Matapos ang rehearsal, dinismiss na ni Kristine ang mga kalahok sa pageant at naghanda na rin sila nina Joyce para sa kanilang pag-uwi. Nakapapagod ang araw na ito lalo na at ito ang unang araw ng rehearsal para sa pageant. “Girl,” tawag sa kaniya ni Joyce sabay nguso nito sa kaniyang likuran. Napasunod naman siya nang tingin sa inginunguso nito at nakita niya ang papalapit na si Wilson. May hawak itong isang bouquet ng bulaklak at isang basket ng prutas. Napahinga na lang siya nang malalim saka napakamot sa kaniyang kilay. “Hi, ladies. Hi, Sweetie,” malambing pa nitong bati sa kaniya sabay beso nito sa kaniya na ikinailang naman niya. “For you.” “Thanks, but you shouldn’t buy this stuff for me, you know,” naiilang na saad pa niya rito. “Nah, it’s okay. I’m enjoying buying stuff for

