"Pang gabi yata duty mo ngayon, Mella?" tanong ni Mang Cesar pagdating niya sa Del Castillo Resort. "Opo, malapit na rin po ako matapos, Mang Cesar," sagot niya at agad na siyang nagpaalam sa matanda. Naglakad na siya papasok sa loob at agad napansin ang kotse ni Aiden sa parking lot. "Bakit andito pa siya? Sana huwag muna kaming magkita," bulong niya dahil hindi pa siya handang makita si Aiden matapos ang mga nangyari sa kanila. "Hi, Mella," bati ni Liza na kinagulat niya dahil nakangiti pa ito ngayon sa kanya. Bumuntong hininga lang siya at nagtuloy na sa pagpasok para mag-in. "Birthday ko nga pala, baka gusto mong pumunta mamaya," yaya ni Liza na lalong pinagtaka niya dahil hindi sila magkaibigan, isa pa galit ito sa kanya dahil kay Aiden. "Salamat na lang pero..." "Mella," nakang

