Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa tapat niya. Inilapag nito ang dalang paper bag. Inilabas nito mula roon ang dalawang lunch box na naglalaman ng kanin at ulam.
"Mas prefer niyo po pala na nagbabaon?" tanong niya dito.
"Ipinagluto kasi ako ng asawa ko ng ulam ko dahil day-off niya sa trabaho. Minsan lang kasi iyon magday-off. Mahilig kasi yun magluto." anito.
"Napakaswete niyo naman po sa asawa niyo."
"Oo, sobrang swerte ko doon. Ayaw niya akong napapagod yun. Lalo at tatlong buwan na akong buntis." anito na nangingislap ang mga mata.
"Talaga po? Naku! Congratulations po." aniya.
Subalit hindi halata na buntis ito. Sabagay, may ilan na maliit talaga ang tiyan kapag magbuntis. Ilang saglit lang dumating na ang order niya na Chicken Curry. Inilabas na rin niya sa kanyang bag ang kanin niya. Nagsimula na silang kumain ni Miss Sebastian.
"Bakit bigla ata ang paglipat ni Sir dito sa Monteverde's Enterprise? Nakakagulat lang." anito.
Ngumiti siya dito. Hindi nalang siya nagsalita ayaw niya magkwento. Mas maganda na rin na si Sir Dennis ang magsabi dito. Hindi sa kanya manggagaling.
"Malalaman din naman natin yun. Siguro namiss lang nito si Ma'am Luna." anito.
Pagkatapos nilang kumain at nakapagbayad na siya ay sabay na silang bumalik sa Monteverde's Enterprise. Pagpasok nila ang namataan niya si Luna na may kausap na lalaki sa may lobby. Mukhang seryuso ang mga ito hanggang sa tumayo ang mga ito at lumabas.
"Sino yung kasama ni Ma'am Luna Miss Sebastian?" tanong niya kay Miss Sebastian.
"One of the Board Directors." wika nito na nakatingin din sa direksyon ng tinitingnan niya.
Napatango nalang siya at nagtungo na sila sa elevator. Sa third floor ito samantalang fifth floor naman siya. Agad siyang nagtungo sa opisina ng huminto ang elevator sa fifth floor. Pumasok siya sa loob at nabungaran si Mr. Dennis na nakaupo sa mesa nito. Agad niyang isinara ang pinto.
"You're late. Diba sabi ko within 30 minutes lang ang lunch?" anito at tiningnan siya mula sa ginagawa nito.
OMG! Nakalimutan niya. Napasarap ang kwentuhan niya kay Miss Sebastian kanina. Hindi niya namalayan ang oras. Napayuko siya.
"Pasensya napo Sir. Hindi ko po sinasadya. Hindi napo mauulit." hinging-paumanhin niya dito. Ano ba itong nagawa niya. Bagong-bago siya pero heto at may pagkakamali na siya.
"It's okay Ms. Ventura. Don't do it again. But,"
Tumayo ito at naglakad patungo sa kinaroroonan niya habang nakapagkit ang malagkit nitong titig nito sa kanya. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Anong gagawin nito sa kanya? Nang makalapit ito at isang dangkal lang ang layo nito sa kanya. Nagbaba siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang titig nito ng malapitan.
"Look at me Venice." anito at itinaas ang kanyang baba para matingnan niya ito sa mga mata. Nangangatog na ang tuhod niya sa mga pagkakataong yun dahil sa nerbyos.
"I want you to be my girlfriend." wika nito.
Tama ba ang narinig niya. Inaalokan siya nito na maging girlfriend nito. Anong nangyari? Bigla na bang nawala ang nararamdaman nito kay Luna at napunta sa kanya?
Binitawan nito ang mga kamay na nakahawak sa baba nito at naglakad patungo sa kanyang mesa. Agad naman siyang kumapit sa sofa na nasa tabi niya dahil baka matumba siya dahil sa pangangatog ng tuhod niya.
"Sir. You must be kidding." aniya na gulat na gulat parin sa narinig.
"No. What i mean is, i want you to pretend as my girlfriend." anito. Pero bakit? Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya nito. Parang nababasa nito ang laman ng isip niya.
"I invite Luna for a lunch. But she said, she was busy. Pero sabi ko mag-usap kami. Ang sabi niya. There's nothing to talk about. And i want you to pretend as my girlfriend. That's the only way para bumalik siya sakin. Kapag nakita nito na masaya ako sa iba, paniguradong babalikan ako. Quits narin tayo sa pagiging late mo ngayon." mahaba nitong paliwanag.
"But Sir--" pinutol na nito ang sasabihin niya.
"Please Venice. Just two months. Kapag hindi talaga niya ako binalikan within two months. You're free. And i give you additional salary for that. Do you agree?" tanong nito.
Sabagay, two months lang naman ang itatagal ng pekeng relasyon nila. Pero bakit parang nakaramdam siya ng excitement? Iwinaksi niya iyon sa isip. Dapat ang isipin niya ngayon kung paano ang gagawin para magkabalikan si Luna at Sir Dennis.
Wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon. Malaking tulong narin sa kanya ang pagtaas ng sahod niya. Makakapag-ipon siya at maibibili niya ng kompletong gamot ang kaniyang ina.
"Yes, Sir. I agree." wala na siyang nagawa. Bahala na ang kung anong mangyayari kapag nalaman ito ng buong Monteverde's Enterprise. Hindi niya dapat isipin iyon. Dahil simula't sapol, nandito siya para sa kanyang pamilya hindi para sa ibang tao.
"Thankyou Miss Ventura. I owe you one, kapag nagkabalikan kami. You may go back to your work." anito at ipinagpatuloy ang ginagawa nito sa mesa.