Kabanata 7

999 Words
Naging maganda ang daloy ng mga costumer. Tuloy-tuloy ang pumapasok sa Ultimate Bar. Kaya naging abala silang lahat. Gusto niyang sabihin sa mga ito na natanggap siya bilang Sekratarya ni Mr. Monteverde. Kaya noong wala gaanong costumer na pumapasok at nasa bar counter silang lahat. Napagdesisyunan niyang sabihin sa mga ito ang nangyari sa kanya ng umagang iyon pwera nalang sa mga detalye na hindi pwedeng sabihin. "May good news ako sa inyo!" aniya sa masiglang bati. Nasa kaliwa niya si Jay samantalang si Angel ay nasa counter at nakapangalumbaba. Si Kuya Troy ay nakasandal sa isang gilid. Samantala sina Christine, Michelle at Sassy ay nasa isang mesa at nakaupo. "Ano yun Venice?" tanong ni Christine. "Oo nga, ano ba iyon?" tanong ni Michelle. "Baka sinagot niya na si Jay. Kaya yun ang good news" biro ni Kuya Troy. Nagkatawanan sila. "Biro lang Jay." ani Kuya Troy at lumapit pa ito kay Jay at tinapik sa balikat. Tumango naman ang huli. May biglang pumasok na costumer. Inassist na muna ito ni Michelle at Christine humirit pa ang mga ito na hintayin sila. "Oo! Hihintayin namin kayo." aniya. Pumunta na ang mga ito sa mga costumer at kinuha ang order. Tiningnan niya ang relong-pambisig. Alas onse y medya na ng gabi. Kapag ganitong oras. Iilan nalang ang mga pumapasok sa Ultimate Bar kaya may panahon sila para makapagkwentuhan. Nang matapos ang dalawa sa pagserve sa costumer. Umupo ulit ang dalawa sa inupuan nila kanina. "Sabihin mo na dali!" excited nitong sabi. Huminga muna siya ng malalim. "Natanggap ako bilang isang sekratarya ni Mr. Monteverde. Ang inaapplayan ko talaga ay maging Service Crew. Subalit na-hire ako bilang sekretarya!" aniya. "Grabe! Iba talaga ang ganda mo Venice. By the way, congratulations!" wika ni Christine. "Sobrang pogi pa man din nun. Grabe. Lagi mo na siyang makakasama niyan Venice." panunukso ni Michelle na may ngisi pa sa mga labi. Magsasalita sana siya subalit biglang tumayo si Jay sa kinauupuan. "Saglit lang pupunta lang ako sa comfort room." anito. Naglakad na ito patungo sa CR, na hindi man lang lumilingon sa kanya. Kinalabit siya ni Angel. "Awts. Nagseselos yun. Wrong timing ka" anito. Tumango naman si Kuya Troy at Sassy. "Ikaw kasi Michelle e. Kung ano sinasabi mo." puna ni Christine dito. "Totoo naman huh. Sobrang gwapo naman talaga nun." "Saglit kakausapin ko lang." aniya at tumayo na sa kinauupuan. Naging abala na ang lahat dahil may ilan pang pumapasok. Sinundan niya si Jay. Nasa labas siya ngayon ng CR. Bale nasa tabi lang iyon ng locker room nila. Hinintay niya itong lumabas. Nang makalabas ito ay agad siya nitong napansin. "Jay, sorry kung di ko sinabi sayo kanina. Hindi ko na rin kasi naisip iyon." aniya nang makalapit ito sa kanya. "Ayos lang yun. Congratulations!" anito pero taliwas iyon sa nababasa niya sa mga mata nito. "Halika na, malapit na mag-alas dose. Tayo nakatoka ngayon sa paglilinis." anito at agad na naglakad patungo sa mga mesa. Alam niya at ramdam niya na nagseselos ito. Pero pinipigilan lang nito ang emosyon. Sana matutunan niya itong mahalin balang araw. Alas dose na, at heto siya ngayon kasama si Jay at Christine sa pag-aayos ng mesa, sa pagsisinop ng mga wine glass na ginamit ng mga costumer. Si Christine ang nakatoka ngayon sa paghuhugas. Matapos niyang ibigay dito ang mga dpaat hugasan ay nagpunta na ito sa isang pinto sa may bandang kanan ng kung saan nandoon ang lababo nila. Naiwan silang dalawa ni Jay sa counter. Pumunta siya sa kaha at binilang ang pera na nandoon habang nakabantay si Jay. Matapos siyang magbilang ay pinagtipon tipon niya ang pera base halaga ng bawat bill. "Pasensya ka na sa inasal ko kanina Venice. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Manliligaw palang ako pero kung umasta ako parang kasintahan mo na." wika ni Jay. Mula sa pag-aayos ay dumako ang paningin niya dito. Nasa mukha nito ang pagpapakumbaba. Ngumiti siya dito at ibinalik ulit ang tingin sa ginagawa. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Jay. Ayos lang yun sakin." aniya dito at saglit niya itong tinapunan ng tingin. Nagkatitigan sila. Pinakiramdan niya ang sarili. Wala talaga siyang makapa kahit atrasyon man lang dito. Pero susubukan niya. Susubukan niyang mahalin ito. Inihatid siya ni Jay ulit sa bahay. Nang niyaya niya itong pumasok ay tumutol ito. Magpahinga nalang daw siya para sa trabaho niya bukas. Kumatok siya sa pintuan at pinagbuksan siya ng kanyang ina. "Magandang gabi po inay." aniya at hinalikan ito sa pisngi. "Hinatid ka ba ni Jay?" tanong nito. Pumasok na siya sa loob at naupo sa sofa. "Opo inay. Hindi na po siya nag-abalang pumanhik dito, para makapagpahinga na daw po ako ng maaga." aniya habang tinatanggal ang kanyang sandal na binili ni Mr. Monteverde sa kanya. "Ganon ba anak. Sabagay, nakikita ko naman sa kanya na seryuso siya sa panliligaw sayo. Mabait na bata at magalang" puri ng kanyang ina dito habang nakaupo sa tapat niya. "Inay, kailangan ko na magkaroon ng duplicate key para hindi na kayo naabala sa pagtulong kapag sumasapit ang oras ng aking pag-uwi."Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Sige anak ikaw ang bahala. Maiwan na kita anak. Matutulog nako." anito at tumayo. Naglakad na ito patungo sa kwarto. Bale magkasama ang kanyang kapatid at ina sa iisang kwarto samantalang siya ay nakahiwalay. Napasandal sa sofa. Nakakapagod itong araw na ito. Bukas magsisimula na ang trabaho niya bilang Sekratarya nito. Bigla siyang na-excite na makikita niya ulit ito. Kinastigo niya ang sarili. May kasintahan na ito at di tama na may nararamdaman siyang kakaiba para dito. Lalo na noong nasa SM sila at isinukat nito ang sandal sa kanyang mga paa. Bigla siyang naasiwa sa pagdaiti ng kamay nito sa kanyang mga paa. Hays. Ano ba itong mga iniisip niya. Dahil sa pagod kaya niya naiisip ang bagay nayun. Nagtungo na siya sa kwarto para matulog. Kailangan niya na makapagpahinga para magkaroon siya ng lakas na gawin ang mga trabaho na nakaatang sa kanya bilang bagong Sekratarya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD