THIS CHAPTER CONTAINS MATURE CONTENT THAT IS NOT SUITABLE FOR MINORS. PLEASE READ RESPONSIBLY. Matapos ang ikalawang pag-iisa nina Kristine at Jeffrey, ngayon ay magkayakap silang nakahiga sa kama nito habang namamahinga. Labis ang kaligayahang nadarama ni Kristine dahil kapiling na niya ngayon ang lalakeng kaniyang pinakamamahal. Dahil sa pagod, hindi na nila nagawa man lang magbihis. Tanging kumot lang ang nakatabing sa kanilang mga katawan. Nang magising siya, wala na sa kaniyang tabi ang kaniyang kasintahan. Iniikot pa niya ang kaniyang paningin sa loob ng silid na iyon, at nagbabakasakaling nasa paligid lang ito. Nang hindi niya masilayan ang kasintahan ay unti-unti siyang bumangon at naamoy ang nakagugutom na amoy ng sinangag. Napangiti siya at dali-daling nagbihis kahit pa ramdam

