Chapter 4

4997 Words
Prizes are as precious as gifts to a child. Kahit sino sa atin, no'ng bata pa lang, sobrang excited sa tuwing nakakatanggap ng regalo. And we feel this same kind of excitement everytime we win a prize from a game. Iba talaga ang pakiramdam kapag nakukuha natin ang gusto natin sa paraang pinaghirapan natin. But what if nakuha mo nga ang prize ng hindi mo naman pinaghihirapan? Babalewalain mo na lang ba ang konsensya mo? "Again, congratulations, Mr. Ibarra!" pumapalakpak pa rin ang mga tao hanggang ngayon. "Enjoy your free trip to Batanes for two." Tiningnan ako ng magaling na si Max. Abot bumbunan ang ngiti niya dahil sa kanyang premyo. Inirapan ko siya. Pumapalakpak ako pero labag naman sa kalooban ko. Nakaka-inis kasi. Ewan ba. Lumipat ang tingin ko sa principal namin. Tuwang tuwa rin siya na animo'y anak niya si Max na nanalo sa singing contest. Pisti! Palibhasa, siya ang may pakulo nito. Hindi nagtagal ay natapos na ang party. Naiwan ako syempre kasama ang mga estudyante ko. Inaayos na namin ang venue. Napuri ko na rin ang aking team dahil sa success ang event namin ngayong gabi, pero huwag silang pakampante dahil pagagalitan ko pa sila 'pag ka resume ng classes dahil sa pagpapatugtog ng sweet songs kanina. "Simone," lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Max. "Ano ba?" "Ang sungit naman nito." Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Ayoko pa rin siyang makita kahit na nagkasama kami kanina. Syempre nahihiya pa rin ako dahil sa pagsisinungaling ko kagabi na hanggang ngayon ay may gusto pa rin ako sa kanya. Magfe-feeling na naman 'to. "Salamat nga pala," dugtong niya. Hindi ko siya pinapansin. "Para sa'yo..." napatigil ako sa ginagawa ko nang i-abot niya sa'kin ang isa sa mga ticket na napanalunan niya kanina. "Bakit sa'kin mo 'yan binibigay?" kunot-noo kong tanong. "Kasi kung hindi naman dahil sa'yo, hindi ako mananalo. Kung hindi ikaw ang Christine, malamang, wala akong free trip to Batanes ngayon." "Pwede ba, Max," hinarap ko siya, nagpamewang pa ako. "Kahit hindi ka naman manalo ng free ticket, makakapunta ka pa rin ng Batanes. Huwag ka nga d'yang umakto na parang kailangang kailangan mo 'yan." Tinalikuran ko na siya. "Ang sungit sungit mo naman, Simone," banat niya sakin. May kalakasan ang boses niya na sumabay sa tunog ng pagkakalas ng mga bakal sa paligid. Hay! Ano ba naman kasi ang gusto't problema nitong si Max? Hindi na lang ako tantanan. Marami kaya akong ginagawa ngayon. Gusto ko nang matapos; gusto ko pang maabutang gising si Dino nang makausap ko naman 'yun. "E ano ba kasi 'yun?" "Ito ngang ticket," pilit niyang inaabot sa'kin ang ticket. "Para sa'yo 'yang isa." Kinuha ni Max ang kamay ko, binuka ito, at inipatong ang isang ticket. "E ano namang gagawin ko rito? Ano? Pupunta ako sa Batanes ng mag-isa?" nakataas ang kilay ko na tanong sa kanya. Mabuti na lang kamo at wala rito sina Vin, siguradong doble ang sakit ng ulo na matatamasa ko ngayon kung nagkataon. "Sinong may sabing pupunta ka mag-isa?" pinakita sa'kin ni Max ang isa pang ticket. Pisti! Free trip for two nga pala 'to! Ibig sabihin ba niya, kaming dalawa ang pupunta sa Batanes? "Ibo-book ko na 'to, ha. This Saturday tayo pupunta, bago magpasukan ulit. Bawal tumanggi." Hihirit sana ako kaya lang biglang pinisil ni Max ang ilong ko at tumakbo na paalis. "Hoy, Maximo!" Hindi niya pinansin ang malakas kong pagtawag sa kanya. Hay! Parang tanga naman 'yun, e. Hinabol ko siya ng tingin. Nang kainin na siya ng dilim, lumipat ang tingin ko sa ticket na hawak ko ngayon. Sa lahat naman ng tao, bakit ako ang gusto niyang isama rito? Nasaan ba ang jowa niya? Umiling-iling ako. Ang pagkakataon nga naman. Noon, gustong-gusto ko siyang makasama. Ngayon naman, bakit parang ayaw ko? Noon, hindi niya ako pinapansin. Ngayon, ako pa ang gusto niyang makasama para sa trip na 'to? Gumuhit na lang ang malapad na ngiti sa labi ko. Teka, ticket? Hinaplos ko ang ticket at maingat na inilagay sa bulsa ng pantalon ko. Ayoko na sanang alalahanin pero hindi ko mapigilan. * F L A S H B A C K * Kinuwelyuhan ako ni Max. "Ako dapat ang manalo sa boys." Umiwas ako ng tingin kay Max, galit na galit siyang nakatingin sa akin. Binitawan niya ang kwelyo ko at medyo napabagsak naman ako. "Kapag hindi ako ang nanalo, lagot ka sa 'kin." Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon ko. "Ahhh Max..." labag man sa kalooban ko pero siguro kailangan kong gawin. Kung hindi, baka kung ano na namang abutin ko mula sa mga kamay niya. "Ano?" magkasalubong ang kilay niya na lumingon sa akin. Kahit pala galit ang hitsura ni Max, ang pogi pa rin niya. Ayt! Ano ba 'tong iniisip ko? "Ahhh... Palit na lang tayo ng project, para makasigurado tayo," suhestyon ko. Nakakapanghinayang kasi pinaghirapan ko ang project na 'yun, pero hindi ko naman pala mapapakinabangan. Unti-unting naghiwalay ang kilay niya. "Siguraduhin mo lang, dahil kapag hindi ako ang nanalo, lagot ka talaga sa akin." Tinalikuran na ako ni Max. Wala na akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan siya. Hindi ako pwedeng lumabas ng kasunod niya mula sa tambakan na 'to ng mga panglinis ng janitor. Baka kung ano ang isipin ng mga makakakita. Nang magkaroon ng pagkakataon ay pinalitan ko ang pangalan ng project namin ni Max na siyang nasa library lang. Hay! Mabuti na rin 'to para naman maka-iwas na ako sa g**o. Nabitawan ko ang ballpen ko nang makitang pumasok sina Sir Molina at ang mga kaklase ko. Agad ko naman itong pinulot at lumayo sa mga projects naming nandito. "Nauna ka na pala rito, Simone," bati ni Riz. "Ah oo. Sorry, hindi agad kita nasabihan." "Ayos lang 'yun." Hinanap ko agad si Max. Nakatingin siya sa akin. Itinaas ko naman ng sabay ang dalawa kong kilay. Senyas na okay na ang plano. Pero sumama ang mukha niya, hindi niya yata nagustuhan ang ginawa kong pagsenyas. Nagsimula na si Sir Molina ng klase namin. Nagpagawa kasi siya sa amin ng miniature ng isang maliit na village. Kung sino ang may pinakamagandang gawa, may libreng dalawang ticket para sa concert ng The Silver Plane. Isa sa girls at isa sa boys ang mananalo. "For girls, si Cruz ang nanalo,"announce ni sir. Pumalakpak naman ang mga kaklase ko. May ilang nanghinayang dahil sa ticket. Kung sa bagay, The Silver Plane 'yun. Sikat na sikat 'yun dito sa buong lalawigan namin. "At para sa boys, itong miniature na 'to ang panalo," itinaas ni sir Molina ang gawa ko. Pero syempre, dahil pinalitan ko ang pangalan no'n, hindi ako ang mabibigyan ng award kundi si Max. "Congratulations kay..." kumunot ang noo ni sir pero umaliwalas din naman kaagad ito. "San Miguel." Tumingin ang lahat sa akin ng kaklase ko. Pumalakpak din sila. Pero alam kong nananatiling hindi maganda ang hitsura ko ngayon. Sigurado akong pinalitan ko ang pangalan ng project ko. Papaanong ako pa rin ang tinawag ni sir e samantalang pangalan na ni Max ang inilagay ko ro'n? "Come here, Simone," tawag ni sir. Lumapit ako sa kanya pero lihim akong tumingin kay Max, galit siya. Naku, lagot na naman ako sa kanya nito, e. "O," inabot sakin ni sir ang dalawang ticket. "Hindi ko alam kung bakit pangalan na 'yun ni Ibarra; basta ang alam ko kanina, sa iyo ang gawang 'yun," bulong ni sir. "And you deserve this prize." Ngumiti pa siya sa akin. Tiningnan ko ang tickets. Wala akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ito. Hay! Bahala na kay Max at sa barkada niya. "Ang swerte mo naman, Simone," bati sakin ni Riz. Nginitian ko lang siya. Kung alam lang niya, hindi swerte ito. Nakinig lang ako ng matahimik sa klase ni sir. Hindi ako umalis sa tabi ni Riz kasi alam kong isang liko ko lang malayo sa kahit na sinong kaibigan ko, paniguradong masasaktan ako dahil kina Max. Hay! Hindi ko na alam ang gagawin ko para lang huwag nang guluhin ng mga 'yun. Nang matapos ang klase ay no choice ako kundi ang lumayo kay Riz. Lunch time na at wala akong ibang magagawa kundi ang maiwan mag-isa, ang pagkakataon na hinihintay siguro nina Max para masaktan na naman ako. Pero nang lumingon ako sa likod ko ay walang grupo ni Max ang nakaabang sa akin. Mukhang hindi naman nila ako sasaktan ngayon. Nakahinga ako ng maluwag pero hindi ako nagpakampante. Kung hindi ngayon, baka mamaya nila ako aawayin. Ano nang gagawin ko? Kumain ako ng tanghalian. Nagdesisyon akong hintayin si Max sa hagdan paakyat patungo sa classroom namin para sana ibigay sa kanya ang isang ticket. Dalawa naman 'tong tickets na napanalunan ko, hindi naman siguro niya kailangan ng dalawa. Nang makita ang sapatos ni Max ay agad akong tumayo. Eksakto; walang tao sa hagdan kundi kaming dalawa lang. Inunahan ko na agad ang pagsimangot ng mukha niya. "Sa'yo na lang," inabot ko sa kanya ang isang ticket. "Hindi ko naman alam na alam pala ni sir 'yung hitsura ng gawa ko. Pero promise pinalitan ko 'yun ng pangalan." "Anong gagawin ko sa isang ticket?" masungit na tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot. Nasa akin ang isa pang ticket. E anong sasabihin ko? "Gagamitin mo sa concert," wala sa sarili kong sagot. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Siguro ito na 'yung pinakamatagal na magkatingin kami sa mata ng isa't isa habang magka-usap. "Kung pwede sana, sama tayo?" umiwas ako ng tingin kay Max dahil sa bigla kong sinabi. Saan ba galing 'yun? Syempre naman hindi papayag 'to si Max. Hay, Simone! Ano ba naman 'yang pinag-iiisip mo!? "Mangarap ka!" bulyaw niya sa harap ko. "Akin na 'yung isa pang ticket, kundi susuntukin kita rito." Napatungo na lang ako. Kinuha ko sa bulsa ko ang isa pang ticket. Hindi ko pa man inaabot sa kanya ay hinablot na agad niya ito sa kamay ko at tumakbo na paalis. Sinundan ko siya ng tingin habang umaakyat siya sa hagdan. Hay! Hindi na yata talaga magiging maayos ang trato sa akin ni Max. Makalipas ang dalawang araw ay gabi na ng concert ng The Silver Plane. Wala akong balak pumunta kasi wala naman akong ticket pero inutusan ako ni mama na maging isa mga ushers ng concert. Isa pala si mama sa mga organizers ng concert ng The Silver Plane dito sa bayan namin. Kulang daw ang ushers kaya ako na lang ang kinuha niya, wala pang bayad. Imbes tuloy na nanunuod ako ng TV ngayon, e heto, nandito ako sa maingay at maraming tao na concert na 'to. Mabuti siguro kung katulad ito ng concert na napapanuod ko sa TV, pero hindi, e. Parang show pala ito. Mabuti na lang at ang nalikom na pera sa ticket ay donation na ng banda sa Diyosesis namin. "Makikidala sa table ng principal ng school niyo, Simon," utos sakin ng head dito sa food. Kinuha ko ang tray ng pagkain. "Simone po, hindi Simon," bulong ko, pero dahil malakas ang ingay sa paligid, hindi niya ako narinig. Naku, kung nagkataon, mapapagalitan ako ni mama. Dinala ko ang tray papunta sa table kung nasaan ang lamesa ni ma'am Erickson. Inilatag ito. Mabuti na lang at hindi niya ako nakilala. Nakakahiya rin naman kasi baka sabihin niya na ang estudyante sa school niya ay nandito para mag-assist at hindi para manuod. "Simone, kumusta?"nakasalubong ko si sir Molina habang pabalik ako sa likod kung nasaan ang pwesto ko. "Sir, magandang gabi po." "Bakit naman ganyan ang ayos mo? Baka mapagkamalan kang usher?" tanong pa ni sir. Natigilan ako. Pero mabilis akong ngumiti at mabilis ding sinabi sa kanya, "ahh sir, sa katunayan po niyan, isa po ako sa kanila." "Ngek? E anong nangyari sa ticket na premyo mo?" Bakas sa mukha ni sir ang pagtataka. "Uhhm, binigay ko po sa iba," sagot ko. "E kanino mo naman binigay?" tanong pa ni sir. Ang dami naman niyang tanong. "Sir Molina! Good evening po!" sabay kaming napalingon ni sir sa bumati sa kanya. "Tina! Aba, mukhang pinayagan ka ng parents mo na lumabas, a," tugon sa kanya ni sir. Hindi na ako nakangiti pa sa ngiti sa 'kin ni Tina nang makita ko kung sino ang kasama niya. "Kayo pala ni Max ang magkasama," dugtong pa ni sir. "Opo, sir," pagkumpirma ni Tina. "Inilibre po niya ako ng ticket." Nakangiti lang si Max kay sir Molina. Hindi niya ako napapansin dito. Ayh mali; hindi niya ako gustong pansinin dito. 'yun pala. "O siya, mag-enjoy kayo, ha, bye!" pamamaalam ni sir sa kanila. Tama bang isipin na kaya gusto ni Max na manalo sa miniature project namin e dahil sa gusto niyang mapanalunan 'yung tickets para rito at para madala niya rito si Tina? Pero bakit? Tama bang isipin na ang sagot ay dahil sa gusto na rin ni Max si Tina? Hay! Tiningnan ko lang silang dalawa habang naglalakad papalayo. Hindi ko na napansin na nandito pa pala si Sir Molina. "Mukhang alam ko na kung kanino mo binigay ang tickets, a," tumingin ako kay sir. Hindi naman ako nakapagsalita. "Alam mo, Simone, pwede mo namang sabihin sa aming mga teachers mo kung may hindi magandang ginagawa sa'yo si Max. Kung binu-bully ka niya, tandaan mo 'yan," bilin ni sir. Siguro 'yun ang hinuha niya matapos makitang hindi ko na pangalan ang nasa project ko no'ng ini-submit ko 'yun. Syempre, kapag nagsumbong pa ako kay sir, lalaki pa ang g**o. "Sige po, sir, balik na po ako sa pwesto ko, baka hinahanap na po ako ro'n, e," iniwan ko na si sir Molina. Siguro mas tama na itong gawin kaysa makipag-usap pa sa kanya. Sa lagay ng tainga ko ngayon na may malalakas na speaker sa paligid, mahihirapan akong makinig sa kanya. Nang makabalik na sa pwesto ko sa gilid ay lihim kong hinanap kung nasaan sina Max at Tina. Gusto ko lang makita kung anong ginagawa nila. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sila. Sumasabay-sabay sila sa pag-awit ng banda. Parehas na nakangiti at halatang nag-eenjoy. Ano kayang feeling kung kami ni Max ang magkasama roon? Kung kami ang sabay na kumakanta? Hay! Niyapos ko ang tray na hawak ko. Enjoy na enjoy si Max. Paano kaya kung hindi ko binigay sa kanya ang ticket ko? Paano kaya kung ako ang nag-eenjoy ngayon? Siguro naman may karapatan ako kasi pinaghirapan ko namang gawin 'yung miniature project. Pero wala, e. Heto ako ngayon: libreng ngang nandito sa concert na 'to, pero para naman sa trabaho na walang sweldo. Itinigil ko na ang panunuod sa performance ng banda pati na rin sa lihim na pagmamasid kina Tina at Max. Nag-focus na lang ako sa kailangan kong gawin ngayong gabi. Hindi ako pwedeng magkamali, nakakahiya para kay mama. "Simone," lumingon ako sa tumawag sa akin. Abala naman masyado 'tong si Tina. "Bakit?" "Anong ginagawa mo? Bakit naglilinis ka d'yan?" Napatigil ako sa pagpupunas ko ng lamesa. Itinago ko pa ang pamunas na hawak ko sa likod ko. Naku naman, nakakahiya. Hindi na nga ako ang kasama ni Max ngayon, tapos nahuli pa ako nitong si Tina. "A, wala ito, Tina, bored lang ako," pagsisinungaling ko. "Ha? Ang weird mo naman," nakakunot-noong tugon niya. Dapat kasi, wala ka nang pakialam pa ro'n. Hays. "Sino nga palang kasama mo? Si sir Molina ba?" 'Yung kasama mo sana ngayon kaya lang, ayaw niya sa akin. "Hindi. Si mama ang kasama ko," hindi ko napigilan ang sarili ko na tingnan si Tina ng masinsinan. Ang ganda ganda niya. Hindi naman talaga nakakapagtaka kung bakit ang daming may gusto sa kanya... at isa na ro'n si Max. Dumating naman bigla si Max sa tabi niya. Wala akong ibang nagawa kundi ang tingnan sila. "Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ni Max sa kanya. "Tinatanong ko lang si Simone." Tiningnan ako ni Max ng masama. "Tara na," hinawakan ni Max ang kamay ni Tina at umalis na sila sa harap ko. Kahit nakatalikod ay alam na alam kong malapad ang ngiti ni Max. Enjoy na enjoy talaga siya sa bagay na hindi naman niya pinaghirapan. Hindi ko alam pero parang tumulo yata ang luha ko. "Simone!" Mabilis kong pinahid ang tubig na pumatak mula sa isa kong mata at mabilis ding tumugon sa tumawag sa akin. * E N D O F F L A S H B A C K * "Akala ko ba kailangang kailangan mo na 'yan?" kaharap ko si Dino ngayon, mabuti naman at dumating na siya, kanina ko pa kasi siya hinihintay, e. Magpapatulong daw sa report niya pero heto, mukhang hindi naman seryoso sa pag-aaral. "E may pupuntahan nga kami nina MJ," dahilan niya. "Sige, unahin mo 'yan," masungit kong turan sa kanya. "Simone naman kasi, dali na. I-chat mo na lang sa akin 'yung paliwanag ng topic ko." Pisti talaga! "E bakit pinapunta mo pa ako rito kung ipapa-chat mo lang din pala?" Naiinis kong tanong. "Alam mo bang namasahe pa ako tapos naghintay dito ng matagal?" Tumayo na ako mula sa bench na kinauupuan ko. Kahit kailan talaga 'tong lalaki na 'to, napaka-insensitive. "May pupuntahan nga kami nina MJ." "Alin ba ang mas mahalaga? Si MJ o ang pag-aaral mo?" "Ito naman, alam mo namang minsan lang uumuwi 'yun si MJ." Umupo ulit ako sa bench. "Ah so uunahin mo si MJ bago ang report na 'to?" "Simone naman; ngayon pa magseselos," tiningnan niya ako ng masama. Pero mas masama ang tingin na ibinalik ko sa kanya. "Alam mo, Dino, wala pa akong tulog na maayos. Tulog pa dapat ako ngayon, e. Pero nandito ako kasi sabi mo, 'yung report mo, kailangan mo bukas. Tapos sasabihin mo sa 'kin ngayon umuwi na ako, i-chat ko na lang sa'yo kasi may pupuntahan kayo ni MJ?" Magsasalita sana siya pero hindi ako tumigil. "Tapos iisipin mong nagseselos ako? Alam mo, bahala ka sa buhay mo." Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko. Umalis ako at diretso lang na naglakad palayo mula sa bench na kinauupuan ko kanina. Hindi ko nilingon si Dino kahit na dalawang beses pa niya akong tinawag. Akala niya yata. Nakakabwisit siya. Pisti! "O! Sandali? Bakit ang sama ng mukha mo?" Napatigil ako sa paglalakad nang salubungin ako ni Max. "Ayh! Masama na nga pala talaga 'yang mukha mo." Tumawa pa siya. Tiningnan ko siya ng masama. "Max, huwag ako, ha." Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Sinundan niya ako. "Sungit mo naman. Nakapaggayak ka na ba para sa trip to Batanes natin? Mabuti na lang talaga sulit ang pinaghirapan ko kagabi." "Tumigil ka, hindi ka naghirap." "Ang sungit mo talaga. Galit ka ba? Kanino? Alam mo, sumama ka na lang sa 'kin, aalisin ko 'yang inis mo." Hindi sana ako sasama kay Max pero wala akong ibang nagawa kundi ang tumingin sa kanya at hayaan siyang hilahin ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Kung ano man 'yang dahilan ng pagka-inis mo, kalimutan mo na. Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot. Nakakatakot pa naman 'yang hitsura mo," dire-diretso lang siya sa pagsasalita at paghila sa akin. Unti-unting nawala ang pagkakasimangot ko. Pero kumurap ako ng dalawang beses at muling pinagsalubong ang dalawang kilay. Hinigit ko pabalik ang kamay ko at tumigil sa paglalakad. "Alam mo, Max, hindi rin bagay sa'yo," tumigil din siya sa paglalakad. "Ang alin?" "Itong pagbabait mo sa 'kin. Naku, umamin ka nga, ano na namang masamang bagay ang gagawin mo sa 'kin?" Nag-crossed arms ako. "Wala," kinuha ni Max ang braso ko at hinila ulit ako. "Bakit naman ako may gagawing masama sa'yo?" "E 'yun lang naman ang ginagawa mo sa 'kin no'ng high school tayo, a." "Correction, Simone, no'ng first year lang. Hindi na kaya kita binu-bully masyado no'ng 2nd year na hanggang maka-graduate." Natatandaan pa niya 'yun? Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko halos akalain na naaalala pa rin pala 'yun ng isang Max na wala namang pakialam sa akin. "Ah? Max? Bitawan mo na ako," pinilit kong bawiin ang braso ko. "Nakakahiya. Pinagtitinginan tayo ng mga tao." "Arte naman nito," tuluyan niya akong binitawan. "Saan ba kasi tayo pupunta?" "Magsasaya." Do'n ko lang na-realize na nasa tabing dagat na pala kami kung saan naririto ang itinayong perya para sa fiesta. Ibig sabihin ba nitong si Max, dito kami sa perya magsasaya? "Alam ko namang hindi mo pa na-eexperience itong peryahan kasi sobrang strict ng nanay mo," panimula ni Max. May punto siya. "Hoy, nakakapunta naman ako rito no'ng college ako, ha." "Pero nakasakay ka na ba sa kahit na anong rides dito?" nang-iintriga ang hitsura niya. 'Yung tipo bang alam niyang tama ang sinasabi niya. Umiling na lang ako bilang sagot. Tiningnan ko ang mga rides na nandito. Kahit naman hindi pa ako nakakasakay sa kahit isa sa mga ito sa tanang buhay ko ay pamilyar naman ako sa kanila. Alam ko nakakatakot na sumakay pero para saan pa't dinala ako rito ng pagkakataon? Hindi ko naman siguro ikamamatay kung sasakay ako di'ba? Ngumiti ako ng malapad. Ewan ko ba kung bakit hindi ko man lang 'to sinubukan noon. Tiningnan ko si Max. "Saan mo gustong mau—," hindi ko pinatapos si Max sa sasabihin niya. Hinigit ko siya papunta sa Caterpillar ride. Pumila kami para makabili ng ticket. Pagkatapos no'n ay pumasok na kami at pumili ng bakanteng pwesto. Nakahanap naman kami. "Bakit naman ito ang gustong mong unahin?" tanong niya. "Ito 'yung pabilis nang pabilis, di'ba?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Oo," sagot niya. "Kung sa bagay, kung first time mo, ito nga ang maganda." Tiningnan ko ang mga taong sumasakay. Karamihan ay mga bata. Naaawa ako ng kaunti sa sarili ko. Biruin mo, isa sa mga batang nandito ang ma-eexperience ng first time ang Caterpillar na 'to sa murang edad. Samantalang ako, ngayon ko pa lang 'to mararanasan. Lumipat ang tingin ko sa papalubog na araw. Siguro magiging worth it naman ang pagpunta ko rito sa bayan. At bahala pa 'yang Dino 'yan! Nagsimulang patakbuhin ang makina. Umiikot kami nang umiikot at pabilis nang pabilis. Umaalog-alog ako at sumisiksik ako nang sumisiksik sa isang gilid, minsan ay kay Max, gano'n din siya sa akin. And I must admit, hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko ay bata ulit ako. Ramdam na ramdam ko ang malakas na hanging humahampas sa akin. Rinig na rinig ko ang malakas na pagkalampag ng mga bakal sa ilalim. Ang hirap bilangin kung ilang lapse na ba ang lumipas. Ang bilis-bilis ng pag-ikot. Hindi ko matitigan ang mga tao sa labas ng Caterpillar ride na ito. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nang bumabagal na ang takbo namin. Hay! Ang bilis namang matapos ng mabilis na kasiyahang ito. Hindi nagtagal ay tumigil na ang sinasakyan namin, pero kahit na gano'n, hindi ako tumigil sa pagngiti. Tumayo na si Max at naunang umalis. May sinabi siya pero hindi ko naintindihan. Umalis na kami sa Caterpillar. Naghanap ako ng kasunod naming sasakyan. Maraming choices pero... "Do'n tayo sa vikings!" Sabay naming turan. Hinila niya ako na para bang bata at sabik na sabik sa pupuntahan niya. In fairness, baliktad, ha. Ako dapat 'yung excited, e. Bakit parang siya? "Dito sa dulo ang pinakamagandang pwesto," sabi niya sakin nang maka-upo na kami. Marami-rami ring tao sa paligid. Mga kabataan ang nandito. Mga high school siguro. Mayroon din namang young adults na katulad namin. Siguro naman hindi ito ang first time nila. "Kinakabahan ako," bulalas ko. "Relax, ma-eenjoy mo 'to. Feeling mo mawawala 'yung tyan mo rito." Kumunot ang noo ko at ngumiti kay Max. Kung ano-ano ang sinasabi nito. Nagsimula nang paandarin ang vikings. Masaya at enjoying naman siya sa una. Pero habang tumatagal at pataas kami nang pataas, parang gusto ko nang bumaba. Hindi ko mapigilang hindi sumigaw. Tama nga si Max, nakakawala nga ito ng tyan. Nang matapos ang isang nakakalokang experience ay humagalpak ako sa tawa. Alam kong weird pero pwede huwag na lang akong pansinin ng mga tao sa paligid? "Ano? Anong nakakatawa?" tanong ni Max. Tumawa ulit ako. "Wala lang. Natatawa lang ako sa sarili ko. Ramdam na ramdam ko ang takot ko kanina." "Sus. Ang arte," siniko pa ako ni Max. "Mamaya na tayo mag-rides. Dito muna tayo," hinila ulit niya ako papunta sa isang stall. Ito 'yung kailangang barilin ang mga nakatayong laruan para makakuha ng premyo. Ganito 'yung mga napapanuod ko sa TV. "Game?" tanong ni Max. Syempre dahil wala naman ako sa TV, hindi ko na ine-expect na si Max ang babaril at ibibigay niya sa akin ang grand prize. Hello? Si Max 'to. Alam ko kulay ng budhi nito. "Game," tumaas pa ang isa kong kilay sa pagsagot sa kanya. Alam kong hinahamon niya ako ng challenge. Parehas kaming kumuha ng b***l. Dapat daw limang magkakasunod ang mapatumba para makuha ang grand prize nila. Easy! Easy kung marunong akong bumaril. E sa lagay nitong si Max na firing ang PE no'ng college, siguradong yakang-yaka niya 'to. If I know, magaling 'tong magpaputok. Natigilan ako sa naisip ko. Wala na akong nagawa kundi humagalpak sa tawa. Tiningnan ako ni Max pero hindi ko siya pinansin. Sinimulan kong barilin ang mga target ko. Syempre, sablay lahat. Kumuha ulit ako ng isa pang b***l. At grabe lang, ha. Twenty pesos ang halaga ng isang b***l pero limang putok lang ang kayang ilabas. Napatawa ulit ako. I hate my mind na talaga. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! May mga sablay din naman si Max. Pero ayaw yata nitong magpapatalo. Palibhasa nga, firing ang PE. Sige, Max, i-apply mo lahat ng natutunan mo. "Kuya, isa pa nga," nag-abot si Max ng bayad kapalit ng isang b***l. "Manuod ka, Simone, makukuha ko na 'to." Kumindat pa ang mokong. Umatras siya at nag-bend pa. Sa second level siguro ang target nito. Isang putok — napatumba niya ang isang bola. Isa pang putok — napatumba niya ang isang laruan. Isa pang putok — napatumba niya ang lata. Isa pang putok — napatumba niya ang laruang itlog. Isa pang putok — napatumba niya ang bote. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ko, pero mas mabilis na nagyabang ang Maximo na 'to. Hinipanan pa niya ang dulo ng b***l. Pumapalakpak naman ang mga bata sa paligid namin. "Ang feeling mo," saad ko sa kanya. Dinilaan niya ako, "bleeeee." Pinili ni Max ang pinakamalaking teddy bear sa grand prizes. Hinampas pa niya sa akin 'yun pero hindi naman malakas. "Aray ko, ha." "Dahil nanalo ako, ililibre mo ako ng pagkain." "Magaling ka pala." "Magaling talaga ako. Tingnan mo, galing kong magpaputok." Napatawa ako bigla. Loko-loko talaga 'to. Kung namumula lang ako, baka mapula na ako ngayon. Bumili kami ni Max ng hotdog at kung ano-ano pa sa mga food stalls na nandito. Umupo kami sa makapal na sementadong harang ng dagat. Tuluyan nang lumubog ang araw. "Ga'no ba ka-strict ang nanay mo at ngayon ka lang nakasakay sa mga rides na nand'yan?" Biglang tanong ni Max. "Naku, sobra." "Baka naman hindi ka no'n payagan sa Batanes, ha. May ticket na tayo." "Papayagan ako no'n sa ayaw at sa ayaw niya," sagot ko. "Sa ayaw at sa ayaw niya?" May pagdududa niyang kopya sa sinabi ko. "Pa'no kapag hindi?" "Tatakas ako," buong loob kong sagot. "Wow! Parang hindi ikaw 'yung Simone na kilala ko, a," hinawakan pa ni Max ang noo ko. Tinapik ko ang kamay niya. "At bakit?" "E hindi ka naman ganyan dati no'ng high school tayo." "People change." "Lalim, ha. Pero, Simone, may bigla akong na-realize. Sabi mo, di'ba, kapag hindi ka pinayagan, tatakas ka?" "Oo," kumagat ako sa hotdog na kinakain ko. "Grabe, ganyan mo pala ako kagustong makasama. Tatakasan mo ang nanay mo para sa akin." Sinamaan ko siya ng tingin. Tumatawa naman ang kumag. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko na lang ang mga tao sa paligid. Maraming tao. Marami silang ginagawa. May mga matatanda. May mga bata. May mga grupo ng mga kabataan. May mga mag-asawa, mga mag-anak. At hindi malabong mayroon din namang mag-jowa. Mayroon kaya sa kanila ang magkaligawan? 'Yung tipong umaasa ang isa at ang isa naman ay walang pakialam? Parang kami ni Dino? Napangiti na lang ako sa iniisip ko. Sa dami ng taong naririto ngayon, hindi ko alam kung sino sa kanila ang nasa posisyon ko rin. Pero kung sakaling mayroon nga, huwag sanan silang makulong sa mga sari-sarili nilang Dino. Dino? Teka... si Dino 'yun , a! Napatayo ako ng mabuti para sana makita ng maayos ang dalawang taong umaakyat sa isang upuan ng ferris wheel. "Bakit, Simone?"Hindi ko pinansin ang tanong ni Max. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Dino nga 'yun. At kasama niya si... si MJ. "Tara na, Max, uwi na tayo," tinapon ko sa basurahan ang natitirang fishball sa cup ko. Nang lumingon ako kay Max ay bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Di'ba hindi ka nag-aaksaya ng pagkain?" pagtataka niya. Gusto ko sana ngumiti dahil sa isa na namang pagbabago ko na ngayon lang napansin ni Max, pero wala akong gana. "Hayaan mo na 'yun," tugon ko. Tinalikuran ko siya. "Kasi hindi ba worthy?" sagot niya. Lumingon ulit ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Alam kong may laman ang sinabi niya. "Hayaan mo na 'yun." Inulit niya ang sinabi ko kanina. Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad. Naramdaman kong sumunod siya. "O," may inabot siya sa 'kin. "Tanggapin mo na, huwag ka nang maarte. Pinaghirapan mo rin naman 'yan... kunwari." Prizes are as precious as gifts to a child. Kahit sino sa atin, no'ng bata pa lang, sobrang excited sa tuwing nakakatanggap ng regalo. And we feel this same kind of excitement everytime we win a prize from a game. Iba talaga ang pakiramdam kapag nakukuha natin ang gusto natin sa paraang pinaghirapan natin. But what if nakuha mo nga ang prize ng hindi mo naman pinaghihirapan? Babalewalain mo na lang ba ang konsensya mo? In my case, babalewalain ko na lang ang konsensya ko because I know, somehow, I deserve this prize. Tinanggap ko ang inaabot niyang teddy bear. Kahit alam kong maalikabok ito, niyapos ko ito at hinayaan na dahan-dahang tumulo ang luha ko. À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD