Mabilis na lumipas ang mga araw at nalalapit na rin talaga ang pag-alis ni Kristine. Isang lingo mula ngayon ay aalis na siya’t magtutungo sa Seattle, kung saan siya magpapatuloy ng kaniyang pag-aaral. As of her relationship with Jeffrey, wala naman siyang masabi. Napaka mapagmahal at supportive nito sa kaniya. Simula noong huling pagtatampo nito sa kaniya dahil sa hindi niya sinabi rito ang tungkol sa kaniyang pag-alis, hindi na ulit naulit iyon. Pero ang kanilang labing-labing ay siyempre paulit-ulit pa ring nangyayari. Pero hanggang kiss na lang at yakapan dahil nag-iingat na itong maulit ang napaka-intimate nilang paghahalikan sa madilim na parte ng kanilang bakuran. “Cous, ano ready na ba ang mga gamit mo?” tanong sa kaniya ni Dianne. Nasa loob siya ngayon ng kaniyang kuwarto a

