Kabanata 9

960 Words
Umupo na ulit siya sa upuan pagkapasok nito. Hindi pa man siya nakakatagal sa pagkakaupo ng biglang lumabas ang service screw at tinawag siya. "Ma'am, pinapatawag po kayo ni Sir sa loob." anito at naglakad na ito papunta sa hagdanan. Tumayo siya sa pagkakaupo at tinungo ang pintuan. Baka may ipapagawa ito sa kanya. Pero bago yun kailangan na muna niyang managhalian dahil nagugutom na rin siya. Magpapaalam na rin siya dito. Pagpasok niya nakita niya itong nakaupo sa sa isang mesa na bilog at nasa harapan nito ang dalawang pinggan na inihatid ng service crew kanina. Nang makita siya nito ay agad siya nitong tinawag. "Venice. Come here and join me for lunch." anito. Nagulat siya. Sa kanya pala yung isang plato ng pagkain. Naglakad siya papunta sa mesa at umupo sa upuan na kaharap nito. "Nag-abala pa kayo Sir. Pwede naman po ako kumain sa baba." aniya. "Ayaw ko kasi lumabas kaya nagpahatid ako ng pagkain dito, at ayaw ko naman kumain mag-isa. Kaya kinuhanan narin kita ng makakain para may kasabay ako." anito at tiningnan siya nito na nakangiti. "Salamat po Sir." aniya at tsaka kinuha na ang tinidor at kutsara na nasa tabi ng plato. Tunog lang ng kutasara at tinidor ang maririnig sa loob ng opisina dahil wala isa man sa kanila ang gusto magsalita. Maging siya ay walang maapuhap na sasabihin. "May boyfriend ka na ba Venice?" basag nito sa katahimikan na namamayani sa kanilang dalawa. Nag-angat siya ng tingin. Tiningnan niya ito, nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito kaya minabuti niyang iyuko ulit ang ulo niya. "Wala pa po. Pero may nanliligaw po sakin na katrabaho ko po sa Ultimate Bar." aniya habang nakayuko pa rin. "Okay. One of these days i will visit you in Ultimate Bar. At gusto kong makilala ang manliligaw mo." saad nito. Nagtaka siya sa mga sinabi nito. Bakit ito mag-aabalang puntahan siya sa Ultimate Bar at ipakilala dito kay Jay. Tumawa ito. "Biro lang. Maybe one of these days papasyal ako sa Ultimate Bar. I'm not into Bar, dahil sobrang busy ako. Pero gusto ko lang makita kung saan ka nagtratrabaho." anito at nginitian siya. Ngumiti siya dito pabalik. Alas kwatro na ng hapon. Out niya na. Niligpit niya na ang mga gamit niya at nagpasyang pumasok sa loob para magpaalam. Bubuksan na sana niya ang door knob ng biglang bumukas iyon. Tumambad sa harapan niya si Mr. Monteverde. Ngayon lang niya ito nakita na malapitan. Sobrang tangkad nito. Umatras siya para mabigyan ito ng daan para makalabas. "May pupuntahan ka pa ba Venice?" tanong nito sa kanya. Umiling siya. "Wala na po Sir. Diretso na po ako sa bahay para makapagpalit na din po ako ng damit at makakain." aniya. Tumango ito at nagtungo na sa hagdan. "Let's go. Ihahatid na kita." anito. At bumaba na ito. Kinuha niya ang kanyang bag na nasa mesa at agad na bumaba ng hagdan. Wala na siyang magagawa. It's an order from his boss. Kailangan niyang sundin ito. Nadatnan niya ito sa parking na hinihintay siya. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Nagpasalamat siya dito at agad na pumasok sa loob ng sasakyan. Agad naman itong nagtungo sa driver's seat at pagkapasok ay pinaandar na nito ang kotse. Binabagtas na nila ngayon ang daan patungo sa kanila. Nang marating nila iyon ay agad siyang nagpasalamat dito at akma na sana siyang iibis ng magsalita ito. "After changing your clothes, at magpaalam sa mama mo pumunta ka agad dito." anito. "Pero Sir, kakain pa po ako. Kaya magcommute na--" naputol na ang sasabihin niya dahil nagsalita na ito. "Doon nalang tayo sa bahay kakain. I prepare na sa bahay nalang natin isasagawa ang planong surprise date para sa kanya. I'll wait you here." anito. Wala na siyang nagawa kundi sumunod dito. Tumango siya at umibis na ng sasakyan. Pagkadating niya sa bahay ay agad siyang nagbihis ng floral dress na sleeveless. Litaw na litaw ang malaporselana niyang kutis na hindi man lang kakikiraan ng peklat. Sinuot niya yung flat sandal niya na kulay marron. Tinali niya ang kanyang hanggang bewang na buhok. Nagpulbos siya at naglagay ng lipstick. Pagkatapos niyang ayusan ang sarili at makontento sa kanyang itsura ay agad siyang lumabas ng kwarto. Nakita siya ng kanyang Ina na kagagaling lang sa likod ng bahay at may dalang gulay. May gulayan sila sa likod ng bahay. "Oh? Dumating ka na pala. Bakit ganyan ang ayos mo. May date ba kayo ni Jay anak?" anito na mababakasan sa mukha ang pagkagulat. Inilapag nito sa mesa ang dala nito at lumapit sa kanya. Shet! Nakalimutan niya ng hanapin ito kanina dahil nagmamadali siya, at nahihintay rin si Mr. Monteverde sa labas. Ayaw niya itong paghintayin ng matagal. "Pasensya napo hindi napo ako nag-atubiling hanapin kayo kanina. Nasa labas po kasi si Mr. Monteverde inay." aniya dito. Biglang kumislap ang mga nito ng marinig ang pangalan ni Mr. Monteverde. "Papasukin mo dito anak." anito. "Hindi napo kailangan inay. May pupuntahan kami, huwag po kayo mag-alala. Uuwi po ako ng maaga. Aalis napo ako inay." aniya dito at humalik sa pisngi nito. Hindi na niya hinintay ito na tumugon. Agad siyang lumabas ng bahay at tinahak ang daan patungong harapan kung nasaan si Mr. Monteverde. Narating niya ang harap kung saan malapit sa highway. Nasa labas ito at nakahalukipkip. Nang makita siya nito ay agad itong napatitig sa kanya. Nagandahan kaya ito sa kanya? Kinastigo niya ang sarili. Ano ba yang mga iniisip mo! Pero agad din itong nakabawi. "Let's Go" anito at agad na pumasok ng sasakyan. Lumapit na siya sa sasakyan at pagkapasok niya ay agad nitong pinaharurot ang sasakyan patungo sa bahay nito kung saan isasagawa ang surprise date para sa girlfriend nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD