi naman pwedeng hulaan ko 'to kasi kapag bumagsak ako rito, lagot ako kay mama. Kailangan ko 'tong masagutan, but I need my inspiration. Tumingin ako kay Max. Halos magkatapat lang kami ng pwesto, pero malayo siya. Nakatingin lang siya sa test paper niya habang gumagalaw-galaw ang ulo niya kasabay ng beat ng kanta. Alam din pala nya ang Thriller? Uy, destiny. Joke lang! Napangiti ako. Binalik ko ang sarili ko sa pagsasagot. Pagkatapos makapagsagot ng ilan, tumingin ulit ako kay Max. Ang pogi-pogi talaga niya. Haaaaaay! Pero bakit panay ang galaw ng mga daliri niya? Ewan. Bumalik na lang ako sa pagsasagot. Thriller... Thriller now... Tiningnan ko ulit si Max. Gumagalaw na naman ang mga daliri niya. Nag-eexercise ba siya o sumasayaw? Bakit ganon? Pero okay lang, pogi pa rin naman niya, e. Nagsagot na lang ulit ako. "Simone!" Tumigil ako sa pagsasagot nang tawagin ako ni ma'am Bustamante. "Come here!" Tumayo ako at lumapit sa kanya. Bakit kaya? Hala! Nakakatakot ang tingin niya, o. Napahawak na lang ako sa tainga ko. "Max!" Nalipat ang tingin ko kay Max. "Ikaw din." Lumapit din siya kay ma'am. Ngayon ay isang lamesa na lang ang pagitan namin. Kinikilig ako. Ayie! "Anong number niyo na?" tanong ni ma'am. "24 po," sagot ko. "25, ma'am," si Max naman. Kay ma'am lang ako tumitingin kasi nakakahiya kung mahuhuli ako ni Max na nakatingin sa kanya. "Patingin ako, ha," kinuha ni ma'am ang papel naming dalawa at pinagtabi pa. Buti pa 'yung test paper namin, pinagtabi ni ma'am. Sana kaming dalawa rin pagtabihin. Thriller... Thriller now... "Alright! That's it!" sabi ni ma'am habang tumatayo. "Tara sa guidance." "Ma'am!?" Nagulat ako sa sinabi niya. "Bakit po?" Nagtanong din si Max pero hindi siya pinansin ni ma'am. Pinagtitinginan kami ng lahat ng mga kaklase namin ngayon. Wala kaming nagawa ni Max kundi ang sumunod kay ma'am Bustamante sa guidance office. Pero bakit? "Si Max po ay gumagamit ng hand signals para isenyas kay Simone ang mga sagot," paliwanag ni ma'am nang tanungin siya ng guidance. Gusto ko sanang magsalita kaya lang alam kong hindi pwede. Atsaka dapat magmukha akong mabait sa harap ni Max. Nakakahiya naman sa kanya kung makikita niya akong kumukontra sa teacher. Ayh teka nga! Bakit ba mas iniisip ko pa 'tong si Max? "Kanina ko pa po napapansin," pagpapatuloy ni ma'am Bustamante. "Titingin si Simone kay Max, tapos si Max po, ayun, sumesenyas gamit ang daliri niya tapos nagsasagot na ulit sa papel niya si Simone, tapos titingin na naman po kay Max, tapos gano'n na naman po ulit. Ma'am, this is cheating. Given na parehas pa sila ng number at ng sagot." C...cheating? Hindi po, ma'am. Gusto ko sanang sabihin. Kung parehas po kami ng sagot, hindi po cheating 'yun. Ang tawag po do'n, destiny. Joke lang po. "Tsk." Narinig ko si Max. Hindi ako lumilingon sa kanya. Siguro nakakunot na ang noo nito. Iyamot na siguro siya. Ayokong lumingon sa kanya, mahahalata niya kasi, e. "Halikayong dalawa," tawag samin ng guidance. "Totoo ba ang sinasabi ni ma'am?" Tumingin ako kay Max. "Simone?" Napatingin na ako sa guidance nang tawagin niya ako. "Ah! Hindi po." "E bakit tumitingin ka raw kay Max?" "Ahh..." Hala! Anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba na kaya ako tumitingin kay Max e kasi, gusto ko lang siyang tingnan? Pa'no ba 'to? "Wala lang po," napatingin ulit ako kay Max. Wala siyang kibo. "Wala lang? So gusto mo lang tingnan si Max?" "Opo." "Bakit? Crush mo ba siya?" Napatigil ako sa sinabi ng guidance counselor. Ano raw? Crush? Si Max? Crush ko? Nagjo-joke yata si ma'am, e. Pero... crush ba ang tawag do'n? Kapag gusto mong laging makita, crush na ba 'yon? Hindi ako nakasagot kay ma'am. Walang dapat makaalam na nagkakagusto ako sa lalaki. "Max? Ikaw? Totoo ba ang sinasabi ni ma'am?" tanong ng guidance sa kanya. Napatingin na lang ako kay Max. Hindi siya kumikibo. "Max? Gumagamit ka raw ng hand signals kanina. Totoo ba 'yun?" Umiling si Max. "Bakit iling lang?" kuyog pa rin sa kanya ng guidance. "Sabihin mo 'yung totoo." Nakamasid lang ako kay Max kahit gilid lang ang kita sa kanya. Ang pogi niya talaga, lalo na kapag seryoso ang mukha niya, tulad ngayon. At ngayon lang ako nakalapit ng ganito kalapit kay Max. "Max? Hand signals ba 'yung ginagawa mo kanina?" Tumungo si Max. Nagtakip siya ng mukha. "Opo, hand signals po 'yun. Kailangan ko po kasing pumasa sa exam kaya nagpapatulong po ako kina Vin," paliwanag ni Max. Hand signals? Ibig sabihin pala nandadaya si Max atsaka sila Vin? "Ma'am Bustamante, tawagin si Vin. Simone, sige na, ipagpatuloy mo na 'tong exam mo." Inakay na ako ni ma'am Bustamante palabas ng guidance office. Ayoko pa sanang umalis kasi gusto kong damayan si Max, pero wala, e. Kailangan kong sumunod. Samu't saring tanong ang natanggap ko galing sa mga kaklase at kaibigan ko. Sinabi ko na lang sa kanila ang totoo. Pero hindi ko sinabi na kaya ko tinitingnan si Max e dahil crush ko siya. Ganon ba 'yun? Crush ba ang tawag do'n kapag may tinitingnan ka palagi? Kung sa bagay, nagagwapuhan ako kay Max, at gusto ko siya laging nakikita. Siguro crush ko nga si Max. Crush ko pala siya. Pero kumusta na kaya siya? Uwian na pero hindi pa rin bumabalik sina Max at ang mga kaibigan niya. Inaakit na ako ng mga kaibigan ko na umuwi pero ayoko pa sana. Sina Max kasi. Kaya kahit hindi ako cleaners ngayon, nagprisinta ako na tutulong ako sa kanila sa paglilinis para makita at malaman ko kung anong nangyari kina Max. Siguradong babalik pa 'yun dito sa room, nandito pa ang mga bag nila, e. Mula sa bintana ng classroom namin ay tinanaw ko ang mga nagpapraktis ng sayaw. Para saan ba 'yan at kahit examination day e nagpapractice sila? Thriller... Thriller now... "O? Anong nangyari?" Lumingon ako sa nagsalita. Dumating na pala sina Max. Mga nakabusangot ang mukha nila. Mukhang hindi yata nila nagustuhan ang nangyari sa kanila. "Papatawag daw magulang niyo?" "Hindi, pero may parusa kami," sagot ni Vin. "Ano?" "Alalay kami ng mga teacher ng isang linggo." "Bakit ba nalaman nina ma'am na nandadaya kayo?" Tahimik lang ako na nakikinig sa usapan nila. Nagwawalis lang ako rito sa gilid. Kunyari walang pakialam. Thriller... Thrilller now... Patuloy lang si Michael Jackson sa pagkanta sa CD player ng nagpa-practice. "Gawa niyang baklang si Simone," punong-puno ng inis at galit si Vin. Napatigil ako sa pagwawalis. Nakatalikod lang ako sa kanila. Ayaw kong lumingon. Ayaw kong makita nila ako. Sana pala umuwi na lang din agad ako. Baka ikapahamak ko pa 'to, e. Thriller... Thriller now... "Tingin kasi nang tingin," boses 'yun ni Max. "Akala mo, nakakatuwa. Hindi matigil kakatingin niya. Akala yata hindi ko napapansin na palagi siyang tingin nang tingin sakin." Si Max ang nagsasalita. Si Max... Teka, ibig sabihin ba no'n, napapansin niya ako? "Max..." pigil sa kanya ng isa naming kaklase. Thriller... Thriller now... "Kasalanan mo 'to," may tumulak sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Max. Salubong ang kilay niya at halatang galit siya. "Lagot ka sakin." "Max, tama na," pigil pa sa kanya ng ilan. Umalis na rin sila Max kasama ng mga kaibigan niya. Thriller... Thriller now... Mahigpit kong hinawakan ang walis. Oo, kinakabahan ako. Pero masaya, kasi, first time yata akong kinausap ni Max, e, kahit galit siya. Thriller... Thriller now... * E N D O F F L A S H B A C K * Thriller... Thriller now... At paano ko nga ba makakalimutan ang kantang 'yan? Napangiti na lang ako. Nakakatuwa rin naman palang alalahanin ang nakaraan. Iniwan ko na si madam principal. Bumalik ako sa pwesto kung saan ako lulugar base sa napag-usapan namin ng mga bata. Patuloy lang ang party party hangga't sa nagbago ang tugtog. Mula sa remix na pop at pang-sayawan ay naging romantic song ito. At hindi pwede ito! Ano? Halloween party tapos may romance? Valentine's party ba 'to? Naku! Hindi ako makakapayag. Sinabi na nga't huwag magpapatugtog ng sweet, makita mo't hindi ko papabigyan ng meryenda 'yang operator ng sound system, ayh. Hindi marunong sumunod. I drew an imaginary line sa tapat ng leeg ko using my whole hand, with my palm facing the ground. Habang ginagawa ito ay hinahanap ko ang committee ko sa sound system. Pero hindi ko siya makita. At kahit kanina pa ako paulit-ulit sa signal ko na ito, hindi pa rin namamatay ang sweet music na 'yan. Mukhang walang nakakakita sa akin na estudyante ko, at mukhang wala akong makita sa kanila, a. Pero makita ko lang silang dancing with that baduy song, naku, gagawin ko silang tinadtarang hipon. Pinisil ko ang ilong ko ng dalawang beses. Pinisil ko ulit ito. Pinisil ko ulit. Wala pa ring lumalapit sa akin. Aba! Mga pisti! Tinuro ko naman ngayon ang kanan kong pisngi nang paulit-ulit, paulit-ulit ulit ulit. Wala pa rin, a. Pinisil ko ulit ang ilong ko ng dalawang beses. Pinisil ko ulit. Sa pagkakataong ito, wala nang nakatakas sa mga mata ko. Nakita ko si Cedric. Nakatingin din siya sa akin. Lumalakad na siya papalapit sa akin. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko naman ang estudyanteng kanang kamay ko para sa event na 'to. Galing siyang dancefloor at mukhang sumayaw siya sa romantic song na pinatugtog, a. Nakita rin naman niya ako. And I know it is the perfect time to do this signal — nilakihan ko ang dalawa kong mga mata habang nakatingin sa kanya at pagkatapos ay tiniik ko ang sarili ko. Nakita ko naman siyang lumunok ng sarili niyang laway. Sinabi't ang kalandian ay iwanan sa bahay. Pisti! Ginagawa ko pa rin ang pagtiik sa sarili ko para naman maalarma 'yang mga batang 'yan. Mga hindi ako pinagpapapansin. Pisti talaga! "O! Baka ka mamatay," tiningnan ko ang taong humihila ng kamay ko palayo sa leeg ko. Binitawan ko na rin ang leeg ko. Tumayo na lang ako ng tuwid kahit nasa tabi ko pa siya. Hindi ko siya tinitingnan. "Bakit mo sinasakal ang sarili mo?" tanong niya. Ayoko sanang magsalita. Gusto ko sanang magpanggap na hindi siya naririnig. Pero pisti kasi 'yang tugtog na 'yan. Kung party party songs ang tumutunog, edi magandang alibi sana na hindi ko siya naririnig. "Ah! Wala. Hand signal lang 'yun," sagot ko. "Hand signal? Bakit naman nakakamatay 'yang hand signal mo?" Natatawa niyang tanong. "Gusto mong mauna?" tanong ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. "Ang sungit, ha," tugon niya. Napansin kong mag-isa lang siya. Wala sina Vin. "Hand signal mo rin ba 'tong..." ginaya niya ang ginawa ko kanina. "Anong meaning no'n?" Napilitan akong tingnan siya. "Cut." "Sir? Bakit po?" dumating na si Cedric. Kay Cedric ako tumingin. "Sabihin mo nga do'n sa operator ng sound system, sumunod sa napag-usapan. Kung hindi, siya ang ooperahin ko kamo. Now na!" At pinaalis ko na si Cedric. Sumunod naman kaagad ito. "Ang tapang mo naman, sir," puna ni Max. "Gano'n talaga," sagot ko na lang. Gusto ko sanang kumustahin ang kanyang birdie kung okay na ba. Nadagasan ko nga pala 'yun kanina. Oh well! Mukhang okay naman na kaya huwag na lang. "Hand signal din ba 'yung pagpisil mo dyan," at buong pusong pinisil ni Max ang ilong ko. "Ah! Ahh! Ahhhh! Aray!" Pilit kong hinihila palayo ang kamay niya sa ilong ko. Ang diin ng pagkapisil niya. Pisti! "Ang sakit!" Hinampas ko siya sa braso niya. Pero syempre, ano bang sakit ang madadala ng hampas ko sa maskulado niyang braso? "Hand signal din ba 'yun? Anong meaning?" "Wala! Hindi hand signal 'yun," pagsisinungaling ko. Hindi na ulit ako nakatingin sa kanya. "Hindi? Sayang..." tugon niya. "Ang cute pa naman." Hand signals are friendly gestures for people to understand better someone from afar without shouting. Hand signals are gestures necessary for some actions. Specific hand signal has specific meaning. Sobrang laki ng naitutulong ng hand signals. Some are hard to understand; some are funny to watch. But sometimes, nami-misinterpret ito, nami-misunderstood. Minsan, nami-misunderstood ang meaning nito at minsan, nami-misinterpret ang dahilan even when their intention naman is only for good. In my case, ngayon, perhaps, hand signals aren't just hand signals for what it is for. Ngayon, isang cause na rin siguro ang hand signals ng isang kilig na matagal bago muling pinaramdam. Isang kunot na noo ang ibinigay ko kay Max. Lumingon ako sa kabilang side kung saan hindi niya kita at doon ay pinakawalan ko ang isang malapad na ngiti. Pisti! À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD