bc

Beautiful Scars

book_age18+
172
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
sweet
bxg
campus
betrayal
first love
friendship
photographer
model
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Kaya mo bang ipag palit ang sariling kaligayahan para sa KAIBIGAN mo?

Paano kung hindi ko i-paraya ang taong mahal ko sa kaibigan ko? Is this still worth fighting for?

Bakit hindi natin i-try mag Mahal ng taong Mahal ng maraming kababaihan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Paano kapag ang taong mahal mo ay mahal din ng kaibigan mo? Ipaparaya mo nalang ba ito sa kanya o ipag lalaban mo ang alam mong tama? Madami ang sumagot na magpaparaya nalang sila. Bakit? Bakit kailangang masaktan ka para sa ikaliligaya ng iba? Bakit kailangang ikaw pa ang mag paraya at hindi nalang siya?  ~~~~~~~~~~~ Anong talent ko? Tumakas at pumunta sa lugar na ako lang mag isa. Hindi ko alam kapag ako lang mag isa ay mas nakakahinga ako ng maluwag. Sana'y ako sa maraming tao dahil sa status ng buhay namin pero i feel suffocated sa gantong buhay kaya minsang tumatakas ako at nag tatago. Pero, Hindi pala pwedeng ganto lagi ang buhay. Kapag hindi mo gusto ang isang pangyayari ay tatakasan mo nalang dapat pala minsan hinaharap mo din ito para matuto ka sa buhay. Gabi na ng nangyari iyon, Masarap ang tulog ko sa loob ng sasakyan ng bigla itong bumukas. Gulat na nakita ng dalawang mata ko na may kasamang ibang babae si Papa. Masakit para sa akin na nakikita ko ang tatay ko na may kalampungan na iba. Tahimik lang ako na nakikinig sa ingay nilang dalawa habang nangingilid ang mga luha aking mga mata.  "Please stop," sambit ko sa sarili ko. Sinubukan kong kurutin ang braso ko para malaman kong nananaginip lang ako pero nakaramdam ako ng sakit. "Totoo ang nangyayari." umiiyak kong sambit sa sarili ko. Sobrang sama ng loob ko dahil nasaksihan ko ang nakakadiring pangyayari na iyon. Hindi nalang sana ako natulog sa kotse para hindi ko nakita yung kababuyan ni Papa. Hindi nalang sana ako natulog dito para kahit na ganun ang ginagawa niya ay wala akong alam at hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Lumipas ang gabi na umiiyak ako sa kotse. Wala silang kaalam-alam na nandun ako habang naghahalikan sila ng babae niya. Mugto ang mata ko ng lumabas sa kotse wala ng katao-tao nun at mag uumaga na din. Agad akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nakita ko si papa na nag babasa ng diyaryo habang nag kakape. "Ooh? Saan ka galing anak? Umiyak ka ba? Bakit mugto ang mga mata mo?" nag aalalang tanong niya sa akin. "Sa kotse doon ako natulog," malamya kong sambit sa kanya. Biglang nanlaki ang mata niya ng marinig niya ang sinabi ko pagkatapos ay agad siyang tumayo sa upuan niya para lapitan ako. Papalapit palang si Papa ay umiwas na ako ngunit nahawakan niya ako sa braso ko. Hinawakan ko si Papa sa kamay at tinanggal ko ito sa pagkakahawak. "Sorry anak, I will make up with you," sambit niya sa akin. "No! The damage is already done! Mamili ka kami na pamilya mo o yung babae mo?" galit na tanong ko sa kanya. Nakatingin lang si Papa sa akin. Walang salita ang lumabas sa kanya. "So? Ok." sambit ko sabay alis. Bumagsak ang pagkarami-raming luha sa akin mata ng mga oras na yun. Tumakbo ako sa kwarto ko at nag lock ng kwarto. Simula noon nag iba na ang tingin ko sa mga lalaki! Manloloko! Walang satisfaction! Nasa dugo na nila ang panloloko. Biruin mo Beauty Queen na ang nanay ko nagawa pang lokohin. Pagkatapos ng pangyayari na to, Nilinis ni Papa ang utak niya at bumalik sa amin nila Mama. My Mom easily accepted him! Parang walang nangyari. Pinatawad niya si Papa sa nagawa niya sa amin pero ako I still have the scar to my heart. It will heal pero hindi pa sa ngayon.  Soon... Nasira ang pag aaral ko at ang paglalaro ko ng volleyball dahil sa nangyari na yun. I even undergo therapy para sa trauma na nangyari sa akin. It's still improving and I'm getting better. Isang araw tinanong ko si Mama kung bakit tinanggap pa rin niya sa Papa sa buhay niya?  "Bakit tinanggap mo pa si Papa? Kahit na niloko ka niya mahal mo parin siya?" tanong ko sa kanya. "Alam mo anak, Kapag nasa tamang edad kana maiintindihan mo na ang mga bagay na ito," sambit niya sa akin. "Naiintindihan ko na ang nangyayari ngayon Ma hindi na ako bata," sambit ko sa kanya. "Nangako ako sa Diyos at sa sarili ko na ipaglalaban ko ang taong mahal ko. Nagkamali ang Papa mo pero hindi ito sapat para iwan ko siya. Siguro nagkulang ako kaya nagawa niya ito sa akin, sa atin. Para saan ang kasal namin kung dahil lang sa iisang peste ay mag hihiwalay kami?" sambit niya sa akin. "Siguro kapag ako ay ikaw? Hindi na ako babalik pa! Once a cheater is always a cheater," galit na sambit ko sa kanya. "Nasubukan mo na ba mag mahal?" tanong niya sa akin. "Hindi pa po," sambit ko. "See? Pa quotes-quotes ka pa hindi ka pa naman nakakaranas mag mahal, Subukan mo muli anak kapag nasa tamang gulang kana at kapag niloko ka niya at pinatawad mo din siya balik ka sa akin huh," pang aasar na sambit niya sa akin. "Hmmmm... Pero hindi ko mapapatawad si Papa sa ginawa niya sayo," galit kong sambit sa kanya. "You will need to forgive and forget anak, Oo nagkasala ang papa mo pero tingnan mo ngayon? Bumabawi siya sa atin at ibinabalik ang lahat ng trust na nawala sa kanya. Mahal na mahal kayo ng Papa nyo. Sadyang may mga tao lang talaga na masaya kapag nakakasira sila ng pamilya," pag papaliwanag sa akin ni Mama. "Pero Ma," sambit ko. "Tandaan mo! Ang Diyos nag papatawad siya sa atin kahit na sobrang sama ng mga ugali natin. Dapat ganun din gawin natin sa Papa mo. Family is Family! Gusto mo bang mawasak ang pamilya natin dahil lang sa isang pagkakamali?" tanong niya sa akin. "Hindi!" sigaw ko. "Then forgive your Papa and let him heal your wound," sambit niya sa akin sabay ngiti. Wala na akong masagot pa kaya niyakap ko nalang ng mahigpit si Mama. I wasn't like this pero need niya ng comfort ko dahil ako lang ang may kakayanan ng ganto. Alam ko masakit parin sa kanya ang nangyari dahil siya ang asawa, siya ang may pag kukulang. Masakit matapakan ang ego mo. Panigurado mas mahirap ang sitwasyon ni Mama ngayon kaysa sa akin kasi yung katabi niya sa pag tulog at kasama niya sa pag ligo ay may kinasama ding ibang babae. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.2K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook