"Kumain na ba kayo? Magpapahanda ako," magiliw na sabi ni Mrs. Alvarez. "Ah... huwag na po, gabi na rin po, baka hinahanap na po ako sa amin," sagot niya habang hindi pa rin niya maalis sa ginang ang mga mata. "Ganoon ba, pero gabi na, hija, saan ka ba nakatira?" "Malapit lang po sa SMU." "May kalayuan yan mula rito, hija. Kung gusto mo, dito ka na magpalipas ng gabi." "Oh!" gulat na bulalas niya at nilingon si Shawn na napangiti. "Huwag na po, nakakahiya po," sagot niya at pinaglipat-lipat ang mga mata kay Shawn at sa Mama nito. "Mama's right, gabi na, baka mapano ka pa sa daan. Isa pa, hindi naman kita ihahatid na," nakangiting sabi ni Shawn. "See, tawagan mo na lang ang Nanay mo at sabihin mo na nasa bahay ka ni Mrs. Divina Alvarez bilang guest ko, sigurado akong kilala ako ng N

