Kabanata 11

1012 Words
Nang makababa ito, ay agad niyang tiningnan si Sir Dennis. Nanghihina itong napaupo sa upuan. Lalapit na sana siya ng magsalita ito. "Iwan mo muna ako dito Venice. Hintayin mo nalang ako sa baba para maihatid na kita mamaya. Pakisabi na rin kay Manang Angge na pumunta dito sa taas at kunin ang mga pagkain." anito. Tumango siya. Agad siyang naglakad patungo sa pinto ng rooftop. Nang marating iyon ay nilingon niya ito. Nakaupo lang ito at nakayuko. Sobrang minahal siguro nito si Luna. Kaya labis itong nasasaktan. Diba nga sabi nito na niyaya niya itong magpakasal? Sobrang hirap siguro na yung taong gusto mo makasama habang buhay ay iniwan ka na. Time heals all wounds naman. Maghihilom din ang sugat nito. Pagkababa niya sa rooftop ay agad niyang hinanap si Manang Angge. Namataan niya ito na lumabas sa isang pinto sa may gilid. Agad niya itong nilapitan. "Manang pinapatawag po kayo ni Sir Dennis sa taas. Kunin niyo daw po ang mga pagkain." aniya. Agad naman itong tumalima at pumunta sa taas. Umupo siya sa sofa, habang hinihintay na bumaba si Sir. Dennis. Ilang sandali lang ay namataan niya ng pababa si Manang Angge. Hawak nito ang lalagyang ng mga pagkain. Pumunta ito sa kusina. Bumalik ito na may dalang paper bag. Lumapit ito sa kanya at ibinigay ang paper bag. "Ipinabibigay ni Sir. Dennis, sayang naman daw kung hindi kakainin." anito. Hindi na siya nag-atubili, tinanggap niya iyon. "Salamat po." aniya. Umupo ito sa tabi niya. Bumuntong-hininga ito. "Nalulungkot ako sa nangyari. Magmula bata palang, ako na nag-alaga dyan. Kaya masakit para sakin na nakikita siyang nahihirapan. Matagal na sila ni Luna, akala ko nga kasal na ang susunod." Tumingin ito sa kanya at tumayo. "Maiwan na kita, hintayin mo nalang dito si Sir para ihatid ka niya." tumango naman siya dito at pumunta na ito sa taas mukhang may inaayos ata ito. Tiningnan niya ang suot na relong-pambisig. Alas-nwebe na ng gabi. Ilang saglit lang, may narinig siyang mga yabag na nagmumula sa hagdan. Tumingala siya at nakita si Sir Dennis na pababa ng hagdan. Tumayo siya. Nang makalapit ito sa kanya ay agad nitong hinila ang isang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa nito. Kaya nagpatangay nalang siya dito, habang hawak ang paper bag. "Come on. Let's Go. Ayaw ko mag-alala mama mo sayo." anito. Binitawan na nito ang kamay niya ng marating nila ang harapan kung saan naka-park ang sasakyan nito. Agad siyang pumasok sa passenger's seat at ito naman ay sa driver's seat. Binabagtas na nila ang daan patungo sa kanila. Wala man isa sa kanila ang nagsasalita. Dumungaw siya sa bintana. Tiningnan niya ang mga bituin sa kalangitan. Napakadaming bituin, kaysarap pagmasdan ng mga ito. "Tomorrow, lilipat tayo sa opisina. Luna's one of the Board Director. And I'm expecting her everyday at the office. I know she was upset, kaya nakipaghiwalay siya. Kaya makikipag-ayos ako." basag nito sa katahimikang namamayani sa kanila. Hindi pa rin ito gumigive-up. He still fighting his love for Luna. May gumugulo lang sa isip niya. Paano kapag nalaman nito na Secretary siya nito? "Sir, pwede magtanong?" aniya. "Yes, what is it?" anito habang ang mga mata ay nasa daan nakatingin. "Paano kapag nalaman nito na Secretary mo po ako? Baka magselos po siya sakin?" tanong niya. "No. Luna is 31 and i am 33. You're like a sister to me." wika nito. Bakit parang nasaktan siya sa sinabi nito? Na ang turing lang sa kanya ay parang kapatid lang? Itinaboy niya sa isipin ang ganung bagay. Hindi maaari na magkaroon siya ng atrasyon dito. Dahil baka makaapekto iyon sa trabaho niya. Natatanaw na niya ang kanilang destinasyon. Hinihinto nito ang sasakyan sa isang tabi. Tinanggal niya ang seatbelt niya at akma na sana siyang bababa ng magsalita ito. "Thankyou for helping me this evening Venice. Goodnight." anito. "You're Welcome Sir." Ngumiti siya dito at umibis na ng sasakyan nito. Bago siya tulayang pumasok ay pinagmasdan muna niya ang papalayong sasakyan. Nang hindi na niya makita ang sasakyan nito ay agad siyang naglakad papasok sa kanila. Nagulat siya ng pagdating niya sa kanila ay may nakaparadang motorsiklo sa labas. Teka, kay Jay to ah? Anong ginagawa ni Jay dito. Diba dapat nasa Ultimate Bar pa ito? Kaya para masagot ang mga tanong sa kanyang isipin ay agad siyang nagtungo sa pintuan. Ipinihit niya iyon at pumasok sa loob. Namataan niya ang mga ito sa sala. Habang masayang nagkwentuhan ito at ang kanyang ina. Lumingon sa kinaroroonan niya ang kanyang ina. Lumingon din si Jay. "Anak! Nandyan ka na pala. Kaninang alas otso pa itong si Jay, hinihintay ka niya." anito. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ng mga ito. Inilapag niya ang dala niya sa mesa. Doon niya lang napansin ang dala nitong pizza na nakalahati na. "Saan galing yan anak?" tanong ng kanyang Ina sa dala niya. "Kay Sir Dennis po may. Hindi kasi naubos yung pagkain kaya ipinatake-out nalang niya sakin." Tumango naman ito at tumayo tsaka kinuha ang ulam. " Ilalagay ko ito sa ref para ipainit nalang bukas. Maiwan ko muna kayo, para makapag-usap kayo." anito at tinungo ang kusina. Hinarap niya si Jay. "Bakit nandito ka Jay? Huwag mong sabihin lumiban ka sa Ultimate Bar para lang pumunta dito sa bahay?" aniya dito. "Nag-undertime ako Venice. Pasensya ka na, gusto lang kasi kitang bisitahin. Mukhang magkasama kayo ng Boss mo?" anito na nahihimigan sa boses nito ang selos. Kahit hindi nito sabihin ay ramdam niya yun. "Oo, nagpatulong siya sakin. Para sa date nila ng Girlfriend niya." aniya. Tumango naman ito. "Basta magkita nalang tayo bukas. Matulog ka na Venice, alam kong pagod ka. Pumunta lang ako dito para makita ka." anito at tumayo na mula sa kinauupuan. Hinihatid niya ito sa labas sa may sasakyan nito. Pero bago nito paandarin ang sasakyan humarap ito sa kanya at may sinabi pa ito. "Gustong-gusto kita Venice. Sana dumating ang panahon na magugustuhan mo rin ako. Huwag kang mag-alala handa akong maghintay." anito at ngumiti tsaka sumakay sa motor nito. Inihatid nalang niya ng tingin ang papalayong sasakyan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD