Gulat na gulat ako ng tatlong sunod-sunod na katok mula sa glass door ang narinig ko at nakita ko labas si Alvin na kumakaway. Napatingin ako sa orasan, alas singko na pala napakabilis ng oras. Kanina lang ay gusto ko na mag walk-out at umuwi na lang dahil sa bagong Boss ko. Binuksan ni Alvin ang pinto ng di nawawala ang ngiti sa labi. Minsan iniisip ko napakasaya siguro ng childhood niya at nagagawa niya ang maging likas na masayahin at palangiti.
“Hi, di ka pa ba uuwi? Alas singko na” sabay turo sa wall clock “over time ka na agad? First day mo pa lang sa new position mo, OT agad?” Di ko mapigilan na di mahawa sa ngiti n’ya, kung di lang siguro mas bata ito sa akin baka nahulog na ako sa mga pinapakita n’ya. “Inaayos ko lang ‘yung files ko, pauwi na din ako” sagot ko na kahit di nakatingin sa kanya ay nakangiti pa rin ako . “Hatid na kita pauwi? May dala akong extrang helmet pwede kita iangkas sa motor ko para di ka na mahirapan magcommute.”habang nagsasalita ay hawak-hawak na n’ya ang ballpen ko na at pinaglalaruan.
“Gia, I still need you here. I need your help in some files” gulat kami ng magsalita ang aming CEO na ngayon ay nakasandal sa may pinto. Kanina pa kaya s’ya doon? Salabong na naman ang mga kilay n’ya. “Good afternoon sir” bati ni Alvin “Gia una na ko sa iyo mamaya ka pa yata uuwi. Pero kung gusto mo hintayin kita or balik ako dito pag out ka na” pabulong na pagkakasabi ni Alvin parang ayaw na marinig ng isang kasama namin ang sinasabi n’ya. “uwi ka na, ingat sa pagdrive” kinumpas-kumpas ko ang mga kamay na parang pinapalayo na s’ya habang nakatingin pa rin sa computer.
Pag-angat ko ng tingin ay nakalabas na si Alvin. “I still here Miss Gia, just to remind you in case you forgot because of your lover” madiin ang pagkakasabi n’ya.
“No sir, he’s not my lover. Malapit lang talaga si Alvin sa amin matagal kase kami nagkasama sa isang department” pinilit ko ngumiti habang sinasabi ‘yun at ramdam ko na pansin n’ya ‘yung matabang na ngiti ko. Di na ulit s’ya nagsalita,pero kitang kita ko na lalo lang nagsalubong ang mga kilay n’ya sa mga sinabi ko.
“Come here” pumasok s’ya sa room n’ya kinuha ang mga folders na nakapatong sa mesa habang ako ay nasa likod nya. Pinanatili ko ang isang dipa na layo namin sa isa’t isa. Hawak n’ya ang mga folders naglakad papalapit sa akin “follow up the status of these proposals” pero imbis na abutin ko ang hawak n’yang folder ay mas napatingin ako sa mukha n’ya. Napakalapit namin sa isa’t isa na kulang na lang ay isipin ko na kasali kami sa isang parlor game at paper dance ang kasalukuyan na palaro. Matangkad s’ya kumpara sa akin, kung walang heels ang suot kong sapatos baka hanggang balikat n’ya lang ako. “Stop staring at me Miss Gia, I might misinterpret your stares.” Bigla akong napahiya sa sinabi n’ya, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. “bibigay ko na lang po sa iyo sa monday ‘yung updates para dito” sabay abot ko sa mga folders.
Palabas na ko ng pinto ng bigla ulit s’ya nagsalita “that guy na maghahatid sana sa’yo, are you sure he’s not your lover? I mean nililigawan ka ba n’ya?” Sa lahat ng tanong bakit ganyang tanong pa ang napili n’ya?
“No sir, Me and Alvin are good friends and we are aware po na bawal ang lovers sa company” nangiti ako kahit na di ako komportable sa tanong n’ya.
“Well, that’s true but there are always some exceptions” nakatuon ang tingin n’ya sa akin habang nakahalukipkip ang mga braso. Kinilabutan ako parang may kung ano sa mga sinabi n’ya.
8 p.m. na ko nakapag-out sa office dahil sa dami ng bilin at napakadami n’yang pinapagawa. Iniisip ko na lang na gusto n’ya maging updated sa mga nangyayari at nangyari na sa company. Naglakad na lang ako pauwi dahil walking distance lang naman ang opisina at tinutuluyan ko. Isa pa kailangan ko dumaan sa isang fastfood chain para makapagtake-out ng dinner. Kapag ganitong oras ako umuuwi automatic na isang menu mula sa fastfood chain ang magiging dinner ko.
Dalawang kanto na ang nalalakad ko ng mapansin ko ang isang kotse na parang nakasunod sa akin. Lumingon ako sa paligid walang masyadong tao pero bigla akong kinabahan ng mapansin ko na walang ilaw ang isang poste na daanan ko. Lumingon ulit ako sa likuran andoon pa rin ‘yung sasakyan na kanina ko pa nakita mula paglabas ko fastfood chain. Binilisan ko ang lakad ko, salamat na lang na lagi akong may dalang flat shoes na gamit pang-uwi, iniiwan ko kase sa office ‘yung high heels ko. Nararamdaman ko na ang pawis ko na dala ng halong kaba at pagod. Di ko akalain na makakahakbang ako ng malalaki, di tulad dati na ako ang laging nahuhuli sa paglalakad pag kasama ko ang mga barkada ko ‘nung college. Mali yata ang desisyon ko na dito dumaan, sa kagustuhan ko umiwas sa mga tambay dito ako napadpad sa di nga matao kulang naman sa liwanag na daan.
Mas lalo akong kinabahan, paano kung kidnapper ‘yung nakasakay sa sasakyan na parang kanina pa sumusunod sa akin? Madami pa naman nababalita ngayon na nawawala. Halos patakbo na ko sa paglalakad, nakahinga lang ako ng malalim ng maabot-tanaw ko na ang nirerentahan kong apartment pero ‘yung sasakyan nasa likod ko pa rin. Nang makarating ako sa pintuan ng apartment isang lingon pa ulit ang ginawa ko, pero wala na ang sasakyan. Natanaw ko na malayo na ito mula sa apartment ko. Unang beses na nangyari sa akin ito at di ko malilimutan. Sana andito si Dane, namimiss ko na ang mga kwentuhan namin. Ramdam na ramdam ko ang lungkot ngayon sa bahay, Dane nasaan ka na, sana okay ka lang talaga.
Nagpalit lang ako ng damit pambahay bago kumain. Binuksan ko ang TV para malibang at malagyan kahit na konting ingay ang paligid. Nakakawalang gana kumain, paboritong menu ko pa naman ang inorder ko kanina pero ganito pala ang pakiramdam, nakakalungkot. Nasanay ako na kasama at kasalo si Dane tuwing kumakain. Tuwing ganitong Friday night at walang pasok kinabukasan ay nanunuod kami ng movies hanggang madaling araw o hangga’t kaya ng aming mga mata.
Dahil wala akong magustuhan na mapapanuod sa TV umakyat na lang ako ng kwarto, kinuha ko ang aking laptop. Papanuorin ko ang paboritong movie, Miracle in Cell No. 7, ang walang kupas sa pagpapaiyak na pelikula. Hawak-hawak ang nakahandang tissue, I played my favorite movie.