Dumaan muna ng simbahan sila Jeffrey at Kristine bago sila nagtuloy sa park na malapit lang din sa simbahan, saka doon naglagi habang kumakain ng fishball at umiinom ng palamig. Ganito sila palagi kapag araw ng Lingo, magmimisa muna sila bago sila tumambay sa park hanggang magdilim. Tahimik lang silang dalawa habang magkatabing nakaupo sa upuang nasa ilalim ng punong acacia. Pinapanood nila ang mga batang nagtatakbuhan sa park kasama ng mga magulang ng mga ito. “Ang ganda nilang pagmasdan ‘no?” mayamya’y tanong niya kay Kristine habang nakatingin sa mga bata sa kanilang harapan. “Oo nga. When I was a kid, we used to go in a place like this. Kaso noong mag-grade three na ako, we stopped going out sa park,” malungkot nitong turan sa kaniya. Nilingon naman niya ang kasintahan at kunot noo

