Nasa event ngayon sila Kristine at abala sa pag-aasikaso ng mga dapat nilang asikasuhin nang may bumangga sa kaniya. Nahulog tuloy lahat ng kaniyang mga bitbit na anik-anik sa sahig. “Awww!” “I’m sorry!” mabilis niyang hingi nang paumanhin sa nakabangga sa kaniya para lang makaiwas siya sa gulo. Dali-dali pa siyang naupo upang damputin ang mga nagkalat niyang gamit sa sahig. “Keep an eye out for the next time!” mataray na saad ng babaeng nakabangga sa kaniya. “I’m sorry,” ulit niya rito habang papatayo na siya matapos pulutin ang kaniyang mga gamit sa sahig. “Kristine?” Bigla naman siyang napatingin sa kaniyang harapan, at nagulat nang makitang si Cielo pala ang babaeng kaniyang nabangga. Nakasuot ito ng maiksing puting palda at puting tube, habang naka-heels ito nang pagkataas-taa

