Carmella's POV "What?!" gulat na tanong niya at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Aiden. Tama ba ang narinig niya? Totoo bang may singsing sa harapan niya ngayon? Totoo ba ito? "Will you marry me, Carmella?" ulit na tanong nito nang nanatili siyang walang kibo at gulat na gulat sa mga nangyayari. Hindi pa nga siya halos nakaka-recover sa mga nangyari sa kanila kagabi ni Aiden sa pool, at kung saan-saang parte ng bahay, tapos paggising niya may pa-flowers and breakfast pa ito at may proposal pa. Mamamatay na ba siya at binibigay na lahat ng gusto niya ngayon? "Aiden," tanging nasabi niya, at hindi niya namalayan na naluha na pala siya sa sobrang saya. "Don't cry, Carmella," sabi nito, at pinunasan sa palad ang luha niya. "Aiden, this is too much." "No, I want you, Carmella, for

