Chapter 5

4999 Words
The ocean is one of the most exhilarating places in the world. Whatever we do, whatever we feel, ang dagat ang pinaka-dabest na puntahan to breathe, to scream, to relax, and even to move-on. For some reason, the sea has healing powers that we can never ever see to anyone nor to someone. At kung magiging hayop ako, I would choose to be a fish than to be a bird na nakakalipad just to see the whole world from a different perspective. I would choose to be a fish to discover and infiltrate the mystery the whole new world down the sea under has. Likewise, the sea is a very good metaphor of love — alam mong may katapusan pero hindi mo alam kung kailan. Napaatras ako matapos makita ang eroplanong sasakyan namin ni Max papuntang Batanes. Seryoso? Tutuloy na ba talaga ako? "Uy, tara na," nilingon ako ni Max. Tiningnan ko siya nang may pagdududa. Ngayon ko lang nare-realize ang mga pinaggagagawa ko sa buhay ko nitong mga nakaraang araw — nagperya ako tapos ngayon ay sasakay ako ng eroplano papuntang Batanes At sa parehong bagay na 'to ay kasama ko si Max? Totoo ba 'to? Hinawakan ko ang kaliwang tainga ko. Hay, Simone, huwag nang maarte. Ituloy mo na 'to. Humakbang ako ng may ngiti. To my new adventure, here I come! Katulad ng sinasabi ko palagi sa Grade 10: now or never. In my case, NOW! Nakapasok na kami sa eroplano. Ito ang unang beses na makakasakay ako ng eroplano. Nakakamangha. Syempre, natatakot din ako. Paano kung biglang mag-plane crash? Pinauna na akong umupo ni Max. Katabi ako ng bintana. Kung si Dino ang kasama ko ngayon, siguradong siya ang uupo rito. Hindi naman kasi 'yun gentleman. Ilang sandali pa, napuno ng tao ang eroplano. Matapos ay nagsalita na ang flight attendant at kung ano-anong reminders ang pinaalala niya. May demonstration din kung paano gagamitin ang kung ano-anong bagay na nandito sa upuan. Hindi ko na masyadong inintindi. Magdadasal na lang ako in case mag-plane crash nga. Nag-take off na ang plane. Kitang-kita ko sa bintana kung paano ito umangat sa lupa. Para siyang magic. Grabe! Nakaka-amaze. Pinahid ko ang luhang pumatak sa kanan kong mata. Para naman akong tanga, e. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko. Hindi ko halos akalain na makakasakay ako ng eroplano. Hindi ito kabilang sa anticipation ko after knowing that I'm going to Batanes. "Okay ka lang?" lumingon ako kay Max habang nakangiti na halos maluha-luha. Hindi ako nakasagot. "Bakit ka naiiyak?" Lumingon ulit ako sa bintana. Ang ganda ng view sa ibaba. Nagpatuloy ang luha ko. Nakaka-overwhelm talaga. "Excuse me, sir, is everything alright?" may lumapit na stewardess sa amin ni Max. Inabutan niya kami ng tissue. "Wala. Nag-iinarte lang 'tong kasama ko." Tinanggap niya ang tissue at inabot sa akin. Tumawa naman ako ng konti. "Wala po 'to." Siniko ko pa si Max habang tinatanggap ang inabot niyang tissue. Sobrang ganda talaga ng view sa baba. Parang gusto ko na lang lumipad na parang ibon. Tama nga sila, iba ang perspective mo sa mundo kapag nasa taas ka. "Mahigit isang oras din ang byahe. Gusto mong manuod ng movie?" Nagsu-swipe si Max sa monitor na nasa harapan ng upuan niya. "Hindi. Okay na ako." Mas gusto ko ang pinapanuod ko rito sa bintana. Susulitin ko na 'to. This is something that I don't see everyday. Sobrang relaxing. "Ganda 'no?" si Max. Tumingin ako sa kanya na nakadungaw din ngayon sa bintana. "Akala ko ba manunuod ka?" "Mukhang mas maganda kang panuorin, e," sagot niya. "Para kang bata." Dinedma ko siya. Bumalik ako sa pagtingin sa bintana. "Hay! Ang ganda talaga ng dagat." Kitang-kita ang kalawakan ng dagat sa ibaba. Tumawa si Max. Kunot-noong lumingon ako sa kanya. "Problema mo?" Pinagtatawanan na naman siguro ako nito. Bahala siya. Sabihin na niyang para akong bano, wala akong pakealam. E sa nagagandahan talaga ako. "Wala. Naalala ko lang no'ng nasa dagat tayo no'ng 1st Year High School," sagot ni Max habang inaayos ang earphones niya. Manunuod na siguro ito ng movie. "Natatandaan mo pa ba 'yun?" Tiningnan niya ako ng may matamis na ngiti. Nawala ang maasim kong mukha at unti-unting napangiti. Binalik ko ang sarili ko sa pagmamasid sa malawak na karagatan sa labas at napabulong, "sino bang makakalimot no'n?" * F L A S H B A C K * 03:30PM. Maaga pa. Wala naman sigurong masama kung sasama muna ako sa mga kaklase ko papuntang dagat. At isa pa, 04:30PM ang sinabi ko kay mama na tapos ng practice namin ngayong Sabado. Gusto ko rin kasing pumunta sa tabing dagat, e. "Sige, sama na ako," sagot ko sa alok nina Riz. Mabilis kong inisilid ang towel ko sa loob ng bag. Hindi na pala ako nakapagpalit ng damit. Hindi bale na, kapapalit ko lang naman kaninang tanghali. Naglakad na kami papuntang tabing-dagat. Magpapahinga lang daw muna kaming mga magkakaklase bago umuwi. May ilang umuwi na. Pagod na talaga dahil sa maghapong practice ng sayaw. Pinagmasdan ko kung sino-sino kaming magkakaklase ang pupunta ngayon sa tabing dagat. Nandito sina Tina at ang mga kaibigan niya. Nand'yan din 'yung mga boys na mahilig sa computer. Teka, nasaan sina Max? Hindi ba sila kasama? "Ha! Ha! Ha! Bakit ganyan 'yang tinapay mo? Ha! Ha! Ha!" Awtomatiko akong napalingon sa likuran ko. Doon ko nakita ang hinahanap ko. Magkakasamang naglalakad sina Max at ang kanyang mga kaibigan. May dala-dala silang tinapay at softdrinks. Papalapit na sila sa amin. Agad kong binalik ang ulo ko sa unahan. Gustuhin ko mang bilisan ang lakad pero hindi ko magawa. Nakikisabay lang ako sa lakad nina Riz. Dahan-dahan akong napangiti. Ewan ko ba. Sumilip ulit ako sa likod ko. Kunyari may hinahanap ako na nasa likod nina Max. Hindi ko alam kung nag-work ba ang acting ko pero hindi naman nila ako napansin. Hinarap ko na ulit ang sarili ko sa paglalakad sa unahan. Malapit na kami sa tabing dagat. "Akala yata ni Simone sinusundan siya ni Max," boses ni Leigh 'yun. Lumingon ako. "Ha? Hindi, a," diretsong sagot ko. Hindi nga man lang sumagi sa isip ko 'yun. Tinalikuran ko na sila. Bakit ko naman iisiping sinusundan ako ni Max? Dahil lang sa nasa likod namin sila? Hindi ko naman kasalanan na d'yan sila naglalakad, a. Ang lawak-lawak nitong kalye. Tiningnan ko kung nasaan si Tina. Alam ko namang kung may susundan si Max, si Tina 'yun. Ilang sandali pa ay narating na namin ang tabing dagat. Ilan sa amin ang umupo sa mataas na sementong naghaharang sa alon ng dagat. Ang ilan naman ay sa mga sinementong bato na hinugis square, at sa ganito rin ako umupo. Ramdam na ramdam ko ang malakas na hampas ng hangin. Parang napapawi nito ang lahat ng pagod ko. Pinagmasdan ko ang malawak na dagat. Malakas ang alon ngayon. Umaampiyas din ang alon kapag humahampas ito sa sementadong harang. Lumapit ako rito, tiningnan ko ang ibaba. Marumi ang tubig. Maraming basura. Marami ring malalaking bato. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at tiningnan na lang ang asul na bahagi ng dagat. Ang sarap sigurong maging sirena. Kasi kung sirena ka, hindi mo kailangang gumising ng maaga para pumasok sa school, hindi mo rin kailangang maghugas ng pinggan, hindi mo kailangang magtipid ng baon, at hindi mo na rin kailangang umiwas nang umiwas sa mga taong binu-bully ka kasi sobrang lawak at lalim ng dagat, pwede kang pumunta kahit saan. Higit sa lahat, kapag sirena ka, hindi ka mapapahiya. Pinagmasdan ko naman ang langit. Walang ulap ngayon kaya naman sobrang lawak ng langit. Ang ganda rin kahit blue lang 'yung nakikita ko. "Uy, tingnan niyo 'yung langit," nalipat ang tingin ko kay Max na nagsabi no'n. Nakatingala siya ngayon katulad ng ginagawa ko kanina. Ang ibig sabihin ba no'n, parehas naming pinagmamasdan ang langit kanina? "O? Anong mayro'n?" tanong naman ni Tupe. "Wala," tumawa si Max. "Budol." Tumawa naman ang ilan at ang iba ay nagreklamo. Wala akong ibang naging reaksyon kundi ang kaunting ngiti. Akala ko naman tinitingnan niya talaga 'yung langit. Akala ko parehas kaming nagagandahan dito. "Simone, aalis na ako," biglang tumayo si Riz. Hawak niya ang cellphone niya. "Ha? Bakit?" "Nag-text si mama. Nagpapasama sa palengke," sagot niya. "Ah gano'n ba?" Agad kong tiningnan ang paligid. Nandito pa naman sina Kath pero hindi ako sure kung makaka-usap or makakasama ko sila. "Sige, Riz, baka mapagalitan ka pa ng mama mo kapag pinigilan kita. Ingat." Nagpaalam na si Riz sa amin. Hindi pa ako umuwi. Di bale nang walang kasama or kausap ngayon. 'Yung dagat naman ang pinunta ko rito, e. Ilang sandali pa ay unti-unti nang umuuwi ang mga kaklase ko. 04:30PM pa ako uuwi kaya hindi muna ako umalis sa kinauupuan ko. Medyo tumalikod na rin ako sa grupo kasi hindi naman nila ako rito napapansin. Siguro maiisip nila na umuwi na rin ako. Wala rin namang naghahanap sa akin kaya okay lang. Naagaw ang atensyon ko nang biglang may sumigaw. Si Paloma pala, mukhang makikipagkulitan sa mga kaklase ko. Isang baliw si Paloma. Madaldal at kung ano-anong mga sinasabi. Nakaka-usap naman siya pero hindi diretso ang mga sagot niya. Maraming natutuwa sa kanya kasi makulit siya. At tulad ng sabi niya, siya raw si Paloma na sobrang ganda. Ang hindi maganda kay Paloma ay ang amoy niya. Syempre hindi naman siya nakakaligo araw-araw. Pati rin pala kapag nagalit siya. "Paloma? Babae ka ba o bakla?" Narinig kong tanong ni Vin sa kanya. "Babae ako, 'no," mataray na sagot ni Paloma. Nag-hairflip pa siya kahit wala naman siyang mahabang buhok. "Kung babae ka, bakit wala kang dede?" "Iniwan ko muna sa bahay, para hindi mo makita. Manyak ka kasi," sagot ni Paloma. Tumawa kami. Hindi ko alam kung saan ako natawa. Kung do'n ba sa iniwan sa bahay o sa pangbabarang ginawa niya kay Vin? Mabuti nga sa Vin na 'to. Nakahanap siya ng katapat niya. "Alam mo naman, sobrang ganda ko. Kaya kayo, ha," tinuro ni Paloma sina Tina at ang mga kaibigan niyang babae, "tumulad kayo sa akin nang magkaroon kayo ng maraming syota." "May syota ka ba ngayon, Paloma?" tanong ni Tina. "Oo, dalawa," seryosong sagot nito. Napatawa naman kami. "Two-timer ka pala, Paloma." "E anong magagawa ko? Gandang ganda sila sa akin kaya sinagot ko na lang parehas." "Wow naman." "Niloloko ka lang no'n, Paloma," biglang hirit ni Vin. "Peperahan ka lang no'n." Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi. Gano'n din kaya ang gagawin sa akin ni Max kung sakaling maging syota ko siya? Peperahan din kaya niya ako? Pa'no 'yun? E lagi naman akong walang pera. Mas malaki pa nga ang baon ni Max kaysa sa akin. Feeling ko nga ako ang may pinakamaliit na baon sa aming 1st Year. "Hindi!" Biglang lumakas ang boses ni Paloma. Naku, magagalit na yata siya. "Mahal ako no'n. Mahal na mahal!" Mabilis akong tumayo at naglakad papalayo. Hindi ko na sila naabisuhan kasi hindi naman 'yang mga 'yan makikinig sa akin, e. Nakalayo na ako sa kanila pero hindi pa ako umaalis dito sa tabing dagat. Nasa pwesto lang ako kung saan malayo sa kanila pero kita pa rin sila. Gusto ko rin kasing makita ang kasunod na mangyayari. At ayan na nga! Mabilis na nagsitayuan ang mga girls nang dumampot si Paloma ng malaking bato. Rinig na rinig ang paliritan nila. Tumakbo sila kasabay ng boys. Pero may naiwang isa. Nasa likod siya ni Paloma. Tumakbo si Paloma kasunod ng mga kaklase ko. Dala-dala pa rin niya ang malaking bato. At ang naiwang mag-isa sa likod niya ay nagtago lang sa mga sementadong bato. Pero kita pa rin naman siya, e. Lumingon si Paloma sa likod niya. Sa tingin ko nakita niya ang naiwang isa na 'to. Teka, si Max ba 'yun? Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang suot na damit ni Max kanina. Si Max nga 'yun! Tiningnan ko ang mga kaklase kong nagtakbuhan na. Medyo nakalayo na sila. Nakatuon ang pansin ngayon ni Paloma kay Max. Tumayo si Max at umatras nang umatras dahil papalapit na sa kanya si Paloma. Wala nang maatrasan si Max. Nasa harapan na niya ngayon si Paloma. Anong gagawin ko? Nakita ko si Max na umakyat sa sementadong harang ng dagat. Dumoble ang laki ng mga mata ko. "HUWAG!" Malakas kong sambit nang batuhin ni Paloma si Max. Nakaiwas naman siya pero nahulog siya sa dagat! Unti-unti akong humakbang pabalik sa pwesto namin kanina. May isinigaw si Paloma pero hindi ko naintindihan. Lumihis siya ng daan. Mukhang paalis na siya. Pinagmasdan ko ang paligid. Bakit walang ibang tao? Tiningnan ko rin ang direksyon kung saan tumakbo ang mga kaklase ko. Wala na akong makitang bakas nila. Nakalayo na siguro. Hindi ba nila babalikan si Max? At si Max? Nasaan na siya? Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tumakbo na ako papunta sa pwesto kung saan siya nahulog. Sumampa ako sa sementadong harang at sumilip sa dagat. Doon ko nakita si Max sa ibaba. "Max!" Hindi siya gumagalaw. Basang-basa rin siya. "Nand'yan pa si Paloma?" tanong niya nang hindi inaangat ang ulo. "Wala, umalis na," sagot ko. Tumayo si Max at nakita na niya ako. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat. "Simone? Anong ginagawa mo rito?" Mas nagulat ako sa kanya. First time niya yata akong tinawag sa pangalan ko. "Ahh, nakita ko kasi 'yung nangyari," umiwas ako sa tingin niya. "Okay ka lang?" Bumalik ang tingin ko kay Max nang ilahad niya ang kamay niya sa harap ko. "Hilahin mo ko." Ha? Ano raw? Totoo ba 'to? Napatulala ako. "Simone," tawag ulit niya sa akin. Nagising ako sa pagkagulat. Tinanggap ko ang basa niya kamay. Tumungtong siya sa isang malaking bato. Nang makatungtong ay isinampa naman niya ang isa niyang paa sa sementadong harang. Pinakiramdaman ko ang kamay niya. Kahit na basa ito ay dama kong malambot siya. Makinis. Hindi katulad ng kamay ko na puro kalyo at magaspang. Aaminin kong nawawala ako sa sarili ko ngayon. Nagugulat. Totoo ba talaga 'tong mga nangyayari ngayon? Una, tinawag ako ni Max sa pangalan ko. Pangalawa naman ay hawak ko ngayon ang kamay niya. "Hilahin mo ako, ha," wala sa sarili ko siyang hinila paakyat. "Aray!" Nasaktan siya. Nakita ko ang paghihirap niyang makaakyat. "Ang sabi ko hilahin mo ko pagkabilang ko ng tatlo." Umupo siya sa sementadong harang. Naghiwalay na rin ang kamay namin. Sinabi ba niya 'yun? Bakit wala akong narinig? "Sorry." Bumaba ako mula sa sementadong harang. "Sa'n na nagpunta si Paloma?" "Do'n," tinuro ko ang direksyon na pinuntahan ni Paloma. "Ahh. Sina Vin? Nasaan sila?" "Hindi ko alam. Do'n sila tumakbo," tinuro ko naman ang direksyon kung saan tumakbo papalayo ang mga kaibigan niya. "Tsk! Nabasa ang cellphone ko," hawak-hawak ni Max ang cellphone niya. Pinipindot-pindot din niya ang keypad nito pero hindi nabubuhay. "Basang-basa pa ako." "Ang baho mo rin," sambit ko. Naaamoy ko kasi siya. Medyo malapit siya sa akin, e. Medyo lang naman. Tumawa si Max ng kaunti. "Bwisit na baliw 'yan." "Huwag niyo kasi siyang gagalitin." "Kasalanan pa namin?" nagsungit bigla sa akin ni Max. Ang bilis naman magbago nito. "Hindi naman sa gano'n." "Pa'no ako uuwi niyan? Basang-basa ang damit ko," reklamo niya. "Baka hindi ako pasakayin sa tricycle." "Uhh..." Hindi ko alam kung tama ba 'tong isa-suggest ko pero bahala na. "May extra pa akong damit." "Tapos?" masungit niyang tanong. "Baka gusto mong magpalit. Kasi nga di'ba, baka hindi ka pasakayin sa tricycle kapag basa ka." Hindi ko siya tinitingnan ng diretso. Wala akong narinig na salita mula sa kanya. Tanging ang hagupit lang ng malakas na hangin ang naririnig ko pati na rin ang pagsampal ng alon sa mga bato at sa sementadong harang. "Sige, akin na," tuluyan niyang sagot. Bumaba siya mula sa pagkakaupo niya sa sementadong harang. Kinuha ko ang extra kong damit mula sa bag ko. Napansin ko naman na bigla niyang inalis ang suot niyang t-shirt. Napatigil ako. Ganito pala ang hitsura ng katawan ni Max. Pwede na rin. Pwede nang ano, Simone? Napangiti ako sa sarili ko pero bigla ko agad 'yung inalis nang makitang tumingin sa 'kin si Max. "O!" inabot ko sa kanya ang extra kong t-shirt. Kinuha naman agad niya 'yun at isinuot. Saktong-sakto lang sa kanya. "Ayos lang ba?" pinakita ni Max ang sarili niya sa akin. Ang pogi niya. Bakit gano'n? Kahit anong isuot niya, ang pogi pa rin niya. "Huy!" tinapik pa niya ang ulo ko. "Aray..." sambit ko. "Oo, ayos lang." "Uuwi na ako," at naglakad na si Max palayo. Pero iika-ika siyang maglakad. Siguro napasama ang bagsak niya sa tubig kanina, mabatuhan pa naman do'n sa pinaghulugan niya. Okay na siguro ang lalaking ito. Hindi naman siguro siya nabalian ng buto. Pero nasaan na kaya ang mga kaibigan niya? Hindi man lang siya binalikan nina Vin. Hindi ba nila napansin na hindi nila kasunod si Max? At teka? Hindi man lang ako hinatid ni Max sa bahay. Ayh! Malayo nga pala ang bahay namin. Pero kahit na! Sana hinatid man lang niya ako sa paradahan ng sakayan. Napa-iling na lang ako sa sarili ko nang biglang may maisip. Syempre hindi na sasagi sa isip ni Max na ihatid ako. Ni hindi nga niya naisip na pasalamatan ako sa pagtulong na ginawa ko sa kanya, e. Bigla akong napatingin sa orasan ko. Pasado 04:30PM na. Hala! Kailangan ko nang umuwi! * E N D O F F L A S H B A C K * "Welcome to Batanes!" masayang bati sa amin nitong babaeng mukhang manager ng hotel. May dalawang lalaki na nagsabit ng kwintas na bulaklak sa amin ni Max. Whoa! Para naman kaming senador kung i-welcome ng mga tao. May pa-tarpaulin pa sila – Welcome, Maximo and Simone! Nagpigil ako ng tawa nang ma-realize na buong pangalan ni Max ang nakasulat. Hindi ko agad ito napansin. Kinuha naman ng mukhang bellboy ang dala kong bagahe. Sila ba ang staff ng hotel na tutuluyan namin nitong si Max? Ano ba 'tong free trip for two na napanalunan nitong si Max? Libre rin ba ang hotel? Baka mamaya kailangan palang magbayad. Pisti! Wala akong dalang maraming pera, ha. At wala naman akong dadalahin pati. Sumakay kami sa van. Hindi ko na inintindi pa ang mga pinagsasabi no'ng kasama naming babae. Bahala siya sa buhay niya. Basta ako, pinagmamasdan ko lang ang paligid — maaliwalas, malinis, maliwanag, mabango, at napakaganda. Ilang sandali pa ay dumating na kami sa aming beach resort na tutuluyan. Mula sa main lobby ay naglakad na kami papunta sa may dalampasigan. Mataas ang sikat ng araw pero hindi gaanong mainit at hindi masakit sa balat ito. Iba rin ang kulay ng dagat dito, asul na asul, hindi lang sa gitna kundi pati sa pampang. Sa isang tingin din ay mukhang pino ang buhangin. Nasa paraiso nga talaga yata ako. "Here is where the two of you will stay," tumigil kami sa tapat ng isang treehouse. Totoo ba? Dito sa treehouse na 'to kami ni Max tutuloy? Ang ganda rin niya! Akala ko basta treehouse lang, pero hindi, iba 'to. "Here's the key," inabot ng babae ang susi kay Max. "And if you have any problem, just dial number 9 on the telephone in your room. Thank you!" "Thank you," masaya kong tugon sa kanya. "Ngayon mo lang kinausap si Sabrina, a," saad ni Max habang umaakyat kami sa treeshouse. "Sabrina ba pangalan niya?" "Oo." "Ahh. Busy kasi ako kanina," walang kakwenta-kwenta kong sagot. Binuksan na ni Max ang pintuan ng treehouse namin. Sa sobrang excited ko, nauna na akong pumasok kaysa sa kanya. Sobra akong na-amaze nang makitang halos lahat ng gamit sa treehouse ay yari sa kahoy. "Seryoso? Kahoy?" hawak-hawak ko ang baso habang pinapakita kay Max. Gawa kasi talaga siya sa kahoy. Pumunta ako sa CR na nandito rin kasi baka pati kubeta ay gawa rin sa kahoy. Buti na lang hindi. "In fairness, Max, ha, ang ganda ng venue," puna ko. "Syempre, nasa Batanes ka, e," sagot niya. "Walang panget dito." Humiga siya sa kama. Umupo naman ako sa kamang opposite sa kama niya. Dito siguro ako matutulog. Medyo malawak naman 'yung space nitong treehouse. Malawak para sa dalawang tao. Wala na ring divider, diretso kusina na agad kasi may kitchen sink at ilang kitchen utensils and equipment. May TV rin naman malapit sa pintuan. Tapos parang ang middle ay itong pwesto ng dalawang kama. Teka? Napatayo ako. "Oh my gosh..." "Bakit, Simone?" tiningnan ako ni Max ng nakangiti. Tiningnan kong mabuti ang buong treehouse namin. Confirmed! Wala ngang divider kahit kurtina. Pisti! "Dito tayong dalawa?" napataas ang boses ko. "Oo," sagot niya. "Bakit?" kita kong may namumuong tawa sa hitsura niya. "Max? You mean to say, d'yan ka sa kama na 'yan, at ako rito," lumapit ako sa kama ko, "at wala man lang harang sa pagitan natin?" "Wala. Bakit kailangan pa ng harang?" "Uhh, hello? Privacy?" maarte kong sagot. Gagatukan ko talaga 'tong lalaki na 'to, e. "Ano ka ba, Simone? Mabuti nga pumayag sila na magkaroon dito ng two beds. One bed lang kaya dapat 'to. Kaya nga exclusive for honeymooners lang ang mga treehouse dito, di'ba?" Nanlaki ang mga mata ko. "ANO!?" "Hindi mo ba narinig kanina habang nasa van tayo? Akala ko nakikinig ka? Todo insist ka pa nga na sa treehouse tayo tumuloy, e. Akala tuloy nila mag-asawa na tayo." "Hoy, ang kapal mo," saway ko sa kanya. Kasalanan ko rin naman pala. Sana pala nakinig ako ng buong puso kanina habang nasa byahe. Ako tuloy ngayon ang napeperwisyo. "Hayaan mo na. Fully booked din naman daw 'yung mga small villas nila, kahit 'yung mga hotel rooms. May magbe-beach wedding daw kasi bukas." Inaayos na ni Max ang mga gamit niya. "Kaya dito pa rin tayo makakatuloy. Kung maka-exclusive naman sila for honeymooners; pwedeng pwede namang mag-s*x kahit saan. Di'ba?" tumingin pa sa akin ni Max nang sabihin niya ang di'ba. Ewan ko pero hindi ko gusto ang tingin niyang 'to. Napahawak tuloy ako sa tainga ko. Pisti! "Ahh, basta hindi pa tayo mag-asawa. Tumigil ka. Hindi pa approved ang same s*x marriage dito sa Pilipinas," tumalikod ako sa kanya. "Anong sabi mo? Hindi PA tayo mag-asawa?" Napapikit ako. Watch your words kasi, Simone. Narinig ko ang tawa ni Max. "D'yan ka na, punta akong dagat," mabilis akong tumayo at umalis ng treehouse namin. Bwisit na, Max, 'yan. Ano ba 'yan? Si Max ba 'yun? Baka naalog ang utak no'n habang nag-landing 'yung eroplano kanina. Pisti! Dumiretso agad ako sa pampang ng dagat at naglakad-lakad. Kumuha ako ng maraming litrato. Syempre, nag-update na rin ako sa IG story ko. Ang tagal na panahon ko na rin palang hindi nakapaglayas ng ganito. Mabuti na lang talaga naisipan ni Max na ako ang guluhin sa free trip niya. Biglang lumapad ang ngiti ko nang maalala ang pinag-usapan namin sa treehouse kanina. "Parang sira." Tumawa na rin ako. Natigilan ako nang may tumawag sa phone ko. Sino kaya 'to? Number lang. Sasagutin ko ba? Baka importante. Baka magulang ng estudyante ko. Ano ba naman 'yan? Wala man lang consideration. Sembreak namin ngayon, o. Sana off din sa mga ganitong trabaho. Hays! Pero may choice ba ako? Sinagot ko ang tawag. "Hello po. Magandang hapon po." "Hello? Simone?" pamilyar ang boses niya. "Opo, ako nga po. Sino po sila?" "Please, huwag mo munang ibababa. Gumamit ako ng ibang number kasi alam ko namang hindi mo sasagutin ang tawag ko kapag number ko ang ginamit ko. Please, Simone..." Parang may idea na ako kung sino 'to. Napabuntong hininga ako. Papakinggan ko ba ang explanation niya? "Sorry na. Replayan mo naman ako, o. Alam ko namang mali ako ro'n sa ginawa ko. Sorry." Narinig ko na naman ang speech niya. Tumingala ako sa langit habang patuloy lang siya sa pag-eexplain ng side niya. "Alam mo namang bihira lang kaming magkita ni MJ. Alam kong dapat inuna ko 'yung pag-aaral ko. Sorry, kasi napagselos na naman kita." Unti-unting kumukunot ang noo. Kumukulo ang dugo ko. "Sorry na, Simone. Sana mapatawad mo ako. Kailangan pa kita." Natawa ako sa huling sinabi niya. Tumulo rin bigla ang luha ko pero mabilis ko 'tong pinahid. Tinitigan ko ang mga paa ko. "Dino? Bakit ka ba nagso-sorry sa akin ngayon?" Matagal bago siya nakasagot. Sa katahimikan na binigay niya sa akin, wala na, alam kong dapat ko nang i-game over ito. "Kasi di'ba, 'yung pangako natin – walang iwanan. Ayokong mawala ka sa akin." "Wrong answer. Dino, bakit hindi mo pa ako diretsuhin? Bakit hindi mo pa sa akin sabihin na kaya ka nagso-sorry ngayon kasi kailangan mo ako sa pag-aaral mo?" "Tsk! Simone naman, babalik na naman ba tayo sa issue na 'yan?" na-iimagine ko ang naiinis na mukha niya ngayon. "Dino, hindi tayo bumabalik sa issue na 'yun, kasi hindi naman 'yun na-resolve. Bakit? Sa tuwing magkikita ba tayo, di'ba dahil lang sa may ipapagawa ka sa akin? Di'ba dahil lang sa pag-aaral mo? Kailan ba tayo nagkita para tumambay lang? Para lang pumunta sa isang lugar? Di'ba, hindi naman natin ginawa 'yun?" "Simone..." "At isa pa, ilang beses mo na ba akong pinapunta sa bayan para lang sa wala? Ilang beses mo na ba akong pinaghihintay sa'yo sa tuwing sinasabi mo na magkikita tayo? Tapos hindi ka dadating. Okay lang sana kung importante 'yung dahilan ng hindi mo pagsipot pero hindi, sa mga inuman ka lang pumupunta; sa mga ka-inuman mo lang." "Bakit nanunumbat ka na?" "Hindi ako nanunumbat, Dino. Sinasabi ko sa'yo 'yung paulit-ulit mong ginagawa. Tapos sasabihin mo sa 'kin na mahalaga ang pag-aaral mo, na importante ako sa'yo. Bakit kabaliktaran no'n ang ginagawa mo?" "Simone, pwede bang mamaya na natin 'yan pag-usapan?" Sinipa ko ang maliit na bato na malapit sa paa ko. "Ayan. Mamaya na lang kasi nagka-cramming ka na ngayon. Kasi kailangan mo ako ngayon." "Simone naman..." "Sabihin mo nga sa akin, Dino, mahalaga ba talaga ako sa'yo? O kaya mo lang ginagawa 'to dahil convenient ako? Alam mo ba 'yung mga messages mo sa 'kin? 'yung mga pinagtete-text mo habang hindi ako nagre-reply sa'yo? Ang sabi mo kailangan mo ako sa pag-aaral mo. 'yung mga plano mo sa buhay na sinasabi mo sa akin? Sabi mo kasama ako ro'n, pero nasaan ako? Dino, hindi ko makita ang sarili ko sa future mo." "Kasama ka ro'n, Simone. Please, patawarin mo na ako..." Tiningnan ko ang araw. "Dino, alam mo bang may mga pinagdadaanan din ako? Pero sa lahat ng mga chat mo sa akin, pati kapag nagkikita tayo, ni minsan ba tinanong mo ako kung kumusta na ako?" "Oo. Kinukumusta kita." "Kinukumusta mo ako kapag may ipapagawa ka sa akin. Pero 'yung kumustahin ako dahil sa gusto mo lang? Dino, kailan man hindi nangyari 'yun." "Pinaghahanapan mo ba ako?" "Kasi lagi mong sinasabi sa akin na importante ako sa'yo, na ayaw mong mawala ako sa'yo. Pero hindi ko naman makita 'yung mga sinasabi mo." "Sorry na." "Huwag kang mag-sorry, magbago ka." Tiningnan ko ang dagat – alam mong may katapusan pero hindi mo alam kung kailan. "Kaninong number 'tong gamit mo?" "Kay MJ." "Ahh... Kay MJ. So magkasama kayo ngayon?" "Oo." "Di'ba birthday ng nanay niya ngayon?" "Oo." "See? Di'ba? Inuna mo pang pumunta d'yan sa kanila kaysa ayusin 'yung mga reports at assignments mo." "Simone, hindi..." Pinutol ko ang sasabihin niya. "Dino, tama na. Ubos na ubos na ako. Pagod na pagod na pagod na ako. Itigil na natin 'to." May sinasabi pa si Dino pero inilayo ko na sa tainga ko ang phone. Pinatay ko na ang tawag. Pagkatapos no'n ay huminga ako ng pagkalalim-lalim. Tiningnan ko ang dagat sa harapan ko. Napa-upo na lang ako sa buhanginan. Sana tama 'yung ginawa ko. "Intense 'yun, a." Napatingala ako kay Max na nakatayo ngayon sa tabi ko. Narinig kaya niya 'yung conversation namin? "Sa trabaho?" "Ahh, oo..." pagsisinungaling ko. "Parent. Nagrereklamo." "Ano ba 'yan!? Sembreak niyo at nasa bakasyon ka. Awat muna sa trabaho," umupo si Max sa tabi ko. "Kaya nga, e. Nakakabwisit," pagpapanggap ko. "Alam mo, ibaba mo muna 'yang cellphone at bag mo." "Bakit?" "Basta." Ginawa ko ang sinabi ni Max. Pagkababa na pagkababa ko ng mga gamit ko ay hinila niya ako papunta sa dagat. Nagpigil ako pero binuhat niya ako patakbo sa tubig. Naramdaman ko ang pagkabasa ng likod ko. Tumubog siya habang labit-labit pa rin ako. Ang ending, heto, basa kami pareho. "Ano ka ba, Max!?" Naiirita kong saway sa kanya nang i-angat ko ang sarili ko sa tubig. "Sus, ang arte naman neto," tinalsikan niya ako ng tubig. "Masyado ka nang pagod, mag-relax ka naman." Natigilan ako sa sinabi niya. Narinig nga kaya niya ako kanina? "Alam mo, mag-race na lang tayo. Kung sinong mahuli ro'n sa bangka, manlilibre." Tinaasan ko ng kilay si Max. "Sigurado ka, ha?" "Oo." At nagpa-unahan kami sa paglalangoy papunta roon sa bangka. Mali ng kinalaban itong si Max. Trained kaya ako ng husto sa languyang dagat. The ocean is one of the most exhilarating places in the world. Whatever we do, whatever we feel, ang dagat ang pinaka-dabest na puntahan to breathe, to scream, to relax, and even to move-on. Umangat ako. Tiningnan ko kung nasaan si Max. Malapit na siya sa bangka pero nauna ako. "Yes!" Tumawa ako ng malakas na malakas. And for some reason, biglang gumaan ang pakiramdam ko. The sea has healing powers that we can never ever see to anyone nor to someone. "Pa'no ba 'yan? Ililibre mo ko." Kung magiging hayop ako, I would always choose to be a fish than to be a bird. Oo, masaya kapag nasa itaas ka, pero mas maganda kapag nasa tubig. "Sabi ko na nga ba, isa ka talagang siokoy na duling," tumawa kami parehas ni Max. "Naaalala mo pa 'yun?" The sea is a very good metaphor of love — alam mong may katapusan pero hindi mo alam kung kailan. In my case, may katapusan. "Oo naman." Ayh hindi. Mali. The sea is a very good metaphor of our memories — alam mong may katapusan pero hindi mo alam kung kailan. À SUIVRE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD