Kabanata 8

1044 Words
Kinaumagahan, ay agad naghanda si Venice para sa kanyang unang araw ng trabaho, bilang Sekratarya. Nagpaalam na siya sa kanyang ina at nilakad ang daan patungo sa highway kung saan makikita ang mga sasakyan na paroo't parito. Hindi sila sabay ng kapatid niya ngayon dahil maaga itong pumasok sa eskwela. May tatapusin daw itong project sa isang subject nito. Pinara niya ang isang sasakyan na papunta sa kinaroroonan niya. Agad niyang sinabi dito kung saan siya pupunta. Habang tinatahak ang daan patungo sa Monteverde's Restaurant. Sinipat niya ang sarili. Nakasuot siya ng blouse na hanggang siko ang haba at tenernuhan niya ito ng fitted na palda na hanggang taas ng tuhod ang haba. Suot niya ang sandal na binili nito. Sabagay, wala naman siyang choice. Dala din niya ang doll shoes na pinahiram sa kanya ni Miss Sebastian na nakalagay sa paper bag. Narating niya ang Monteverde's Restaurant. Agad siyang bumaba ng tricycle at iniabot ang bayad sa driver. Pagkaabot nito, agad niyang tinahak ang entrance ng Restaurant. Pagpasok niya ay agad na tumama sa kanyang balat ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng restaurant. Nilakad niya ang kinaroroonan ng hagdan papuntang office nito. Nang marating niya iyon ay nakita niyang nagliligpit ng gamit si Miss Sebastian. Nilingon siya nito sa ginagawa ng makita siya nito. Binati niya ito. "Magandang Umaga po Miss Sebastian." "Magandang Umaga rin." ganting bati nito. Iniabot niya dito ang pinahiram nitong doll shoes. Subalit isenenyas nito ang kamay. "Huwag mo na ibalik. Sayo na yan, gamitin mo yan kapag nandito ka." anito at itinuloy ang pagliligpit. "Kanina lang kasi sinabi ni Sir na promoted ako, hindi ko pa alam kung anong position kasi parang biglaan yung promotion. Dumating kasi ako dito kanina na may natanggap akong tawag mula sa kompanya na doon na daw ako at hindi dito." patuloy nito. "Ano pong ibig niyong sabihin? Connected po ang office na ito sa kompanya?" tanong niya dito. Nagmamay-ari ang mga ito ng kompanya ng langis. "Naku. Venice, si Sir nalang tanungin mo. Ayaw ko magsalita. Sige mauna nako. Hintayin mo nalang si Sir dito." anito at umalis na bitbit ang mga gamit nito nakalagay sa isang malaking bag. Umupo siya sa upuan na nasa mesa. Nakadisplay sa screen ng computer ang picture ni Miss Sebastian kasama ang asawa nito. Habang hinihintay ang pagdating ni Mr. Monteverde. Inopen na muna niya ang account niya at senearch ang pangalan nito. Lumabas ang pangalan nito pagkasearch niya at clinick iyon. Nakalock ang social media account nito. Hindi na masama, isa siyang Business Tycoon kaya malamang na ayaw nito nakikita ng iba ang mga nangyayari sa kanya para maiwasan ang issue. "Click the ADD FRIEND and i will accept you." anang isang boses sa likuran niya. Hindi na niya kailangang lumingon dahil kilala niya na ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Biglang nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. Ganun na ba siya katutok sa ginagawa kaya hindi niya namalayan ang pag-akyat nito pati ang paglapit nito sa kanya? Bigla siyang tumayo. Nag-iisip siya ng sasabihin ng muli itong nagsalita. "It's okay kung nadatnan kitang ini-stalk ang profile ko. Like what I have said. You can add me. After that, pumasok ka at may ipapagawa ako sayo." anito at pumasok na sa loob ng opisina nito. Napakagat-labi siya. Ano nalang iniisip nito sa kanya? Clinick niya ADD FRIEND at inilog-out niya ang social media account niya at naglakad na patungo sa loob ng opisina nito. Pagpasok niya ay inililigpit nito ang mga nakakalat sa mesa nito. Siguro hindi na nito naabalang ayusin iyon kahapon. "It's already seven in the evening ng umalis ako dito. Madami kasi akong tinapos kahapon kaya diko na nagawang iligpit dahil magsasara na ang restaurant. Have a seat" anito ng makitang nakatayo lang siya't tinitingnan ang ginagawa nito. Iwenestra nito ang upuan na nasa harap ng mesa. "Sir, pwede po magtanong?" "Sure. What is it?" anito na hindi man lang tumitingin sa kanya at abala parin sa pag-aayos. "Para saan po itong opisina? Kasi akala ko po. Ang opisina na ito ay para sa mga interview ng mga gusto magtrabaho sa restaurant." aniya. "Ayaw ko lang doon sa opisina sa kompanya. Hm, ibig kong sabihin. Mas komportable akong magtrabaho dito kasi mag-isa lang ako. Did I already answer your question?" anito. Tumango siya. Okay na yun. Ayaw niya ng magtanong pa. Tapos na ito sa pag-aayos kaya umupo na ito sa swivel chair nito. Humarap ito sa kanya. "I like your outfit today. It suits you." puri nito sa kanya na seryuso ang expresyon. Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. "Thankyou Sir." aniya. "Okay. Like what I've said earlier. May ipapagawa ako sayo." anito. "Ano po yun Sir?" tanong niya. "Actually tayong dalawa ang gagawa. We will set a dinner for my girlfriend this evening. Pwede ko ba muna mahiram ang oras mo mamayang 5pm?" tanong nito. "Pwede naman po pero kailangan ko muna magpaalam sa mga kasama ko po na di ako makakapasok." aniya at akmang kukunin na sa bag ang cellphone niya ng magsalita ito. "No need. I just called Mr. Enrique Tan. Pinaalam na kita sa kanya. Mukhang may papalit naman sayo." anito. Magkakilala sila ni Mr. Enrique Tan? "Mr Enrique Tan is my classmate way back in college." anito ng di siya sumasagot. Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya. "Sige po Sir. 5pm po. Saan po tayo magkikita?" tanong niya. "I will call you." pormal nitong sagot. 11:30 am. It's already Lunch time. Kakain siya ng bandang alas dose. Bakit kaya hindi pa lumalabas si Sir Monteverde? Baka hindi pa ito gutom. Nakaharap siya ngayon sa screen ng computer at nagta-type, may pinapatype si Sir Monteverde sa kanya. Dahil wala na si Miss SSebastian ito na ang magtuturo sa kanya. May biglang lumapit sa kanya na crew ng restaurant na may dalang pagkain. Dalawang plato yun. Para kanino yung isa? Baka darating ang girlfriend nito. Tumayo siya. "What can I do for you Sir?" bungad niya dito. "Hello Ma'am. Nandyan po ba si Sir Monteverde." bati nito sa kanya. "Yes. Para sa kanya po ba iyan?" aniya. Tumango ito. Pumunta siya sa pintuan at binuksan iyon. "Pasok ka na po." aniya dito at pumasok na ito sa loob bitbit ang dala nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD