Kabanata 6

1053 Words
Heto si Venice ngayon sakay ng tricycle pauwi sa kanila. Hindi niya akalain na ibibili siya nito ng sandal na gagamitin sa pagpasok bukas. Pero sabi naman nito na ikakaltas nalang daw ito sa sahod niya. Hindi niya akalain na magiging ganoon ang pagtanggap nito sa kanya. Pagkadating sa kanilang bahay ay agad niyang hinalikan sa pisngi ang kanya ina habang abala ito sa pananahi. Naupo siya sa upuan sa sala kung saan nakatapat sa kanya ang kanyang Ina na nananahi sa kabilang dulo. "Kamusta anak?" tanong ng kanyang ina. "Ayos naman po ina. Bukas napo ako magsisimula sa trabaho ko po bilang isang sekratarya ni Mr. Dennis Monteverde." masiglang pagbabalita niya dito. "Natutuwa ako para sayo anak. Kamain ka na ba?" tanong nito sa kanya at tiningnan siya mula sa pananahi. "Kumain na po ako inay. Pumunta po kaming Mall sa Tarlac ni Mr. Monteverde, doon po kami kumain at binilhan niya ako ng sandals." sabay pakita sa kanyang ina ng bitbit niyang paper bag. "Aba! Mukhang mamahalin yan ah." anito na nanlalaki ang mga mata. Nabigla siya sa naging reaksyon ng kanyang Ina. Sabagay di niya ito masisisi, dahil ni minsan hindi niya ito naipasyal sa mga Mall o naibili man lang ng mamahaling gamit dahil narin sa kakapusan at sumasapat lang ang kita niya sa kanilang gastusin sa bahay dagdag pa sa matrikula ni Charlene. Pero ngayon na mataas ang sahod sa pagiging Sekretarya niya kay Mr. Monteverde. Sisiguraduhin niya na maipapasyal niya ito at maibibili ng mga gusto nito na hindi tinitingnan ang presyo ng bibilhin. "Opo inay. Mga kulang-kulang dalawang libo po." aniya. Pero kung tutuusin barya lang dito ang dalawang libo na ipinambayad sa sandal na binili nito. Parang nagbigay lang ito ng isang piso sa isang bata. "Napakabait naman ng iyong Boss anak. Akalain mo yun binilhan ka pa ng sandal na gagamitin mo?" tanong nito. "Inay, babayaran ko po ito. Ayaw ko naman abusuhin ang kabaitan niya sakin. Isang malaking utang na loob na ibinigay nitong posisyon sakin." aniya. Nagpaalam na siya sa kanyang ina na papasok na sa loob ng kwarto para makapagpahinga lalo at papasok pa siya sa Ultimate Bar mamayang alas singko ng hapon. Humiga siya sa kama at tinitigan ang yero ng kanilang bahay. Hindi pa rin mag-sink in sa isipan niya na magiging Sekretarya siya nito. Nagpasya na siyang matulog para para may lakas siya mamaya. Nagising siya ng bandang alas kwatro ng hapon. Agad siyang naghilamos at nagbihis para sa pagpasok sa Ultimate Bar. Pagkatapos magbihis biglang may narinig siyang nag-uusap sa labas ng kanyang kwarto sa bandang salas. May bisita sila? Sino? Lumabas siya ng kwarto para tingnan kung sinuman iyong kausap ng kanyang Ina sa salas. Nagkatinginan sila. Si Jay pala. Nginitian niya ito at ngumiti rin siya pabalik. "Oh anak. Si Jay nandito siya para sunduin ka." anang kanyang ina. "Magandang hapon. Pasensya na hindi na nagpaalam sayo na susunduin kita." paliwanag nito sa kanya na animo nakagawa ng malaking kasalanan. "Ayos lang. Sandali. Iprepare ko lang mga gamit ko at aalis na tayo." aniya. Hindi na niya ito hinintay na magsalita. Agad niyang isinara ang pinto at inayos ang mga gamit niya na nakakalat pa dahil ginamit niya ito kaninang umaga. Hindi na siya nag-abala kaninang ligpitin dahil sa sobrang excitement para sa trabaho. Lumabas na siya ng kwarto. Wala pa ang kanyang kapatid. Siguro may activities ito sa school kaya hindi pa umuuwi. Nagpaalam na siya sa kanyang ina at lumabas na sila. Hindi sila nag-iimikan habang papunta sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Nasa labas lang iyon ng bahay nila. Sumakay na ito ng sasakyan at sumunod siyang sumukay. Pinaandar na nito pagkatapos. Narating nila ang Ultimate Bar ng wala pang bente minuto, dahil hindi matraffic. Pagdating doon ay agad silang pumasok sa likod at nadatnan ang mga kasama na nag-aayos na. "Aba! Magkasabay kayo ngayon ah?" tukso sa kanila ni Kuya Troy. Hindi na niya hinintay na magsalita si Jay. "Sinundo niya ako Kuya Troy." saad ko. Napalingon sa kanya ang mga kasamahan niya. "Totoo? Huwag mong sabihin na nililigawan mo na si Venice, Jay?" tanong ni Michelle na naglalagay ng lipstick sa bibig. "Oo Michelle, pumayag na rin siya na ligawan ko siya." anito sa masiklang tinig. "Akalain mo yun, isang taon ka ng may gusto sa kanya. Napa-oo mo rin siya" wika ni Sassy na abala sa pag-aayos ng buhok. Sinimulan na rin niyang mag-ayos. Hindi naman lingid sa mga ito ang nararamdaman ni Jay para sa kanya. Nauna ng pumunta sa Bar si Kuya Troy. "Mauna nako sa loob Sassy, Michelle at Christine." paalam ni Jay sa mga ito. "Punta na ako sa loob Venice." paalam nito sa kanya. Tinanguan lang niya ito at naglakad na papunta na sa pintuan na nag-uugnay sa Bar. Si Angel ay nasa loob na dahil nasa Bar Counter ito. "Ayyeeaahh, hindi ko akalain na magpapaligaw ka sa kanya!" hesterikal na reaksyon ni Sassy na animo ito ang nililigawan. Pumunta ito sa tabi niya at umupo. Inaayos na niya ang gamit niya para makapunta na rin sa loob. "Wala naman sigurong masama kung bibigyan ko siya ng chance na ligawan ako. Malay mo magkagusto ako sa kanya diba?" tanong niya dito na nasa ginagawa parin ang tingin. "Oo nga naman. Mabait naman si Jay. Maginoo. Masipag. Wala ka ng hahanapin pa Venice!" wika ni Michelle na nilingon siya mula sa ginagawa nitong pagpasok ng bag sa locker nito. "Oo. Depende nalang kung ang hanap mo ay mayaman, gwapo o may hinihintay na mana. Hindi pasok si Jay sayo. Sa ganda mo ba namang iyan Venice. Naku!" wika ni Cristine na nakatayo at nakasandal sa locker habang nakahalukipkip ang mga kamay na nakatingin sa kanya. "Ano ka ba naman Christine! Kontrabida ka! Tara na sa loob. Sumunod nalang kayong dalawa huh." wika ni Sassy na tumayo na sa kinauupuan at hinablot ang kamay ni Christine at hinila ito papasok sa loob. Tumayo na siya at nilagay ang bag sa locker na nakalaan sa kanya. Tiningnan siya ni Michelle na ikinakandado ang locker. "Sabagay tama si Christine. Sa panahon ngayon, kailangan natin maging praktikal dahil napakahirap ng buhay. Pero wala namang masama kung si Jay ang makakatuluyan mo, ikaw parin ang masusunod. Mauna nako, sunod ka nalang." anito at iniwan siya doon at pumasok na sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD