Macky's Pov
"Babe ! I-shoot mo na ang bola!" sigaw ni Tina.
Umaandar ang oras at hawak ko ang bola. Sa isang shoot nalang at kami na ang tatanghaling champion sa basketball. Napatigil ako ng sandali at nakita ko sa corner ng kalaban ang seryosong nanunuod na si Keith.
Tinakbo ako ni Paul ng mabilis at sinigawan
"Mac! Anong ginagawa mo? I-shoot mo na ang bola!" sigaw nito sa akin.
Napatingin ako sa timer at nakita kong malapit na ang oras. Time na! Wala na! Olats na!
Nag cross over ako sa kalaban at nag mala jordan ako sa talon.
Nag-sigawan ang lahat.
"Panalo tayo Mac!" sigaw ni Paul.
Di ko siya pinansin at tuloy parin ang tingin ko sa landas kung saan naroroon si Keith. Na starstruck ako! Maganda pa din siya, Mas lalong gumanda kamo simple pa rin kung manamit siya. Lalapitan ko na sana siya nang bigla akong niyakap ni Tina.
"Galing mo babe!" sabay halik sakin ni Tina. , "Akalain mo yun nag buzzer beater ka? Iba talaga ang Mark Hernandez." ngiti niya sa akin.
Napatingin ako sa kinaroroan ni Keith ngunit wala na siya.
~ ~ ~
6 years ago
Keith's Pov
Nakatitig lang ako sa malayo habang nag- iisip ng kung ano-ano. Medyo magulo ang utak ko ngayon hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong gamitin. Masaya? Excitement ba dapat? O malungkot? Habang naka-upo ako sa hardin namin habang malalim ang iniisip ay lumapit sa akin si Mama.
"Ano na naman ang iniisip mo at sobrang layo ng tingin mo?" tanong ni Mama sa akin.
"Wala Ma," sambit ko kasunod ng bugtong hininga.
"Nag wo-worry ka ba anak?" tanong niya muli.
Lumingon ako sa kanya na malungkot ang pag mumukha.
"Ok lang ba talaga na pumasok ako sa school na yun, Ma?" tanong ko sa kanya.
"Ooh? Diba ikaw ang pumili ng school na yan?" tanong niya pabalik sa akin.
"Kasi Ma, Bakit walang high school dun sa dati kong pinapasukan? Nakakainis kasi ibang tao na naman ang pakikisamahan ko," sambit ko sa kanya.
"Maswerte na tayo na nasa private school ka nag aaral. Sa public school nga palipat-lipat sila ng school kasi iba-iba ang place ng grade school sa high school. Ok! Cheer up!" sambit niya sa akin.
Ngumiti lang ako ng pilit.
"Bukas na ang first day of school mo. Kaya umayos ka," sambit niya sa akin.
"Ok po." sambit ko.
Biglang tumahimik ang kapaligiran walang salita ang lumabas sa aming mga bibig.
"Tara mag shopping tayo," nakangiting sambit ni Mama sa akin.
"Ok," malungkot kong sambit.
"Kain tayo ice cream!" naka ngiting sambit sakin ni Mama.
"Fine!" sambit ko sa kanya.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dumiretso na ako sa kasilyas para maligo.
Habang naliligo ako ay napapaisip nalang talaga ako sa mga mangyayari bukas. Siguro need ko ng umalis sa comfort zone ko para makapag move na ako.
Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako.
As usual, Ripped Jeans, Shoes at plain T-Shirt lang ang lagi kong suot kahit saan ako pumunta. Akala nga nila titibo-tibo ako dahil sa porma ko pero Huy! Babae ako!
Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko na naman ang suotan ng Nanay ko.
"Ma naman!" sigaw ko sa kanya.
"Halika na alis na tayo," ngiti niya sa akin.
"Dudumugin na naman tayo ng mga tao dahil sa porma mo!" sambit ko sa kanya.
"Paano naman kasi tayo hindi dudumugin eeh dating beauty queen s***h artista nanay mo," nakangiting sambit nito.
"Haaaayy! Bakit kasi ang ganda-ganda mo!" inis kong sambit.
"Syempre mana sayo," pang aasar niya sa akin.
"Hayy, sige na alis na nga tayo," sambit ko.
Sumakay na kami sa kotse at umalis na kami.
Pag dating na pag dating namin sa mall ay nilapitan agad si Mama ng isang babae at nagpa-picture.
"Pa-picture po Ms. Anne," sambit nito habang naka-ngiti.
"Sure." sambit naman ni Mama sa kanya.
Pag katapos na pag katapos nilang mag pa-picture ay hinila ko agad si Mama para umalis.
"Baka maggo-grocery ka na naman?" tanong ko sa kanya.
"Ganun na nga anak," sambit niya sa akin habang tumatawa.
"Hayy nako. Sige-sige," inis kong sambit sa kanya.
Pumunta na kami sa supermarket para mag grocery. Unti-unti na ding dumadami ang lumalapit kay Mama para magpa-litrato.
Walang magawa si Mama kung hindi magpa-litrato nalang.
"Sikat ka parin pala noh, Ma?" tanong ko sa kanya.
"Syempre naman Anak, Beauty queen kasi Mama mo," sambit niya sa akin.
"Aah ok sige." sambit ko sa kanya.
Nag patuloy kami sa pag lalakad. Kinuha ko lahat ng paborito kong pagkain.
"Bahala na si Mama mag bayad nito." bungisngis kong sambit.
Ilang oras din ang inilagi namin sa mall at I feel exhausted na! Dinumog si Mama sa grocery. Bakit ba kasi ang ganda netong babaeng to? Pang dyosa yung mukha tapos yung mga anak mukang paa!
"How you feeling?" tanong ni Mama.
"Exhausted! Anyways, Thank you sa treat Mom!" habang kinukuha ko yung mga pinamili ko.
"Puno na naman ang drawer ko." nakabungisngis kong sambit.
Umakyat na ako sa kwarto ko at iniwan ko ng mag-isa sa baba si Mama. Binuksan ko yung laptop ko at nakita kong nag chat si Tina sa akin.
"Hey!" chat niya sa akin.
"Yes?" patanong na tugon ko sa kanya.
Lumipas ang ilang minuto ay nag reply ito sa akin.
"Excited na akong makasama ka bukas! Don't forget to contact me!" reply nito.
"Yeaahhh. Ok! Stick to the plan!" reply ko sa kanya.
"Mag-eenjoy ka dito! Lalo na nasa star section ka! Sana all!" reply niya.
"Kung pwede lang na sa section mo nalang ako. Edi mas maganda ang buhay ko," tugon ko.
"Ok lang yan," tugon niya.
Hindi ko na siya nireplyan at humiga na ako sa kama ko para mag pahinga.
Kinabukasan
"Keith anak, Gising na," sambit ni Mama kasabay ng isang mainit na halik sa aking pisnge.
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong naka-ngiti sa akin si Mama.
"Ma naman eh!" habang pinupunasan ang pisnge ko. , "Dalaga na po ako. Wag mo na akong i-kiss," pag mumuryot ko kay Mama.
"Hala sige! Hindi na po. Ikaw din mamimiss mo yang halik ko na yan. Ikaw din," pang aasar niya sakin.
Napatingin ako sa kanya at napangiti.
Sabagay ano lang naman yung halikan niya ako sa pisnge gaya ng ginagawa ng ibang magulang sa mga anak nila. O kaya ako naman ang hahalik sa pisnge niya. Sobrang clingy at sweet si Mama sa aming mag kakapatid hindi ko lang alam kung bakit ganto ako. Hindi ako sweet sa kanya kahit na sobra-sobra yung lambing niya sa akin? Saan kaya ako pinag lihi ni Mama? Sa ampalaya? Kaya napaka bitter ko sa lahat?
"Anong oras pasok mo sa school?" tanong ni mama sakin
"Seven o'clock?" sagot ko sa kanya.
"Ooh? Anong oras na! It's already 5:45 in the morning." Nakakunot ang noo nyang sambit.
Nag panic ako ng marinig ang oras kay Mama. Unang araw ko sa bago kong iskwela. This is not the right time para malate ako!
Ligong pato lang ang nagawa ko at kaing sisiw. Kulang na kulang ang oras ko para kumain.
"Nakakainis naman! Bakit kasi napasarap na naman ako sa pag tulog ko." inis na sambit ko.
May isang oras pang natitira sa para sa pag biyahe ko. Pero nag kukumahog na ako sa pag pasok. Hinalikan ko si Mama sa noo at nagmadaling umalis ng bahay.
"Ma! I love you!" sigaw ko sa kanya habang papalabas ng gate namin.
Napangiti si mama sakin sabay sabing "Ingat ka anak at enjoy sa first day of school mo. I love you too!"
Masaya akong umalis sa bahay. I think this is the right mood for today! New School, New Friends and New Ambiance. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa patutunguhan ko ay bigla ng nagbago ang mood ko. Sino ba namang ngingiti sa mahabang traffic? Piling ko mag kakasakit ako sa sobrang bagal nang galaw ng trapiko! Ang daming sasakyan sa daan sobrang haba ng pila ng sasakyan parang pila na ng NFA RICE.
"Aarrgghh! Late na ako." sambit ko sabay tingin sa wrist watch ko.
Ilang oras pa ba ang aantayin ko para makarating sa school ko? Wala na! Unang araw ko bilang transferee student eeh late agad.
"Bad reputation agad! Haayyss!"
Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa school ko. Malaki nga talaga 'tong school na to kasi merged ito ng university.
"Hirap maghanap ng room!" inis kong sambit.
Naligaw na ako sa daan. Daming pasikot-sikot hanggang sa nakita ko ang isang malaking bulletin board.
"Saan nga dito ang section ko? Hmmm..." matalim kong titig sa pagkaliit na sulat sa bond paper. , "Hayyys! Hindi ko makita! Galing! Magpalate ka pa Keith!" inis kong sambit.
Wala ng mga tao sa labas ng mga oras na ito. Umupo ako saglit sa tabi ng malalaking pillars at nag yuko ng ulo. Nangingilid ang luha sa mga mata ko ng may dumaang lalaki at huminto ito sa tapat ko.
"Are you lost baby girl? Charrr! Di ko kaya," nakangiting sambit niya.
Itinaas ko ang ulo ko at Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Baliw ba to?" tanong ko sa sarili ko.
"May hinahanap akong isang transferred student, Late na kasi siya ng isang oras hindi siguro ako nagkamali na lapitan ka? Ikaw ba si kei..." sambit niya.
Hindi na niya natapos ang sinasabi nya na sabihin kong
"Yes! Thanks God! Ako yun! Ako nga yun. Keith Brian! That's my name," nakangiting sambit ko sa kanya. , "I'm sorry kung nag abala ka pang tingnan ako. Kanina pa ako nag hahanap ng room ko," sambit ko muli sa kanya.
(Keme Lang) nakalimutan ko talaga room# ko tsaka section.
"Aaah... Ganun ba? Ok lang yan ganun talaga pag hindi ka pa sanay sa lugar." sambit niya sakin.
Habang naglalakad kami patungo sa silid aralan namin ay kinausap nya ako.
"Ako nga pala si Jordan ang president ng section natin. Pasensya na sa sinabi ko kanina kasi nag ta-try lang ako kung kaya kong makipag mingle or mag pa cool," nakangisi niyang sambit sa akin. , "Pero, Believe me! Hindi ako yung guy na iniisip mo aah," natatawa niyang sambit.
"Baliw ba to? tawa ng tawa kahit walang nakakatawa?" nasambit ko nalang sa sarili ko.