"What is Aiden Del Castillo doing here?" tanong ni Shawn nang sabihin ng kasambahay na nasa labas si Aiden at hinahanap siya. Napakagat labi siya nang marinig. Hindi niya inaasahan na makakarating nang ganoong kabilis si Aiden sa bahay ni Shawn. "Del Castillo?" kunot-noong tanong ni Mrs. Alvarez. "Sorry po, maybe he was looking for me," nahihiyang sagot niya. "I see," tanging sagot ni Shawn at inutusan ang kasambahay na papasukin si Aiden. "Why?" nagtatakang tanong ni Mrs. Alvarez. "I'm not sure po," nakayukong sagot niya. Dahil yun naman ang totoo, ano bang malay niya at hinahanap siya ni Aiden? At kinailangan pa siyang sundan nito sa dulo ng San Miguel. "Carmella," tinig ni Aiden na nagpaangat ng likod niya mula sa pagkakaupo. "Hey, Aiden," walang emosyong bati ni Shawn. "Shawn,

