Five years later... Isa nang ganap na Barangay Captain si Jeffrey Santos. Isang taon lang siyang nanilbihan bilang Police Inspector sa karatig bayan nila, at nagpalipat siya kaagad sa kanilang bayan. Masuwerte namang may bakanteng puwesto para sa kaniya kung kaya hindi naging mahirap ang paglilipat niya roon. After few years, nang magbitiw na ang kaniyang ama sa panunungkulan nito sa Barangay, siya na ang sumunod na hinalal bilang bagong Barangay Captain sa kanilang lugar. Hindi naman dapat siya tatakbong Barangay Captain kung hindi lang dahil sa kahilingan ng kaniyang mga kuya. Ginawa nila iyon para mapahinto sa pagtatrabaho ang kanilang amang workaholic. Sa awa naman ng may kapal, maayos naman niyang napamumunuan ang kanilang barangay, kung kaya kinagigiliwan siya ng mga tao roon. Is

