Sakay siya ngayon ng sasakyan ni Sir Dennis habang tinatahak ang daan patungo sa Monteverde's Enterprise. Nakasunod sa kanila ang staff nito na lulan ng mini truck kung saan nakalagay ang mga gamit nila. Habang daan ay walang nagsasalita sa kanila. Hanggang sa ilang sandali ay binasag nito ang katahimikan na namamayani sa kanila.
"Magseset ako ng meeting mamaya para makilala ka nila. Paniguradong makikita mo si Miss. Sebastian doon." anito na hindi man lang tumitingin sa kaniya. Bigla siyang kinabahan. Ipakikiala siya nito? Sabagay mas maganda na makilala siya ng mga ito at makilala niya din ang mga ito para hindi siya mailang sa mga ito.
"Sige po Sir." pagsang-ayon niya dito.
Kinuha nito ang cellphone na nakapatong sa unahan ng sasakyan nito at may tinawagan.
"Malapit na kami, paki-abang si Mr. Ramos para may tutulong sa kanya na kukunin ang mga gamit namin sa Mini Track." anito. Ilang saglit lang ay ibinaba na nito ang cellphone at ibinalik kung saan nito ipinatong iyon.
Ilang minuto pa ay narating na nila ang Monteverde's Enterprise. Bumaba na siya ng sasakyan, maging ito ay bumaba narin. May mga nakaabang na dalawang lalaki sa labas na nakasuot ng kulay bughaw na polo para kunin ang mga gamit nila. Nilingon niya ang mini bus. Huminto ito at agad namang nagtungo ang mga ito doon.
"Come on. Hintayin nalang natin ang mga gamit natin sa opisina" anito at nilakad na nila patungong glass door ng kompanya. Agad silang pumunta sa elevator. Pinindot nito ang number 5. Doon siguro ang opisina nito. Agad silang pumasok ng bumukas iyon.
Ilang minuto rin ang tinagal ng biglang huminto ang elevator. Bumakas iyon at lumabas sila. Tuloy-tuloy lang ito sa paglakad. Parang nagmamadali. May mga nadadaanan siyang pintuan hanggang sa matapat sila sa isang pinto na may nakalagay na "DENNIS MONTEVERDE'S OFFICE".
Agad nitong hinanap sa hawak nitong mga susi ang susi na para sa pintuan, agad nitong nakita iyon at ipinasok sa doorknob. Agad nitong binuksan ang pintuan. Pumasok sila. Nabungaran niya ang isang mesa sa gilid. Marahil iyon ang magiging mesa niya ngayon at sa mga susunod na araw.
Sa bandang gitna ng kwarto nandon ang mahabang mesa na may naukit sa isang pahaba na yari sa kahoy na MR. DENNIS MONTEVERDE, Chief Information Officer sa may bandang baba. Iyon pala ang posisyon nito sa kompanya. Marahil ang Ama nito ang CEO ng kompanya. Lumapit iyon doon. Biglang may kumatok sa pintuan nila. Nakaawang kasi iyon.
"Sir, nandito na po ang mga gamit niyo." wika ng isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulang bughaw na polo.
"Ipasok niyo na dito at kami na ang mag-aayos." wika ni Sir Dennis
Pumasok naman ang lalaki kasunod ng dalawa pa. Yung isa ay ang driver at sumunod ay nakasuot din ng kulay bughaw na polo na kasama kanina ng matangkad na lalaki na naghihintay sa labas.
Maging ang computer niya at ni Sir Dennis ay kinuha rin. Pagkatapos nilang mailagay lahat sa loob ang mga gamit ay agad nagpaalam ang mga ito. Lumapit si Sir Dennis sa mga gamit.
"Kunin mo na yung iyo para maayos na natin. After natin maayos ito ay magseset na ako ng meeting." anito.
Kinuha nito ang isang kahon na malaki kung saan nito inilagay ang mga gamit niyo kanina. Pagkatapos nilang maiayos ang mga gamit, maging ang computer ay agad nitong dinampot ang telepono at may idinial.
"Miss Sebastian can you please gather all the staff sa meeting room. Gusto ko mameet nila si Miss. Ventura." anito.
"Call me back, kapag nasa loob na silang lahat." anito. Ibinaba na nito ang telepono ng makatanggap ito ng sagot sa kabilang linya.
"After lunch kita ipapakilala sa mga nasa Board of Directors. At ang ibang nasa matataas na posisyon." wika nito.
"Sige po Sir. It's already 10:30 in the morning. Siguradong gutom na po kayo." wika niya.
"Yes, and i will ask Luna to have lunch with me here at my office." anito.
"Okay Sir. Maganda po yun para makapag-usap kayo ni Miss Luna." aniya ng nakangiti dito.
"I hope so. I don't think kung tatanggapin niya ang alok ko." wika nito. Nakikita niya sa mga mata nito ang lungkot.
Ilang minuto rin ang hinintay nila hanggang sa tumunog ang telepono. Sinagot nito iyon.
"Nasa Metting Room na daw sila. Come'on."
Yaya nito sa kanya at agad niya itong sinundan palabas ng opisina. Pumunta sila sa elevator at pinindot ang 6. Maaring doon siguro ang Meeting Room. Pagbukas ng elevator ay lumabas na sila at tinungo ang hallway.
Pumunta sila sa dulo niyon at huminto sila sa isang pintuan na may nakalagay na MEETING ROOM. Pagpasok nila ay tumambad sa kaniya ang isang napakaluwang na silid.
Mga nasa trenta katao ang mga nandoon. Nakaharap ang mga ito sa kanila. Nakaramdam siya ng hiya ng mga pagkakataong yun. Hindi siya sanay na tinitingnan ng napakaraming tao.
"Good Morning Sir." bati sa kanila ng mga nandoon.
"Good Morning too. I would like to introduce Miss Venice Ventura. She was my newly hired Secretary. And, i stay here for good. Hope, na sana maging maayos ang pakikitungo niyo sa kanya. Kapag may nakita akong trinatrato siya ng di maayos. You know what will happen next. Understood?" wika nito.
"Yes Sir! Welcome Venice Ventura in Monteverde's Enterprise" Sabay-sabay na Saad ng mga ito.
"Salamat po sa inyong magiliw na pagtanggap" aniya.
Bakit parang napaka-protective nito? Anong gagawin nito sa isang staff kung sakali na gawan siya ng di maganda ng mga ito? Nagmamalasakit lang ito dahil sa Secretary siya nito. Nothing more, nothing less. Yun ang pumasok agad sa isip niya.
Pagkatapos ng meeting na iyon at makipagkilala sa mga staff nito ay agad siyang nagpaalam kay Sir Dennis na magluluch na siya. Pumayag ito at nagtungo na siya sa first floor. Lumabas siya at pumunta sa bandang kanan ng building kung saan ang canteen s***h karenderya ay nasa tabi lang ng Monteverde's Enterprise. Napansin niya yun kanina.
Pumasok siya doon at pumunta sa isang mesa. May inabot sa kanya ang isang babae na menu, tumingin siya ng oorderin. Chicken Curry ang inorder niya. Pagkalista ng inorder niya ng babae ay pumunta ito sa katabing mesa para kunin ang order ng iba. Maluwang ang canteen, mga nasa sampong mesa iyon.
"Hello Venice!" wika ng isang pamilyar na tinig sa kanyang likuran. Boses yun ni Miss Sebastian. Tama nga siya. Paglingon niya ay nakita niya ang pigura nito.
"Pwede ba ako makishare ng table?" wika nito ng makalapit sa kanya.
"Miss Sebastian ikaw pala. Sure po. Pwede po." aniya at nginitian ito ng matamis.