Narating na nila ang bahay nito. Binuksan ng guard ang gate na siyang nagbabantay sa labas. May maliit na parang waiting shed sa bandang kanan ng gate, marahil dito tumatambay ang guard.
Pagbukas nito ng gate ay bumungad sa kanya ang isang fountain sa may bandang kaliwa at mga iba't-ibang uri ng halaman na nakapalibot dito. Sa bandang kanan naman ay may swimming pool. Sakto lang ang laki nito. Pero ang lubos na nakapagpahanga sa kanya ay ang mismong bahay.
Napakalaki niyon, mala-mansyon ang bahay ng mga ito. Tinungo nila ang isang espasyo ng bahay at pagkarating doon ay inihinto na nito ang sasakyan.
"Halika na, ipapasuyo kita kay Manang Angge para makakain ka na bago natin isagawa ang surprise date sa kanya." pagkasabi niyon ay umibis na ito ng sasakyan.
Umibis na rin siya at sinundan ito papasok sa loob ng bahay. Nadatnan namin na nagwawalis si Manang Angge. Nagulat ito ng makita silang dalawa. Huminto kami at humarap kay Manang Angge.
"Magandang Umaga po Sir Monteverde." anito at tiningnan siya ng nagtatakang tingin.
"She's my new Secretary Manang Angge. Kindly prepare her a meal. Magseset kami ng date para kay Luna. Nakapagluto na po ba kayo?" tanong nito.
Doon naman natauhan si Manang Angge. Inakala siguro nito na chiks siya ni Mr Monteverde o kaya bagong girlfriend. Imposible na maging sila. Una, mahirap lang siya pangalawa hindi ang kagaya niya ang tipo nito. Bakit nga ba niya iniisip yun? Nagtratrabaho siya para sa pamilya niya at hindi para sa ganong bagay.
"Opo Sir, nakapagluto na po ako." tumango si Mr. Monteverde at pumunta sa taas, sa second floor ng bahay. Marahil magbibihis ito.
"Halika na, inakala ko na bagong girlfriend ka niya. Hindi naman nagdadala ng kung sino-sinong babae iyan dito kundi si Luna lang." anito at iginiya siya nito sa dining area.
Umupo siya sa upuan ng isang mahabang mesa na yari sa muwebles. Maluwang ang dining area ng mga ito. Pumunta si Manang Angge sa kitchen, pagbalik nito ay may dala na itong pagkain. Adobong baboy ang ulam. Bumalik ulit ito sa kitchen at pagbalik ay may dalang dalawang plato, kutsara at tinidor. Marahil para kay Mr. Monteverde yun.
Sakto namang dumating si si Mr. Monteverde. Nakasuot ito ng kulay blue na polo at pants. Simple lang pero lumilitaw parin ang angkin nitong kagwapuhan. Umupo na ito sa katapat niya. Si Manang Angge ay nakatayo lang sa isang gilid marahil naghihintay ito ng iuutos.
"Come'on let's eat. It's already 6pm. I texted her to come here at 8pm." anito na hindi tumitingin sa kanya at nagsimula ng sumandok ng kanin. Sinimulan na rin niyang sumandok ng kanin.
"Ang sarap naman nito Manang Angge! Alam na alam mo talaga paborito ko." bulalas nito at kumuha na ito ng ulam at inilagay sa plato.
Paborito pala nito ang Adobo. Kumuha na rin siya ng ulam at nilagyan ang plato niya. Tahimik lang silang kumakain. Ewan, nahihiya pa siyang makipag-usap dito.
"Kumain ka ng marami." anito.
Nandito sila ngayon sa rooptop. Dito nila isasagawa ang surprise date para kay Luna. Nag-aayos siya ng mesa samantalang ito nilalagyan ng petals ang sahig. Pagkatapos niyang ayusin ang mesa ay inilagay niya ang vase sa gitna. Ilang sandali pa ay natapos na nila ang ginagawa nila. Dumating narin ang order nilang pagkain at inilagay niya iyon sa isang mesa kung saan nakalagay ang wine, plato at iba pa.
"It's already 7:30 pm. 30 minutes left." anito. Nag-dial ito sa phone. Nakatayo lang siya sa isang gilid. Siya ang magsisilbing waitress ng gabing iyon.
"Hello, hon. Where are you? Okay. Drive safely" anito.
"Can you please go to the rooptop when you arrived here. I love you." anito. Pinatay na nito ang tawag at lumingon sa kanya.
"Be prepared. On the way na daw siya." anito. Tumango lang siya sa sagot nito. Napakaswete naman ni Luna naisip nalang niya.
Pumunta na siya sa may pintuan at hihintayin na bumukas iyon at babatiin ito ng "Good Evening Ma'am".
Ilang minuto rin siyang nakatayo doon ng bigla itong bumukas. Pumasok ang isang napakatangkad na babae. Namangha siya sa mala-dyosa nitong kagandahan. Mahaba ang buhok nito na may pagka-blonde ang kulay. Nakasuot ito ng fitted dress na sleeveless. Hanggang kalahati ng hita ang haba niyon na kulay maroon. Napakakinis ng balat nito. Nakasuot ito ng medyo may kataasang heals.
"Good Evening Ma'am." bati niya dito ng matapat ito sa kanya.
Hindi man lang ito bumati pabalik o lumingon man lang. Ano pa bang aasahan niya? Lumapit si Dennis dito at iginiya ito papunta sa mesa. Ipinaghila niya ito ng upuan. Umupo naman si Luna doon. Tiningnan siya ni Dennis at agad siyang lumapit.
"You set a dinner with me. Thankyou." wika ni Luna. Kinuha niya ang wine at baso sa mesa at inilagay iyon sa mesa ng mga ito. Sinalinan niya ng wine ang mga baso. Tiningnan siya ni Luna.
"Who is she? You hired a waitress for this. Pwede naman na hindi diba?" tanong nito.
"Kinailangan ko kasi ang tulong niya. Para sa ganitong date." wika ni Dennis. Nakatayo lang siya doon habang nakikinig sa usapan nila.
"You still the same Dennis. If you want to set a date with me, you should do it by yourself. Lagi naman diba? Ni hindi mo nagawang mag-effort ng ikaw lang mag-isa." saad nito. Hindi makapagsalita si Dennis. Pero ilang saglit lang ay nagsalita ito.
"I'm sorry. I'm not into this. Don't worry next ti--" pinutol ni Luna ang sasabihin nito.
"Yes. You are not into this because you're always busy. I think, it's almost 5 month since noong last date natin. Lagi mo nalang pinapatunayan sa papa mo that you're the best! Na maski ako nakalimutan mo na! " sigaw nito.
"Luna. Gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko sayo. Kaya ako nagpasyang mag set ng date para sating dalawa." wika ni Dennis. Tumayo si Luna.
"Ilang beses mo ng sinabi sakin yan, pero nangyari ba? Diba hindi? Tapusin na natin ito Dennis. Wala ng patutunguhan ang relasyon natin." anito at tumayo na sa kinauupuan. Subalit agad na tumayo si Dennis at hinila ang kamay nito.
"Lahat nalang ba isasawalang bahala mo? Mga pinagsamahan natin? Give me a second chance Luna. Please." Pagmamakaawa nito. Naaawa siya dito. Maaring busy lang talaga ito. Ngunit, hindi niya pwedeng husgahan si Luna dahil wala siyang alam sa mga nangyayari.
Iwinasiwas nito ang kamay ni Dennis at agad nagmartsa pababa ng rooftop. Lahat ng ginawa nila ay nawalan ng saysay dahil hiwalayan pala ang magaganap.