Kabanata 4

1034 Words
"Pero paano po yung trabaho ko po sa Ultimate Bar? Iiwan ko po ba?" anito. Tiningnan ni Dennis ito. Maputi ito at makinis ang balat. May pagka-kulot sa dulo ng buhok nito. Bilugan ang mukha at bilog na mga mata. Dapadako ang tingin niya sa mga labi nito. Mapupula ang mga ito na animo'y kaysarap halikan. Napatigil siya. Ano ba itong iniisip niya? May girlfriend siya pero pinagpapantasyahan niya ang ibang babae. Iwinaksi niya iyon sa isip niya at itinuon ang pansin dito. "Ano nga ulit ang tinatanong mo?" pag-uulit ni Dennis sa tanong nito. "Ahm. Iiwan ko po ba ang trabaho ko po sa Ultimate Bar kapag nagsimula na po ba ako sa trabaho bilang Sekratarya niyo po?" anito. "Hindi. Hindi mo kailangan iwan. Huwag kang mag-alala ang oras ng pasok mo lang ay 9am hanggang alas kwatro ng hapon. Pero sa mga oras na yun, thirty minutes lang ang break mo dahil bayad ang oras mo. Expect mo na magiging tough ang trabaho mo." aniya. "Okay lang po iyon Sir. Gagawin ko po ang lahat para sa pamilya ko po. Kahit gaano man kahirap kakayanin ko po para sa kanila." anito ng nakangiti. Napangiti siya. Sa totoo lang hindi naman talaga promoted si Claudia Sebastian. Ang kanyang Sekratarya na halos limang taon na itong naninilbihan sa kanya. Kailangan din niya itong bigyan ng regalo sa pagiging tapat nito sa kanya. May asawa na ito pero tinatawag niya parin itong Miss Sebastian dahil yun na ang nakasanayan niya. Ikinasal ito limang buwan na ang nakakaraan. Naghahanap talaga siya ng papalit dito. Pero yung iba hindi pasok sa criteria niya. Pero noong nakita niya ang resume nito, naging interesado agad siya at ipinatawag agad ito kay Miss Sebastian. Naging interesado siya sa background nito bilang isang waitress kaya hindi siya nag-atubili na ibigay ang posisyon na iyon lalo at two years graduate pala ito. "Mabuti kung ganun Miss Ventura." Tumayo siya at inilahad ang kamay dito. Tumayo rin ito at tinanggap ang pakikipagkamay niya. "Congratulations. Pwede ka na umalis, magkita nalang tayo bukas dito sa office ko. Ipapa-train pa kita kay Miss Sebastian. Mag-iingat ka sa pag-uwi." aniya dito. "Maraming Salamat po Sir. Makakaasa po kayo na gagalingan ko po sa trabahong ibinigay niyo po sa akin." anito. Tumango siya dito. Naglakad na ito palabas ng pintuan ng bigla itong natumba. Agad siyang pumunta sa kinaroroonan nito. Natanggal pala ang heels ng sapatos nito. Nahihiya itong tumingin sa kaniya. Inilahad niya ang kamay dito para makatayo ito at tinanggap naman nito iyon. "Salamat Sir. Pasensya na po kayo luma na din po kasi yung sapatos ko. Ginagamit ko din po kasi ito sa Ultimate Bar." anito. "It's okay. Umupo ka muna dito sa sofa. Tatanungin ko si Miss Sebastian kung may extra siyang tsinelas para iyon muna isuot mo at bibili tayo ng black sandal para magamit mo bukas." aniya. Inalalayan niya ito papunta sa sofa. "Naku. Sir, huwag na po. Bibili nalang po ako sa bayan mamaya pag-alis ko dito. Yung tsinelas nalang po kukunin ko po para may magamit po ako. Ibabalik ko nalang po bukas." anito. "No buts. I'm your Boss. Kailangan mong sundin kung ano gusto ko." aniya. Ayaw man niyang sabihin pero yun lang ang pwede niyang sabihin dito para tumalima ito. Pumunta siya sa labas ng office at nakita niya si Miss Sebastian na nakaupo sa upuan nito at nakaharap sa monitor ng computer. Nang mapansin siya lumingon ito at tumayo. "Yes Sir. Ano po iyon?" anito. "May extra ka bang tsinelas dyan. Natanggal kasi ang takong ng sandal ni Miss Ventura." aniya. May cabinet kasi ito sa tabi ng desk kung saan nakalagay ang mga tsinelas nito. Hindi naman ito required magsuot ng sandal kapag nandito ito. Okay lang magtsinelas basta maayos yung tsinelas at kapag may lakad doon nito ginagamit ang sandals. May kinuha ito sa cabinet na black doll shoes at ibinigay nito iyon sa kanya. "Ayan po Sir gamitin na muna niya. Isang beses ko lang po nasuot yan." anito. "Salamat Miss Sebastian." paalam niya dito at pumasok na ng office. Pagpasok niya nandun parin si Venice na nakaupo at hinihintay siya. Iniabot niya dito ang doll shoes at kinuha naman nito iyon. "Salamat po Sir." "Dalian mo at bibili pa tayo ng sandal mo para may magamit ka bukas." Tututol na sana ito pero pinigilan niya. "Huwag kang mag-alala ikakaltas ko iyon sa sahod mo." aniya. Tumayo na ito at naglakad patungo sa direksyon niya. Maliit lang ito mga nasa 5'4 samantalang siya nasa 6'1 ang taas. Nauna na siyang lumabas ng pinto at sumunod na ito. "Miss Sebastian ikaw muna bahala dito. Kapag may nagtanong sakin pakisabi may pinuntahan ako." aniya. "Sige Sir." sagot nito. Bumaba sila ng second floor at dumaan sa mga taong bumibili at kumakain. Pinagtitinginan sila ng mga tao ganun din ang babaeng nasa likuran niya na si Venice. Pinauna niya ito na lumabas ng Restaurant. Narating nila ang parking lot at pinagbuksan niya ito ng pinto sa passenger seat. "Sir saan tayo pupunta?" tanong nito nasa mata ang pag-aalinlangan. "Sa sa Claires's Mall sa Tarlac, sumakay ka na. Kung ngayon pa lang natatakot ka sa akin. Paano nalang kapag nagsimula ka bukas?" aniya dito at tiningnan ito sa mga mata. Hindi na ito umimik. Pumasok na ito sa passengers seat. Pagkapasok nito umikot na siya sa driver's seat. Pagkasakay, pinaandar niya na ang sasakyan papuntang Tarlac. Nasa byahe na sila ng mga pagkakataong yun. Tiningnan niya ang katabi niya na nakatulog na. Napangiti siya. Masyadong masipag kaya pati tulog ay kulang. Napakaswete naman ng magulang nito. Malapit na sila sa sa kilalang mall sa Tarlac na yun ang Claire's Mall. Ipinark niya sa parking area ang kotse niya. Niyugyog niya ito para magising syempre di naman masyado malakas ang pagkakayugyog niya dito. Nagising naman ito. Tumingin ito sa paligid. "Sorry Sir, nakatulugan ko na ang byahe papunta rito." hinging-paumanhin nito. "Ayos lang. Naiintindihan ko. Napagod ka siguro sa trabaho mo lalo at madaling araw ka na umuuwi." aniya. "Opo Sir." anito. Lumabas na siya ng sasakyan, maging ito ay lumabas na rin. Nagtungo sila sa entrance ng Claire's Mall. Kinapkapan sila ng gwardiya bago sila tuluyang makapasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD