Kabanata 12

1053 Words
Pagkatapos ihatid si Venice. Pumunta siya sa Ultimate Bar. Tinawagan na rin niya ang kaibigang si Dexter, para samahan siya uminom. Ipinark niya ang sasakyan sa parking area. Bumaba siya at tinungo ang entrance door ng Bar. Pagpasok palang ay makikita mo na ang mga taong nasa kanya-kanya mesa at nakaupo at tinutungga ang kani-kanilang hawak na wine. Hindi na siya naghintay ng may lalapit sa kanya at kukunin ang order niya. Pumunta na siya sa counter para mag-order ng wine. Pagdating doon ay nakita niya ang isang babaeng nakatalikod na hanggang balikat ang buhok "Miss, isang wine and two wine glass." aniya. Lumingon ito sa kanya. Gulat ang ekspresyon ng mukha nito. Pero agad din nakabawi. Hindi na siya magtataka dahil halos lahat ng taga Paniqui ay kilala siya. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya? "Okay Sir. Kami nalang po ang magbibigay sa inyo ng mga order niyo." anito. "No. Hihintayin ko nalang. I can wait." aniya dito at nginitian ito. Agad naman itong namula sa ibinigay niyang ngiti. Agad itong tumalikod para kumuha ng wine. Nang makahanap ito ay ibinigay nito sa kanya. Nagbigay din ito ng 2 wine glass. Kinuha niya iyon at naghanap ng pwesto. May nakita siyang bakanteng mesa malapit sa entrance. Pumunta siya doon at ipinatong ang kanyang dala. May nakita siyang babae na papalapit sa kinaroroonan niya. Pagkalapit nito ay inilapag nito ang yelo na nakalagay sa isang lalagyan. Tinawagan niya si Dexter. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at idinial ang cellphone # nito. Ilang ring lang, sinagot na nito ang tawag niya. "Dex, saan ka na?" tanong niya dito. "Malapit na ako Dude. Wait mo nalang ako." anito. Ibinaba na niya ang cellphone at ibinalik iyon sa bulsa niya. Habang hinihintay si Dexter. Iginala na muna niya ang paningin. Sa totoo lang gusto niya sana magresign si Venice dito. Subalit, hindi niya iyon pwedeng gawin dahil kaklase niya noong kolehiyo ang may-ari at ang sabi nito may nanliligaw daw sa kanya dito. Ayaw ko naman ng dahil sakin ay maghiwalay ang dalawa. "Dude!" tapik sa kanya ni Dexter. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tapat niya. Hindi niya napansin ang pagdating nito dahil nakatalikod siya sa entrance. Binuksan nito ang wine tsaka sinalinan nito ang wine glass neto at nilagyan ng yelo. Hawak hawak nito ang wine glass ng magsalita ito. "Ano bang problema? Nagulat ako ng sabihin mo na makikipagkita ka sakin." anito Tsaka tinungga ang laman ng wine glass. Hindi na nakapagtataka. Kilala siya nito. Alam nitong lagi siyang abala, maging ito rin lalo at may pamilya narin ito. Kaklase niya ito mula high school hanggang college.Naglagay na din siya ng wine sa kanyang baso at nilagyan iyon ng yelo tsaka tinungga. Tiningnan niya ito. "Luna and I broke up. Kanina lang Dude." Napailing siya at tsaka naglagay ulit ng wine sa baso niya at tinungga ang laman niyon. Nanuot sa kanyang lalamunan ang matapang nitong lasa. Napalatak ito. "Si Luna naman pala ang dahilan ka nakipagkita sakin. Bakit? Ano bang nangyari?" tanong nito sa kanya. Isinalaysay niya dito ang ginawa nilang date ng kanyang bagong secretary para dito. Lahat ng nangyari sa gabing iyon ay sinabi niya. Isa si Dexter, sa pinagkakatiwalaan niya. "So anong plano mo ngayon?" tanong nito sa kanya. "Babalik ako sa opisina bukas. Kahit ayaw ko yun lang ang alam kong solusyon na pwede kong gawin para mas magkasama kami at baka sakali makipag-ayos siya sakin." "How about your dad?" anito. Bago pa man siya makapagsalita ay nagsalita ulit ito. Avoiding the topic. Alam nito ang dahilan kung bakit ayaw niyang magstay sa kompanya at minabuti na sa opisina sa restaurant siya magstay. Diba sabi mo may isang salita si Luna?" anito. Oo nga pala, may isang salita ito. Hindi pa sila naghihiwalay dahil sabi nito kung makikipaghiwalay man ito sa kanya. Wala nang balikang magaganap. Ganun ito, may paninindigan sa sarili. "I have an idea!" sigaw nito. Kaya yung iba napatingin sa direksyon nila. Subalit, di nito pinansin ang mga tingin na iyon. "What?" aniya "Kapag nalaman mo ito at nagwork. For sure, you will thank me. Baka nga regaluhan moko ng mamahaling relo e." anito na may ngisi sa mga labi. Hindi niya pinansin ang biro nito. "Spill it Dex. Ayaw kong nabibitin." "Why don't you hire a Pretending Girlfriend? Para mapagselos mo siya. Kapag nakita nito na masaya ka sa iba. Siguradong maiinggit yun, baka isang araw bigla ka nalang balikan." anito. "What?! Mag-hihire ako ng magpapanggap na girlfriend ko? Kakahiwalay palang namin. Ayaw kong isipin niya na ipinalit ko agad siya." aniya. Mas lalong hindi siya nito balikan baka kapootan pa siya. "Kapag talagang di madaan sa pakikipag-ayos bakit di mo gawin ang sinuggest ko? Matalino ka Dennis. And i know you can do it. Aalis nako. Baka magalit na si Komander. Pag-isipan mo sinabi ko." anito at tumayo na tsaka tinapik ang balikat niya. Narinig niya ang glass door na bumukas. " Thankyou for coming Sir. Come again." Naiwan siya doon na mag-isa. Tama ba ang sinuggest niyo? Kung sakali man? Sino ihihire niya? Kinabukasan, ay agad siyang nagtungo sa opisina ng Restaurant para kunin ang mga importanteng bagay. Pagdating doon ay nadatnan niya si Venice na nasa mesa at nakaupo. Nakapatong sa tabi ng computer ang ilang mga files. "Good Morning Sir. Kinuha ko napo yung ibang mga bagay na pwede nating dalhin sa opisina." anito. Napakasimple nito subalit lumilitaw ang ganda nito sa suot nitong blouse at skirt na hanggang taas ng tuhod ang haba. Tumango siya dito at tinungo ang pintuan. "Sige, hintayin mo ako. Tatawag ako ng staff sa office para kunin mga gamit natin." aniya at pinihit ang door knob, tsaka pumasok sa loob. Pagdating doon ay agad niyang kinuha ang mga importanteng bagay. Tinawagan niya ang manager ng Restaurant at sinabing kuhanan siya ng malaking kahon kung saan niya ilalagay ang mga gamit niya. Agad naman itong nakahanap at ibinigay sa kanya. Nang matiyak na walang nakalimutang ilagay. Tinawagan niya ang isang staff sa opisina para kunin ang mga gamit niya. Habang hinihintay ito. Napasandal siya sa Swivel chair niya. Handa na ba siyang makita ulit ang kanyang Ama? Napabuntong-hininga siya. Si Luna ang dahilan kaya siya babalik doon. Hindi naman siguro palagi sila magkikita ng kanyang Ama, maliban nalang sa mga meeting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD