Nagpupuyos sa galit si Cielo habang pinanonood ang nagaganap sa marriage booth. Well, naunahan lang naman siya ni Kristine sa plano niyang magpakasal kay Jeffrey sa marriage booth. Paano naman kasi, itong si Gandara, gumawa na naman ng kapalpakan. Ang mga taong inutusan nito, imbes na siya ang iposas, si Kristine ang pinosas ng mga ito. Kaya ngayon, hayun siya at gigil na gigil, habang pinapanood ang kasalan sa marriage booth. “Sorry na sis! Malinaw naman ang sinabi ko sa kanila na ang iposas ay iyong magandang babaeng naka-white sleeveless na may ruffles. Eh, hindi ko naman alam na ganoon rin pala ang damit ni Kristine. Sorry na!” halos maiyak na ito kaka-sorry sa kaniya. “Heh! Manahimik ka na nga riyan Gandara! Kung hindi ka e-engot-engot, sana ako ngayon ang nandoon, at hindi ang ba

