Pagsapit nang hapon, inihatid na niya ang kasintahan sa bahay ng abuela nito. Tuwang-tuwa ang lola nito nang makita silang magkasama. “Lola!” tuwang-tuwang tawag ni Kristine sa lola nito nang makababa na sila sa kaniyang sasakyan. “Apo ko! Kumust ka na? Ang ganda-ganda mo lalo apo,” nangingislap ang mga matang saad ng lola nito sa kaniyang kasintahan, habang magkayakap ang mga ito. “Mano po lola,” magalang naman niyang bati sa matanda kasabay ng pagmamano niya rito nang maghiwalay na ang mga ito sa pagyayakapan. “Kaawaan ka ng Diyos, apo,” magiliw namang sambit nito sa kaniya. “Hala, halina kayo sa loob ng bahay nang doon na tayo magkuwentuhan. Mabuti naman at nagkita na kayong muli na magkasintahan ano?” wika pa nito habang nakaabrisiyete ito kay Kristine at magkapanabay na naglalak

