Chapter 1

685 Words
                                 Sunod-sunod na alarm ang umistorbo sa mahimbing kong tulog. Kahit nakapikit ay pinilit kong maabot ang cellphone na nakapatong sa mesa katabi ng aking kama. Tinatamad pa ko bumangon kaya pinahinto ko na lang muna ang pag-aalarm nito, di na naman akong nag-aalala dahil naka-set ito na mag-alarm every fifteen minutes simula alas singko ng umaga hanggang di ko pa na-off. Tuwing Lunes ay ganito lagi ang pakiramdam ko, para bang ayaw akong pakawalan ng malambot ko na higaan.                Nang makabangon ay una akong pumunta sa banyo para tuluyan gisingin ang sarili. Naghilamos at toothbrush, pagkatapos ay tumungo sa kusina para maghanda ng almusal. Naalala ko na wala pa rin pala si Dane, lampas dalawang buwan na simula ng umalis s’ya at wala pa rin paramdam. Napahinga ako ng malalim, di ko alam kung nasaan na talaga s’ya. Bumalik din sa ala-ala ko ang mga sinabi ni Dexter Monteagudo. You will be my temporary bride. Ano bang ibig n’ya sabihin? Oo gwapo s’ya, mayaman, matangkad, macho pero may kagaspangan ang ugali. Kung totoong fiancé n’ya ang kaibigan ko maiitindihan ko si Dane kung sasabihin na ayaw n’ya makasal sa lalaking ‘yon. Pero paano nangyari na ang isang simpleng si Dane ay magiging kasintahan ng isang kilalang bachelor.                 Kahit nandito na sa opisina ay sila pa rin ang naiisip ko.“Good morning ma’am.” Nakangiting bati sa’kin ng guard. Tumango lang akong at ngumiti bilang ganti sa bati.                  Tatlong slice ng banana cake na nakalagay sa transparent na lalagyan ang naabutan ko sa aking mesa. Good morning Miss Beautiful! Ito ang message na nakasulat sa pink na sticky note. Kinuha ko iyon at lumapit kay Alvin. “Is this from you”? Ngiti at tango lang ang binigay n’yang sagot na parang nagpapacute pa. Gusto kong s’ya tanggihan pero nang huling ginawa ko ‘yon tatlong araw n’ya ko di pinansin pati trabaho namin naapektuhan. “Hmm, Thank you.” yun lang nasabi ko at naglakad na pabalik sa pwesto ko. Sweet and caring si Alvin, maswerte ang magiging girlfriend nito pero di ko s’ya type dahil maliban sa magkatrabaho kami, bata pa s’ya para sa akin.    “Hi Miss Gia, our HR Manager wants to talk to you. She’s expecting you at her office by 10 a.m.” ngumiti ako kay Andrea na nasa tapat ng table ko. She is the assistant of HR Manager. “Did she mention for what?” ganting tanong ko. “No” tipid na sagot ni Andrea sabay naglakad papalayo sa area ko.                  Five minutes before 10 a.m. nagpunta na ako sa HR, di na ko nakapag break time. I am still thinking what’s the matter. “You are five minutes earlier.” Paglingon ko ay nakangiti sa may pinto ng HR Department si Miss GMG, abbreviation of her full name. S’ya ang Manager na kakausap sa’kin. “Good morning Miss GMG. Gusto mo daw po ako makausap?” bati ko habang nakangiti. I stay calm kahit wala akong alam kung tungkol saan ang pag-uusapan nmin. “Yes, let’s talk inside my room.” Binuksan n’ya ang pinto at tuloy-tuloy na kami pumasok. “Honestly Gia, I don’t know kung magugustuhan mo ang sasabihin ko sa’yo. But we have no choice kundi sumunod sa mga gusto ng Big Boss. Starting tommorrow, bagong CEO na ang makikita n’yo dito sa company. He is the youngest son of the owner and he personally choose you to be his secretary.” Walang putol pero may pag-alala sa mga sinabi n’ya. “But Ma’am I already have my position and I don’t know what my boss would say about this,” tutol ako pero alam ko naman na wala akong magagawa. “Don’t worry about Mr. Reyes, he knew this and payag naman s’ya na malipat ka ng position. Before you leave this afternoon, ilipat mo na ‘yung mga gamit mo sa assistant area ng Office of the CEO. You will meet the him tomorrow. Don’t worry he’s good just make sure to deliver your new job duty properly.” She said confidently. It's true I have no other option. Hindi pa ko ready magresign so I  need to follow the upcoming changes.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD