Nagtungo agad si Dennis sa Department Store para doon tumingin ng mga sandal na para kay Venice. Nakasunod lang ito sa kanya. Pagpasok nila pumunta agad siya sa linya ng mga sandal. Hinintay niya ito na makalapit sa kanya.
"Anong gusto mo dito?" tanong niya dito. Tumingin ito sa mga nakahilera na nga sandals. Kinuha nito ang isang sandal na medyo mataas ang heels.
"Ito nalang po Sir. Kaso size 7 po paa ko" anito. Tinawag niya yung saleslady na nakatayo di kalayuan sa kanila.
"Miss. Do you have size 7?" aniya dito at ipinakita ang sandal dito. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang sandal na hawak niya.
"Yes Sir. Meron po. Saglit at kukunin ko lang po." anito.
Pagbalik nito ay may hawak na itong kahon at iniabot sa kanila. Kinuha niya sa loob ang sandal at ibinigay iyon kay Venice. Umupo ito sa upuan nandoon at pinipilit iyuko ang sarili para maisuot ang sandal. Nakapalda pala ito. Lumapit siya dito at kinuha ang sandal dito. Lumuhod siya harapan nito at isinuot dito ang sandal.
"Sakto? Di masakit?" tanong niya dito at tiningala niya ito.
"Opo Sir. Sakto po at may allowance pa po." anito na nakayuko.
Tinanggal niya na ang sandal sa paa nito, inilagay sa kahon at pumunta sa counter. Sumunod sa kanya si Venice.
"Thankyou po Sir." anang saleslady sa kanya ng medyo nakalayo na sila dito.
Inilapag niya sa counter table ang kahon at dinukot ang pitaka na nasa bulsa. Kumuha siya ng dalawang lilibuhin at ibinigay iyon sa cashier. Iniabot iyon ng cashier at ipinuch na ang sandals. Iniabot nito sa kanya ang sukli kasama ang naka-paper bag na naglalaman ng binili nila.
"Tara na" yaya niya kay Venice. Nakalabas na sila sa ng department store.
"Sir ako na po magbibitbit niyan." ani Venice.
"Huwag na. Ako na. Gusto mo bang kumain muna?" aniya dito. Tiningnan niya ang suot niyang relong-pambisig. Mag-aalas dose na pala ng tanghali.
"Opo Sir. Medyo nagugutom na rin po kasi ako Sir." anito.
Pumunta sila sa Kuya C ng Claire's Mall. Umupo sila at nag-order ng makakain. Nagsimula na silang kumain ng dumating ang order nila.
"Kumain ka ng madami." aniya dito. Nag-angat ito ng tingin at tiningnan siya. Ngumiti ito sa kanya kaya lumabas ang perpekto nitong ngipin.
"Salamat po Sir. Ang mahal po pala ng sandal na binili niyo po. Ngayon lang po kasi ako nakapunta dito. Hindi po kasi ako mahilig gumala. Mas gusto ko po kasi na nasa bahay at tinutulungan ang inay." anito. Iilan nalang ang mga kagaya nito na napaka-responsable. Ngumiti siya dito.
"Proud na proud siguro ang magulang mo sayo. Ikaw na naging Breadwinner ng pamilya mo." aniya dito. Sabagay may sakit ang Ama nito kaya siguro na ang bumubuhay sa kanila.
"Patay na po ang Ama ko Sir. Kami nalang pong tatlo ang nasa bahay." anito na biglang nalungkot.
"Sorry to hear that." hinging-paumanhin niya dito. Ngumiti ito sa kanya at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Pagkatapos kumain, lumabas na sila ng Mall at pumunta sa naka-park niyang kotse sa parking lot area. Lumapit siya doon at pinagbuksan ito ng pintuan.
"Salamat po Sir." anito.
Hindi siya umimik. Umikot siya sa Driver's Seat at pumasok sa loob. Pinaandar niya na ang sasakyan at minaneho ito palabas ng parking area. Binabagtas na niya ngayon ang daan pabalik sa Paniqui. s**t! Nakalimutan niya palang tawagan si Luna. Naiwan pa man din niya ang cellphone niya sa office.
"Salamat po Sir sa Lunch at sa Sandals." basag ni Venice sa katahimikan na namamayani sa loob ng sasakyan. Lumingon siya dito at ibinalik ulit ang tingin sa daan.
"Wala yun." aniya. Ngumiti ulit ito. Bakit napapadalas ang pagngiti nito?
Narating na nila ang bayan ng Paniqui. Nasa tapat siya ng parking lot area ng Monteverde's Restaurant. Lumabas na ito ng sasakyan maging siya ay lumabas na rin bitbit ang paper bag. Ibinigay niya dito ang paper bag. Iniabot naman nito iyon.
"Salamat po ulit Sir." anito. Natawa siya.
"Napakadaming thankyou na yun ah" aniya. Tumawa rin ito. Napakasarap pakinggan ng tawa nito.
"Pwede ka ng umuwi. Magkita nalang ulit tayo bukas. Bukas mo na rin isauli ang sandal kay Miss Sebastian." aniya. Tumango ito.
"Sige Sir. Mauna na po ako." paalam nito. Inihatid niya ito ng tingin ng hindi na niya ito makita nagpasya na siyang pumasok sa loob ng restaurant. Binati siya ng Manager niya sa Restaurant ng makita siya nito. Umakyat na siya second floor. Wala si Miss Sebastian, baka naglunch.
Pumasok na siya sa opisina niya at kinuha ang cellphone sa drawer ng mesa niya. Tiningnan niya ang screen. Two missed call from Luna. Idinial niya ang cellphone number ng nobya at tinawagan ito. Naka-limang ring ang cellphone nito ng sagutin nito ang tawag.
"Good Afternoon Hon. Sorry diko sinagot tawag mo kanina. May pinuntahan kasi ako." hinging-paumanhin niya dito. Tampuhin pa man din ito.
"It is okay Hon." anito. Nanibago siya sa paraan ng ng pananalita nito parang wala man lambing. Baka pagod lang siguro ito. Magsasalita na sana siya subalit nagsalita ulit ito.
"Hon mamaya na tayo mag-usap. Bye. I love you!" anito.
Bago pa man siya nakasagot naibaba na nito ang tawag. Inilagay niya ang cellphone sa mesa niya. Nitong mga nakaraang araw wala na silang masyadong bonding sa isa't-isa. Masyado silang busy. Board of Director ito sa kompanya nila.
Nitong mga nakaraang araw ramdam niya na parang nagbago ito. Apat na taon na silang magkarelasyon. Tinangka niya itong yayain ng kasal subalit tumutol ito dahil wala pa itong balak magpakasal sa kanya.
Napasandal siya sa Swivel chair niya. Kailangan niyang makabawi dito. At ito ang isa sa ipapagawa niya sa secretary niya. A dinner with her, with Luna De Jesus. The Love of her life.