Chapter 3

4998 Words
Bullying is never a good thing to begin with. This is the main reason why some people, at young age, commit suicide. And this is the reason why we have the Republic Act 10627 or known as Anti-Bullying Act of 2013. However, sometimes, bullying has a good cause as well. The bullied strives to take revenge against the bully by making themselves better than them. Pinapakita nila na mas better sila, mas magaling over those who bully them before. And that's the best slap the bullied can give to the bullies. "Ladies and gentlemen, the Phantom of the Opera!" Tiningnan ko si Cedric na siyang pumasok na sa stage. Sumunod din naman ako at katulad ng nasa rehearsals at choreo, ginawa ko ito. Oo — KO. Dahil wala si Natalie at dahil hindi pwedeng i-cancel ang performance na 'to, wala akong ibang nagawa kundi tanggapin ang suggestion ni Cedric. Ginamit ko ang puting kurtinang nakita ko kanina sa classroom namin para maging costume ko ngayon. Nakaputi kasi dapat si Natalie and quite possibly, kaysa sa magsukat pa ako ng mga damit mula sa wardrobe ng Cinemahouse, ito na lang kurtina. For sure, wala rin namang magkakasya sa akin do'n. And with the aid ng mga aspile at pardible, nakagawa ako ng costume ko at ng pantakip sa ulo ko para kunwari na lang mahaba ang buhok ko. Sinimulan ko ang kanta bilang ang character naman ni Christine, ang siyang pino-portray ko, ang unang aawit sa kantang 'to. "In sleep, he sang to me; in dreams, he came." Sumunod naman si Cedric, siya ang Phantom. Wala na akong pakialam sa mga nanunuod at makakakilala sa akin sa performance na 'to. Ayokong magkapalya sa event naming 'to. At lalong ayokong masira ang highlight namin ngayong gabi. I am Simone Ohales San Miguel, and I will do everything to make things better. Kahit nakakapisti pa 'yan. I know Max and his friends are watching and there's no need to be worried. Hindi naman 'to ang first time na makita nila akong kumanta sa stage at sa harap ng maraming tao. What I am worried about is Dino. Sabi niya dadating siya ngayon, pero nasaan siya? Missing in action na naman. Ohh! Whatever! Bakit ko ba kailangang isipin 'yun ngayong nagpe-perform ako? Natapos ang performance namin ni Cedric. At bakit ba naging highlight ito ngayong Halloween party? Simple lang. At pinagsisisihan kong sinang-ayunan ko 'tong suggestion na 'to ng principal no'ng pinaplano pa lang namin ito. Hay! Pisti! Tumakbo ako katulad ng nasa plano. Mabilis. Paunti-unting namatay ang ilaw at bago pa man tuluyang dumilim ang paligid, nakapunta na ako sa pagtataguan ko. "Anyone who can find our Christine shall win a special prize tonight!" Narinig kong announce ng emcee. And I know, the search is on. Hinahanap na ng mga bisita si Christine na dapat ay role ni Natalie ngayon, but sa kapistihang palad, role ko ngayon. Kung hindi ako si Christine ngayon, baka tinitingnan ko ngayon kung paano tuwang-tuwa ang principal sa pagsunod namin sa delikadong pakulo niya na 'to. But oh well. I am Simone Ohales San Miguel, and there's nothing I cannot handle. "Sinasabi ko na nga ba, dito ka unang pupunta." Tumingin ako sa lalaking dumating. Hindi naman ako dark blind, may konting ilaw din naman kaya nakikita ko ngayon ang hitsura niya. At kahit siguro madilim, makikilala ko ang boses ng mokong na 'to, for I had memorized each tiny detail of this human being. "Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. "Hinahanap ka," sagot niya. "Bakit mo naman ako hahanapin?" "Sabi no'ng emcee, hanapin ka raw. Syempre, sayang naman 'yung premyo." Mula sa harap ko ay tumabi sya sa akin na para ring nagtatago. "Bumalik ka na nga do'n," pagtataboy ko sa kanya. "Ayoko nga." "Tsk." Kilala ko 'tong si Max, kapag sinabi niyang ayaw niya, ayaw niya. Pisti naman! "Pa'no mo ba ako nahanap?" mahinahon kong tanong. "E di'ba? Ito ang paborito mong lugar dito sa SPA?" tinutukoy niya ang school namin. "Dito ka kaya laging pumupunta kapag napapagalitan ka ng teacher, kapag ayaw mong magpakita sa amin, kapag nagagalit ka sa mundo." "Max, tama na nga!" Naaalibadbaran ako sa sinasabi niya. Ayaw ko nang maalala ang mga immaturity ko noong High School kami. "Alam mo, nagtataka nga ako sa'yo, e," dagdag pa niya. "Sa lahat ng pwede mong pagdramahan no'ng high school tayo, dito pa talaga sa lugar na 'to." This is a place behind the library. May maliit na daanan kasi papunta sa likod nitong library, at dito makikita ang stock room ng mga gamit panglinis ng mga janitor. Tahimik dito kahit ganitong alam mong parang wala namang saysay ang lugar na 'to. At tulad ng sinabi ni Max, this is my refuge kapag nafu-frustrate ako habang nandito sa school. Wala naman kasing tao ang madalas pumupunta rito during school time. "Bakit ka ba laging pumupunta rito kapag may nangyayaring hindi maganda sa'yo?" Tiningnan ko si Max ng masama. "Itanong mo kaya 'yan sa sarili mo." "Bakit sa'kin? Ako ba ang dahilan kung bakit may hindi magandang nangyayari sa'yo?" "Oo," mabilis kong sagot. "Weah? E sabi mo nga ako ang pinakamagandang nangyari sa buhay mo, e." Pisti talaga! Kakainis. Simone and his little stupidity before. "Pwede ba, Max? Don't act like you did not make my life miserable." "Alin? No'ng first year high school tayo?" Tumawa siya. * F L A S H B A C K * "Umayos-ayos kayo d'yan ha, hindi na kayo nakakatuwa. Hindi na kayo mga bata," nagagalit sa amin si sir Rodriguez. "Hinabilin ko lang kayo kay ma'am Bustamante, nandaya na kayo sa exam. Aba! Hindi tama 'yun, ha." Pinagagalitan kami ni sir ngayon bilang advisory class niya. Syempre, nakarating sa kanya ang nangyaring pandadaya nina Max. Tahimik ang buong klase. Pinapagalitan kami lahat, e. Kabilin-bilinan kasi ni sir na huwag kaming gagawa ng kalokohan habang wala siya, lalo na't araw 'yun ng exam. Bigla akong may naramdamang parang may gumagalaw sa bag ko. Nasa likod ko ang bag ko at kanina ko pa yun nararamdaman. Kanina pa ako nangangating tingnan 'yun, kaya lang, sabi ni sir, walang dapat gumalaw habang nagsasalita siya, focus lang daw sa kanya. Kaya kahit siguro may kinakati na ang likod, tinitiis na lang nila kaysa mapagalitan pa ni sir. At syempre, dahil nagagalit sya. Walang nagtatangkang magsalita. Kasi kung mayro'n man, kahit sinong marinigan ni sir ng ingay, mapaparusahan niya. Naramdaman ko na naman ang gumalaw sa bag ko. Ano ba kasi 'yon? "Ayokong mauulit ito, ha. Kapag 'to naulit, ipapatawag ko na ang mga magulang niyo. Maliwanag ba?" "Opo." Tumalikod na si sir. May sinusulat siya sa board. Pagkakataon ko na. Tumalikod din ako at binuksan na ang bag ko. "Aaaahhhhh!" Isang sigaw ang pinakawalan ko nang makita ang palaka sa loob ng bag ko. "Simone! Ano ba 'yan!?" Napatingin ako kay sir. Nakatingin siya sakin ng masama. Patay! "Sir, may palaka po sa loob ng bag ko," sagot ko. "Bakit ka naman nagdadala ng palaka sa school?" "Sir, hindi po. Hindi ko po alam kung paano napunta sa bag ko ang palaka." Napasigaw pa ako nang tumalon mula sa bag ko ang palaka. "That's it! Anong sabi ko?" tanong ni sir. "Lahat ng magsasalita, paparusahan ko." "Pero sir..." "Come with me, Simone." Lumakad si sir papalabas. "Dalahin sa garden ang palaka na 'yan," pahabol pa ni sir. Sinaraduhan ko ang bag ko. Bago ako lumabas ay tiningnan ko si Max. Nagtatawa sila ng mga katropa nya. Mukhang alam ko na kung saan galing ang palaka sa loob ng bag ko. Sumunod lang ako kay sir at hindi na ako lumingon pa sa mga kaklase ko. Nakakahiya. Lagot ako ni mama nito mamaya. "Linisin mo ang buong library. Hindi ka uuwi hangga't hindi ka natatapos," pagkasabi iyon ni sir ay umalis na siya. Iniwan na niya ako rito sa library kasama ng masungit na librarian. Tiningnan ko ang library ng school. Sobrang makalat. Wala sa mga bookshelves ang mga libro. At mukhang katakot-takot na ayusan ang mangyayari rito. "Arrange the books per subject," pagbibigay sa akin ng instruction ng librarian. "Bawat shelf, may nakalagay kung anong libro ang ilalagay mo rito. The novels are to the novel section, while the reference books are to the reference section. I expect to finish your work before the day ends." Napalunok na lang ako sa utos ng librarian. Tiningnan ko ang relo ko. 08:07am. Mukhang ito ang gagawin ko ngayong buong maghapon, a. Hindi na ako nagreklamo pa. Sinimulan ko nang ayusin ang mga libro. Grabe naman kasi sina Max. Bakit naman kasi kailangang lagyan ng palaka ang bag ko? Siguro ginawa nila 'yun kanina habang nasa flag ceremony kami. Late kasi silang magtotropang pumasok, at nararamdaman ko, ginawa nila 'yun no'ng dumating na sila sa room habang nakapila pa kami. Naalala ko ang banta sakin ni Max no'ng Friday. Mukhang tinotoo nga niya. Lagot nga talaga ako sa kanya. Ang daya rin naman ni sir Rodriguez, e. Ako na nga ang biktima rito, ako pa ang naparusahan. Ang daya. Makalipas ang 30 minutes ay break time na. Syempre, hindi na ako mag-aabala pang mag-recess, sa dami ba naman ng kailangan kong gawin. Ang pinag-aalala ko ay ang mga lesson namin ngayong araw na 'to. Siguradong wala akong matutunan ngayon kasi nandito ako. Ayh tatanungin ko na lang pala ang mga kaibigan ko. Pero sana nandito rin sila para damayan ako. "Ma'am? Pinabibigay po si Ma'am Bustamante," pamilyar sa akin ang boses na 'yun. Sinilip ko ang nagsalita at nakita ko si Vin. Sa labas ng library ay nando'n sina Max. Nakita rin nila ako! Pero mabilis akong umiwas at nagtago na sa mga libro rito. Feeling ko kasi hindi nila dapat akong makita. "O, ito," narinig kong sabi ni ma'am librarian. "Ibigay mo rin 'to sa kanya, tapos pakidala nitong mga libro na 'to. May pangalan 'yan kung saan dadalahin." Bigla kong naalala na hindi lang naman pala ako ang may parusa ngayon. Pati rin nga pala sila dahil sa pandadaya nila. Pero hindi naman dahil sa pandadaya kaya ako napaparusahan ngayon, e. Dahil 'to d'yan kina Max. 10:38AM na. Napapagod na rin ako sa kakaayos. Mabuti na lang at walang masyadong alikabok, hindi ako hihikain o sisipunin. Pero ano na kayang nangyayari sa room? 'Yung bag ko kaya, kumusta na? Magla-lunch break kaya ako? Marami pa 'tong kailangan kong tapusin, e. Nakarinig ako ng kumakatok sa pintuan. Wala si ma'am librarian kaya ako ang mapipilitang kausapin ito. Sumilip ako sa pintuan pero wala naman akong nakita. Hangga't sa nakarinig ako ng pagbagsak. "Max! Leigh!" Pigil ko sa kanila nang ihulog nila ang mga librong naayos ko na. "Vin! Jerome!" Pinilit kong saluhin ang libro kaya lang huli na. Wala na. "Tupe! Huwag!" Halos lahat ng naayos ko nang libro sa shelf ay nagulo na. Nagsisipagtawanan naman ang mga bwisit kong kaklase. "Galingan mo paglilinis ha, bagay ka dyan," sabi ni Vin bago umalis. "Aray!" Binato pa ako ni Jerome ng libro. "Goodluck, Simone mamon!" Si Leigh na tumatawa-tawa pa. "Oopppsss!" Si Tupe na siyang hinulog pa ang isang taas ng libro na nakapatong sa lamesa. "Tingin pa," si Max naman. "Tingnan mo pa ako. Susuntukin na kita." Nakatingin nga ako kay Max. Naiinis ang ekspresyon ng mukha ko. "Suntukin na kaya kita ngayon?" Umiwas na ako ng tingin sa kanya. Hindi na lang ako nagsalita. Pinigilan ko ang luha ko. Alam kong tutulo na 'to, e. Umalis na silang lahat habang nagtatawa. Naiwan ako ritong mag-isa. Hindi ko na pinigilan pa ang luha ko. Iniiyak ko na habang inaayos ulit ang ginulo nila. Sana lang may katulong ako ngayon sa ginagawa ko. Kung isumbong ko kaya sina Max? Kaya lang baka hindi lang 'to ang abutin ko. At paniguradong hindi ako tatantanan ng mga 'yun kapag gumanti pa ako. Okay na siguro 'to. Siguro wala na silang gagawing masama laban sa akin. Sa bilis kong kumilos ay natapos ko ang pinapagawa sa akin ni sir Rodriguez. Hindi na ako nagbalak pang magpahinga kasi ikatatagal ko lang 'yun. Kailangan kong matapos agad para makauwi ako ng tama sa oras, kasi kung hindi, si mama naman ang magpaparusa sa akin. Kinabukasan ay iniwasan ko sina Max. Oo, tinitingnan ko pa rin siya pero kapag magkakasalubong kami at ng barkada niya, ako na ang umiiwas. Kung mag-sorry kaya ako sa kanya? Kung iisipin naman kasi talaga, kasalanan ko kung bakit sila nadiskubre ni ma'am Bustamante na nandadaya. Pero paano kung hindi niya ako pansinin? Hay ewan. "Salamat dito, Riz," binalik ko kay Riz ang hiniram kong notebook sa kanya. Marami kasing pinasulat sa subject naming Public Speaking kahapon habang wala ako. "Mabuti na lang at walang quiz kahapon," saad ni Riz. "Pero may debate daw ngayon." "Debate?" tanong ko. "Oo, dito sa Public Speaking. Impromptu raw. Mamaya sasabihin ni ma'am ang topic." "Ahh sige..." Patay! Hindi ako handa. Bahala na. Siguro naman hindi ako ang pipiliin makipag-debate. Hindi naman ako matalino, e. "Riz?" May bigla akong naisip. "Sa palagay mo, mag-sorry kaya ako kina Max?" "Bakit ka naman magso-sorry?" Napatingin ako kay Max. Naglalaro sila ng mga kaibigan niya. Binalik ko kay Riz ang tingin ko. "E kasi kasalanan ko kung bakit nahuli sila na nandadaya," sagot ko. Tumingin ulit ako kay Max. Ngayon ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Kaagad kong binawi ang tingin ko at umiwas. "Pero hindi mo naman kasalanan kung bakit sila nandadaya," tugon ni Riz. "Kasalanan nila 'yun kasi nandadaya sila, mali 'yung ginagawa nila. Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo, Simone." Napatigil ako. Ngumiti ako kay Riz. Tumingin ulit ako kay Max. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay nakabusangot na ngayon. Biglang umayos ang mga upuan namin nang dumating na si ma'am Bustamante. Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Riz. Bumalik na ako sa upuan ko. "Just like what I said yesterday," panimula ni ma'am, "we will be having a debate today. So sana, 'yung sinulat niyo kahapon, hindi niyo lang basta sinulat, binasa niyo rin. Nando'n kung paano magde-debate." Napatingin ako sa notebook ko. Hala! Siya nga! Bakit ba hindi ko agad napansin? Bakit kasi sulat lang ako nang sulat? Pero sure akong hindi ako ang uunahin sa debate na 'to. Automatic na 'yun. "At tulad ng napag-usapan kahapon, bubunutin natin ang mga magde-debate." Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong maliit na kahon na dala ni ma'am. Inaalog-alog niya ito. Oh my gosh! Mukhang katapusan ko na. "Ang unang magde-debate ay si..." bumunot si ma'am, "Ibarra." Kinantyawan ng mga kaibigan niya si Max. Napatingin na rin ako kay Max, halos lahat naman ng mga kaklase ko, syempre siya ang tinawag, e. "At si..." Bakit gano'n? Bumibilis ang t***k ng puso ko? Parang sinasabi nito na sana huwag ako ang mabunot, kasi alam nitong mapapahiya lang ako. Pero bakit parang gusto ko na sana ako na ang mabunot para makatapat ko si Max? Bakit gano'n? Ugh! Hindi pwede 'to! "Uriarte." Nakahinga kaming lahat ng maluwag matapos tawagin ni ma'am ang makakatapat ni Max. Aaminin ko, medyo malungkot ako kasi hindi ako ang napili, pero masaya rin kasi at least, hindi ko mapapahiya ang sarili ko. Nagsimula na ang debate. Tungkol sa K-12 ang debate nila. At dahil Public Speaking 'to, English dapat ang salita. E ang hirap hirap mag-English. Hay! Bahala na nga, hindi pa naman ako ang magde-debate. Pero sana ako na lang ang nakasalang ngayon. Nabasa ko kasi sa Filipino book namin ang tungkol sa advantages at disadvantages ng K-12 curriculum kaya kung sakaling ako ang nakasalang, ang pagta-translate na lang sa English ng mga sasabihin ko ang magiging problema. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Alam kong hindi ako mahuhuli ni Max na nakatingin sa kanya kasi nakafocus siya sa debate. Kaya naman tiningnan ko na siya. Hindi ko siya masyadong nakita kahapon kasi nasa library ako. Kanina naman hindi ko rin magawa kasi mahuhuli niya ako. At least ngayon, hindi niya ako mahuhuli. Kay Max ang advantages ng K-12, kay Uriarte naman ang disadvantages. Hindi maayos ang pagsasalita nila pero naiintindihan naman namin ang point nila. Napupuruhan si Max ni Uriarte. Maraming nasasabi si Uriarte kumpara kay Max. Dapat kasi sinabi ni Max na pagka-graduate ng Grade 12, pwede nang makahanap ng trabaho. "Okay, that's it. But before we end this debate. I will let someone help Ibarra defend his stand. Kapag nagawa ng gustong tumulong, hindi na siya magde-debate, ito na rin ang debate niya," saad ni ma'am. "Who will volunteer?" Bigla kong nailibot ang mga mata ko sa mga kaklase ko. Mukhang walang gustong may tumulong kay Max. Pero baka mayro'n, nahihiya lang. Tumingin naman ako kay Max na siyang nakangiti lang. Inililibot niya ang tingin niya. Nawala bigla ang ngiti niya nang makita akong nakatingin sa kanya. Umiwas ako ng tingin. Hala! Ako na ba ang magvo-volunteer? "Ma'am, si Tina raw po." Tumingin kaming lahat kay Tina. Si Tina na maganda. Si Tina na matalino. Si Tina na may crush kay Max. "Ma'am, hindi po, a," tanggi ni Tina. "Sige na. Tulungan niyo si Ibarra," pamimilit ni ma'am. Niloloko-loko na si Tina ng mga kaibigan niya. Si Tina naman, pangiti -ngiti lang. Ang arte naman. Tumingin ako kay Max. Nakangiti siya. Nakatingin siya kay Tina. Hala! Hindi pwede 'to. Kapag nagkagusto si Max kay Tina, baka ligawan niya 'to, tapos maging sila. Hindi pwede! "Ma'am, ako po!" Tumayo ako habang nakataas pa ang kanang kamay. "Ayan! Si Simone pala. Come here. Dito ka sa tabi ni Max." Hala! Ano ba 'tong ginawa ko? Bakit ko ginawa 'to? Lagot ako nito. Tumingin ako kay Max. Nakatingin siya sakin ng masama. Nakabusangot na naman ang mukha niya. Dahan-dahan akong lumapit kay Max habang nakataas pa rin ang kamay. Nagulat ako sa ginawa ko. Ngayon ko lang napagtanto ang kahihiyan na kahaharapin ko. Medyo lumayo sakin si Max nang makatabi na ako sa kanya. Binaba ko na rin ang kamay kong nakataas pa rin pala. "So, Simone, pagtanggol mo na si Max, at mamaya ay may sasabihin ako sa buong klase," at tumawa pa si ma'am. "Ma'am?" kunot-noo kong tanong. "Bilisan mo na at baka mawalan ka pa ng grades," natatawang sabi ulit ni ma'am. "O! Ibarra, huwag kang lumayo. Lumapit-lapit ka rito kay Simone. Ikaw na nga ang ipagtatanggol, e." May kakaiba sa kung papaano magsalita si ma'am Bustamante. Naku! Dapat pala hindi na ako nagprisinta. "When you graduate Grade 12," dahan-dahan kong pagsasalita, "you can work already. If you work, you can help already your mother and father. You study college while work and study." "Uriarte," turo pa ni ma'am kay Uriarte para i-present naman ang idea niya. Nanginginig ako pero ayokong ipahalata. Katabi ko si Max ngayon. Hindi ko alam kung gaano kalapit, pero alam kong katabi ko siya, nasa may likod ko lang siya. Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Uriarte. Basta ang alam ko lang, nandito si Max malapit sa akin. "Rebat, Simone." Huminga ako ng malalim. "When you go to other country..." napatigil ako. "No, no, no..." Bawi ko. Nakakahiya na. Dapat maayos ko 'to. Baluktot na nga ang English ko, tapos pamali-mali pa ako? "Now... if you are teacher... then you go to other country... your work is yaya... But, with K-12... if you graduate K-12... then you become teacher... then you go to other country, your work is teacher, too, not yaya anymore." "Uriarte." Natatawa si ma'am sa sinabi ko. Oo, alam kong mali. Bakit naman kasi pupunta-punta ako rito ng hindi handa, e? Paputol-putol tuloy ako sa pagsasalita. "Ma'am, wala na akong masabi," si Uriarte na natatawa. "With that, the winner of today's debate is none other than Ibarra and Simone," anunsyo ni ma'am. Pinangunahan pa ni ma'am iyon ng palakpak. "Ang daya naman, ma'am," protesta ni Uriarte. "Tinulungan ni Simon si Max." "Umupo ka na, Uriarte at wala ka namang na-irebat. Mali pa ang bigkas mo ng pangalan ni San Miguel." Lumingon sa akin si ma'am. "Paano nga sabihin ang pangalan mo?" "Simōne po." "Simōne, like moan. Si-moan. Not Simon." Tumayo si ma'am mula sa pagkaka-upo. "Okay, class makinig kayo. Mamaya kayo umupo, Max, Simōne." Bakit kaya? Ano kayang sasabihin ni ma'am? "Naaalala niyo ba no'ng Friday? No'ng exam niyo?" "Opo." "Habang nasa guidance si Simōne at si Max, tinanong sila, syempre..." Mukhang hindi maganda ang patutunguhan talaga nito, a. Patay ako rito. "Tinanong ng guidance kung bakit daw tingin nang tingin si Simone kay Max. Ito namang si Simone, wala lang daw." Tumungo ako. Hindi ko na gusto ang sinasabi ni ma'am. Malalaman ng buong klase na may crush ako kay Max at siguradong magagalit na naman sa'kin si Max. "Pwede ba 'yun? Titingnan mo ang isang tao ng paulit-ulit tapos wala lang?" "Hindi po," sagot ng mga kaklase ko. "Sa palagay niyo, bakit tinitingnan ni Simone si Max?" Napansin ko ang pagkamot sa ulo ni Max. Hindi talaga niya 'to nagugustuhan. At mamaya, siguradong hindi ko magugustuhan ang gagawin sa'kin nina Max. "Crush po ni Simone si Max," narinig kong sagot ng isa sa mga kaklase ko. Hindi ako sigurado kung sino siya. "Tama!" pagsang-ayon naman ni ma'am. "Simone, crush mo ba 'tong si Max?" napalingon ako kay ma'am. Ayoko siyang sagutin. "Hindi mo naman siguro siya tutulungan dito sa debate kung hindi, di'ba?" hirit ulit ni ma'am. "Sige na, magtapat ka na kay Max. Bahala ka, malapit na ang 2012, malapit nang mag-end of the world, kung ako sa'yo, sasabihin ko na ang nararamdaman ko." Tumingin ako kay ma'am. Tama na po, ma'am, please. Hindi na po gusto ni Max ang nangyayari. Ako na naman po ang malalagot nito mamaya, e. "Ikaw naman, Max, anong masasabi mo na may crush sa'yo si Simone?" "Wala po," seryosong sagot ni Max. Lumakas pa ang kantyawan ng mga kaklase namin. Hindi maganda 'to. Siguradong lolokohin nila kami dahil dito. "Siya na! Umupo na kayong dalawa." Para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabing iyon ni ma'am. Hindi nagtagal ay natapos na ang klase namin sa Public Speaking. Hindi ako nagpakalabas-labas ng classroom namin dahil sigurado akong 'yun lang ang hinihintay nina Max para gantihan ako. Sa totoo lang ay natatakot ako sa pwede nilang gawin. Siguradong kapag nasaktan ako, nasugatan o nagkapasa, ay hindi magdadalawang-isip si mama na pumunta rito sa school. Malaking g**o 'yun kapag nagkataon. Lunch break na. Hindi ako lumabas ng classroom para masiguradong hindi ako mabu-bully nina Max sa labas. Feeling ko ito ang pinaka-safe na place para sa akin ngayon. Umalis na rin naman sila kaya wala na akong magiging problema ngayong lunch break. Umuwi na rin siguro sila. Pero paano naman ako makakakain ng tanghalian kung hindi ako lalabas dito sa classroom? Hay. Ewan ko rin. Siguro magmamasid na lang ako sa paligid para masiguradong wala sila. Sa iba rin ako dadaan, baka kasi inaabangan ako ng tropa ni Max sa madalas kong daanan, e. Buo na ang desisyon ko. Kaysa magutom dito sa room ay lalabas ako para kumain ng lunch. Mag-iingat na lang ako. "Nakakarami ka na," napatigil ako sa pagsasakbit ko ng bag nang marinig ang boses ni Max. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siya sa may pintuan kasama ang mga kaibigan niya. "Inis na inis na ako sa'yo." Umatras ako nang magsimula siyang lumapit sa akin. "Max, tama na. Ayoko ng g**o," bati ko sa kanya. "Sana inisip mo 'yan bago ka umepal kanina sa debate," singit ni Jerome. "Hindi ko naman sinasadya," sagot ko. "Di'ba sabi ko, isa pang tingin, susuntukin na kita?" pinapaputok ni Max ang mga daliri niya. "Max..." bulong ko. Tumakbo siya papalapit sa'kin, tumakbo naman agad ako papalayo. Winahi ko pa ang mga upuan at hindi ko na pinansin kahit magulo pa sila, ang importante ay makalayo ako kay Max. Pero paano ko gagawin 'yun? Mag-isa lang ako, samantalang kasama ni Max ang buong barkada niya. Hinawakan ako ni Vin at Jerome sa tig-kabilang side ko. Nagpupumiglas pa rin ako pero hindi ako makawala. "Tama naman na, please," pagmamakaawa ko sa kanila. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibog ng puso ko. Akala ko ay 'yun lang ang gagawin nila sa'kin, pero binusalan pa ni Tupe ang bibig ko gamit ang isang face towel. Hindi tuloy ako makapagsalita ng maayos. "Hoy! Ano ba 'yan!" lahat kami ay napatingin sa isang lalaki sa may bintana namin. Biglang nagliwanag ang paligid ko nang makita si Zandro, isang 2nd year student. "Bitawan niyo nga siya." Nakita kong sumilip pa siya sa may pintuan para makita ako, pero hindi pa rin ako binibitawan nina Vin, nasa bibig ko pa rin ang face towel na nilagay ni Tupe. Nakatingin si Max kay Zandro. "Ayh! Akala ko si Tina," tiningnan lang ako ni Zandro pagkatapos ay umalis na. Dumilim ulit ang paligid ko. Ano bang ibig sabihin no'n? Hindi niya ako tutulungan dahil hindi ako si Tina? Bwisit! Bumalik sakin ang atensyon ni Max. "Akala mo may magliligtas na sa'yo, ha. Manigas ka," si Max. "Walang tutulong sa'yo. Hindi ka maganda katulad ni Tina. Bakla ka! Bakla na nga, pangit pa." Hindi na napigilan ng luha ko na tumulo. Una, dahil sa takot; pangalawa, dahil sa mga sinasabi sakin ni Max. Mas masakit pala masabihan ng katotohanan. At doble ang sakit kung galing pa sa tao na pinapangarap mong makikita ka bilang isang magandang nilalang. Sinuntok na ni Max ang tyan ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi na rin ako nagpumiglas kasi wala rin naman akong magagawa. Wala akong binatbat sa kanilang apat. Sinuntok ulit ni Max ang tyan ko. Napapaluhod na ako sa sakit. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nina Vin dahil sa sobrang sakit na nararanasan ko. May sinasabi rin si Max pero hindi ko rin naiintindihan. Nakita kong kinuha ni Max ang isang librong malapit sa kanya. Hinampas niya ako sa mukha gamit 'yun. Nagsitawanan sila. "Hoy! First year!" narinig ko ang boses ni ma'am Lavarez. "Ano ba'yung ingay d'yan!?" Medyo namuo ang ngiti sa labi ko. Kahit hindi ko gustong teacher si ma'am Lavarez ay nand'yan siya para magligtas sa akin. Pero sa dating ng boses niya, mukhang nasa baba siya ng building namin. "Aakyat pa yata si ma'am," saad ni Jerome. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakakapit nila sa akin kaya naman tuluyan na akong bumagsak sa sahig nang bitawan nila ako. Pero bago sila umalis ay sinipa pa ako ni Max at binatukan ni Vin. Tuluyan na silang umalis. Habang namimilipit sa sakit ay tsaka ko na lang napansin na halos kaharap ko na pala ang sahig. Inalis ko ang face towel sa bibig ko. "Anong ginagawa mo d'yan?" boses na 'yun ni ma'am Lavarez. Nakita ko ang sapatos niya. Nakatayo siya sa may harapan ko. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa tanong niya. Umangat ako ng dahan-dahan kahit masakit ang tyan ko pero nananatili akong nakaharap sa sahig. Umiiyak ako at tatanungin ako ni ma'am kung bakit. Mas mabuti na lang na huwag niya akong makita ng ganito ang hitsura. "Atsaka bakit ang g**o-g**o nitong classroom niyo? Ano ba 'yan?" "A... a... ayusin ko na lang po," mahina kong sagot. "Sorry po, ma'am. Nagpa-practice po kasi ako ng linya at action ko para sa play namin, e. Sorry po." Nagsinungaling na lang ko para hindi na mapahamak pa sina Max. Kapag sinabi ko kasi ang totoo, papagalitan na naman sila. At alam kong hindi lang 'to ang aabutin ko. Mas mabuting tumahimik na lang ako. Nang umalis na si ma'am Lavarez, do'n ko binuhos ang iyak ko, pero sinigurado kong mahina lang ang pag-iyak kong 'to. Hindi pwedeng may makarinig. Ayoko nang magsinungaling. Pinilit kong tumayo kahit masakit. Nang makatayo na ay inayos ko ang mga nagulong upuan. Nang makabawi ng lakas ay lumabas ako ng classroom. Pumunta ako sa likod ng library, do'n sa tambakan ng mga panglinis ng janitor. Walang makakakita sa'kin dito. Dito muna ako. Naalala ko ulit ang ginawa sakin nina Max kanina. Masakit sa katawan 'yung ginawa nila. Masakit din na hindi man lang ako tinulungan ni Zandro dahil lang sa hindi ako si Tina. At masakit din ang mga sinabi sakin ni Max. Kung sa bagay, may punto naman siya. Hindi ako maganda. Hindi rin ako babae. Tumulo na naman ang luha ko. Umiyak ako at pinilit na hindi lumikha ng tunog. Nakakahiya kung may makadiskubre sa'kin dito na mag-isang umiiyak. Atsaka dito ako nababagay, sa lugar na 'to. * E N D O F F L A S H B A C K * "Sorry na, mga bata pa naman tayo no'n, e," paghingi ni Max ng dispensa. "Wala na, huli na 'yung sorry mo. The damage has been done. Nasaktan na ako." "Sa pambu-bully ko o sa pagmamahal mo sa'kin?" kiniliti pa ako ni Max. "Pwede ba, Max. Tigil-tigilan mo 'yang kakornihan mo," humawak ako sa tainga ko. Parang sira 'tong si Max. "Alam mo, Simone, pinagsisihan ko rin 'yun, lahat ng pambu-bully ko sa'yo." Umismid ako. Grabe namang maka-realize 'to, five years late? "Lalo na ngayon. Tingnan mo, ikaw itong may marangal na trabaho pagka-graduate ng college; samantalang ako..." Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi ni Max. Kahit na medyo madilim ay alam kong malungkot ang hitsura niya. "Lalo mong pinatunayan sa'kin ngayon na mas better ka nga kaysa sa'kin," dagdag ni Max. Nananatili akong walang imik. "Dati, binu-bully bully lang kita, pero ngayon, ang dami nang gumagalang sa'yo, sir." Bullying is never a good thing to begin with. However, sometimes, bullying has a good cause as well. The bullied strives to take revenge against the bully by making themselves better than them. Pinapakita nila na mas better sila, mas magaling over those who bully them before. And that's the best slap the bullied can give to the bullies. In my case, hindi naman ako nag-aral ng mabuti to be better over Max. Kahit no'ng High School kami, hindi ako nagpilit na mag-aral ng mabuti para makita ni Max na mas angat ako sa kanya; nag-aral ako no'n dahil kailangan. "Sorry, Simone," napatingin na lang ako sa kamay niyang humawak sa kamay ko. À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD