KINABUKASAN.
Alas syete pa lang ng umaga ay nasa opisina na ako, mas maaga ng isang oras kaysa sa oras ng trabaho, Of course, kailangan ko talaga agahan. Ayoko ko naman na pangit ang maging first impression ng bago kong Boss at hindi rin kase ako nakatulog ng maayos kagabi, para bang may maling mangyayari ngayong araw na ito. Pagdating ko sa aking pwesto, kinuha ko agad ang salamin na nakapatong sa table ko. Gusto ko magmukang presentable kase nga di ba sabi nila first impression last, at di ko pa alam kung anong ugali mayroon ang bagong CEO. He personally choose you, sinabi ng manager kahapon but why? Bakit ako? Kilala ba n’ya ako?
Lumipas ang isang oras, tatlong ring ng telepono ang nagpagulat sa akin. “Hello, Good morning……” naputol ang dapat sasabihin ko ng bigla nagsalita ang nasa kabilang linya.
“Good morning too Miss Gia. How are you? I need to talk to you, today is the start of your new job.” That’s the manager speaking happily.
Humarap muli ako sa salamin at pinasadahan ng tingin ang sarili tsaka lumabas ng pinto para pumunta sa HR Department. Nasa labas pa lang ako ng room ay rinig ko na ang kwentuhan at tawanan. I knocked as sign of respect and to let them know I’m already here.
“Come inside” di ko man kita ang nagsalita alam ko na ‘yun ang manager. Pinihit ko ang doorknob at tuluyan pumasok sa silid. Sabay ng pagpasok ko ay ang paglingon n’ya, isang matamis na ngiti ang binigay n’ya sa akin. Pero may umagaw ng atensyon ko, isang lalaki ang nakaupo patalikod sa pintuan. He’s wearing blue long sleeve folded up to his elbow. Halatang matangkad at may magandang pangangatawan kahit di ko pa s’ya nakikita ng harapan.
“Miss Gia, Please have a sit.” Sumunod naman ako at umupo sa bakanteng upuan kaharap ng lalaking bisita habang tuloy pa rin ang pagsasalita ng manager “I want you to meet your new Boss, our new and young CEO Engr. Dexter Monteagudo” nakangiti pa rin s’ya habang ako ay di malaman kung anong klaseng pakiramdaman ang meron sa oras na ito.
Engr. Dexter Monteagudo, Oh my! Paulit ulit umecho sa tainga ko. Humarap sa akin ang lalaki, gumisi ng mapang-asar sabay inilahad ang kamay para makipag-hand shake.
Inabot ko ang kamay n’ya, dahan-dahan dahil may parte sa akin na ayaw tanggapin ang pakikipagkamay n’ya. Totoo ba ‘tong nangyayari? Pinagpapawisan ako ng malamig pero ramdam ko ang init temperature sa aking katawan.
“Miss Gia are you ok?” nabaling ang tingin ko sa manager “I think she’s nervous.” Sagot ng lalaki sa harapan ko. Alam ko kilala s’ya sa larangan ng business pero di ko akalain na pwede pala mangyari ito.
“Yes manager I’m ok” ngumiti ulit s’ya sa akin. “Ok, please lead our CEO to his work room. Don’t worry ‘di yan nangangagat.” Pagbibiro pa nito na para bang close sila ng lalaki.
”Sir please follow me.” Tumayo ako at hinintay ang pagtayo ng Boss ko. Isang ngiti pa ulit ang binigay n’ya sa manager bago kami tuluyan umalis.
Tahimik lang ako naglalakad, hinahayaan ko s’ya sumunod lang sa pupuntahan ko. “ Miss Gia, is that your way treating a CEO?” nagulat ako sa sinabi n’ya. Ano ba gusto n’ya gawin ko? Siguro kung wala kaming issue about kay Dane baka di ako alangan sa kanya.
“What do you mean sir?” di ko pa rin s’ya nililingon. “We’re here.” Di ko na hinintay ang sagot n’ya binuksan ko ang pinto, gumilid ako para paunahin s’ya sa loob.
“lady's first” sagot n’ya sa naging kilos ko. Wow! , this man is a good actor, acting gentleman samantalang three weeks ago ay parang dragon na gusto akong lapain. Ngayon pa lang ay gusto ko na umatras, magquit, magresign pero di pwede kailangan ko pa ng trabaho. Hindi biro ang offer nilang salary sa akin para sa trabahong ito at alam ko deserved ko ang ganun sweldo. It’s really good enough para makaipon at makabayad sa lupang naisanla namin sa probinsya. Hinatid ko s’ya hanggang sa kwarto n’ya. “if you need anything sir nasa labas lang po ako” paalis na ko pero bigla s’ya nagsalita.
“Any news about Dane?” Umiling lang ako bilang sagot. “So, Hi there my temporary bride” narinig ko na naman ang mga salitang ‘yun. Pero iba ngayon hindi matalim na tingin ang nakikita ko sa kanya. Nakangiti s’ya na parang aliw na aliw. Pinaglalaruan n’ya ba ako?