Mabilis na lumipas ang dalawang lingo, at ngayon ay araw ng kaarawan ni Jeffrey. Balak nilang i-celebrate iyon sa kanilang bahay sa Barangay San Nicolas kasama ng kaniyang pamilya at ilang mga kaibigan, at siyempre kasama ang kaniyang kasintahang si Kristine. “Happy na birthday pa!” pakantang bati sa kaniya ng kaniyang mga kuya paglabas niya ng kaniyang silid. Doon kasi siya natulog nang nagdaang gabi para hindi na siya babiyahe sa araw ng kaniyang kaarawan. May hawak na cake ang kaniyang Kuya Jefferson habang lobo naman ang sa kaniyang Kuya Jeffril. Natatawa pa siya habang nagmumuta ng kaniyang mga matang lumapit sa mga ito. “Oh, wish ka na, baka sakaling matupad,” nakangisi pang saad ng kaniyang Kuya Jefferson. Tumawa naman siya saka hinipan ang kandila sa ibabaw ng kaniyang cake. Na

