Chapter 1

1196 Words
Bata pa lang si Jeff nang mamatay ang kanilang ina, dahil sa malubhang karamdaman nito. Kaya naman lumaki siyang sila-sila lang ng mga kuya niya ang magkakasama. Hindi niya naramdaman ang pagmamahal, at pag-aaruga ng isang ina. Kaya naman, maaga silang natututo sa mga gawaing bahay. Paglilinis, paglalaba, at pagluluto. Lahat ng iyon ay kailangan nilang matutunang gawin, dahil wala namang ibang gagawa noon, kundi sila lang ding magkakapatid.  Barangay Captain ang kanilang ama sa kanilang lugar. Kung kaya’t, abala rin ito sa mga gawain sa kanilang barangay. Simula nang mamatay ang kanilang ina ay hindi na ito muling nag-asawa pa. Ginugol na lang nito ang sarili sa pagtatrabaho. Madalang nila itong makasama sa kanilang bahay, dahil palagi itong busy. Dahil sa kawalan ng babae sa kanilang pamilya, hindi niya alam kung paanong tratuhin nang tama ang mga babae. Naiirita siya kapag may mga babaeng nagpapapansin sa kaniya. Agad niya itong sinosopla at pinagsu-supladuhan. Wala siyang pakialam kung masaktan ang damdamin ng mga ito. Ayaw na ayaw niyang nilalapitan siya ng mga babae. Lalong-lalo na kung magpapa-cute lang din naman ang mga ito sa kaniya.   “Jeff, grabe ka talaga ‘tol. Ang ganda-ganda noong lumalapit sa iyo, wala pa ring epek?” minsan ay sabi sa kaniya ni Rex.  Bigla na lang kasi niyang sinungitan ang isang kaeskwela nila na lumapit sa kanila, habang nagkwe-kwentuhan silang magkakaibigan. “Oo nga. Bakla ka ba? Maiintindihan naman namin kung sakali ngang bakla ka,” segunda naman ni Marc. Natawa naman siya rito. “Oy, oy, oy. Kayong dalawa tigilan niyo nga si Jeffrey. Hindi lang niya pinansin si Cielo, bakla na? Malay niyo naman kung hindi lang talaga type ni Jeffrey si Cielo? Kayo talaga!” mahaba-habang litanya naman ni Chino sa kanila. “Oo nga naman. Palibhasa kayong dalawa, may magpapansin lang sa inyo, sunggab agad eh,” segunda naman ni Lester. “Nagtatanong lang naman kami eh, ang dami niyo nang sinabi. Saka teka nga, kayo na ba ngayon si Jeff?” reklamo pa ni Rex. Kasalukuyan silang nasa Science Garden at tumatambay habang nagpapatay ng oras. Natatawang napapa-iling na lang si Jeffrey, habang pinakikinggan ang mga kaibigan. Masyadong bothered ang mga ito sa kaniyang pag-uugali. “Oh, ‘wag na kayong magtalo-talo riyan. Hindi ko type si Cielo, saka hindi rin ako bakla. Ayaw ko lang talaga sa mga babaeng pabebe, lalo na iyong mga papansin lang. Para-paraan para makalapit,” sabi niya sa mga kaibigan saka niya binalingan ang mga ito. Nagkatinginan pa sina Marc at Rex dahil sa narinig ng mga ito. “Ows? Talaga?” tila hindi pa naniniwalang tanong ni Rex sa kaniya. “Oo nga!” sagot pa niya rito. “Bakit ba kasi? Type mo ba si Cielo? Eh, ‘di ligawan mo,” nakangising dugtong pa niya sa sinabi sa kaibigan. “Loko! Hindi ko rin siya type. Pero maganda naman siya eh. Iyon nga lang gaya nga nang sabi mo, pabebe siya,” tatawa-tawa pang saad naman nito sa kaniya. “Naman pala eh. Huwag ka nang makulit diyan. Hayaan na natin ‘tong si Jeff. Makakahanap din ng katapat ito.” Tinapik-tapik pa ni Chino ang balikat niya. “Masyado kayong bothered sa kaibigan natin, eh ang babata pa naman natin para sa mga ganiyan,” segunda naman ni Lester, saka umayos nang pagkakasandal sa upuan nito.  Tama naman ito. Third year high school lang naman sila eh, kaya hindi dapat magmadali. Nilingon niya ang kaibigan saka tipid na ngumiti rito. In-appear-an naman ito ni Chino, bago umayos din nang pagkakasandal sa upuan nito. Habang ang dalawang makulit niyang kaibigan, ay nakatingin lang sa kaniya. “Excited akong makita ang araw na may makatapat itong si Jeff. Iyong hindi niya kayang ipagtabuyan,” nakangisi pang saad ni Rex. “Uyyy, oo nga. Kailan kaya iyon? Abangan ang susunod na kabanata!” sabi naman ni Marc sabay appear nito kay Rex. “Mali ka naman ‘tol eh. Coming soon pa lang. Wala pa naman eh,” Pagtatama pa nito sa kaibigan.  Kakamot-kamot naman ito sa ulo saka sumagot, “Ayyy, oo nga pala. Sorry naman tao lang!” Sabay tawa nito.  Napapailing na lang siya sa kakulitan ng dalawa niyang kaibigan. “Mga baliw kayong dalawa. Tigilan niyo ako! Saka na ang mga ganiyan-ganiyan, kapag nakatapos na tayo ng kolehiyo. Saka lang ako magkaka-interest sa isang babae, kapag hindi ito papansin, pabebe, at maarte,” wika pa niya sa mga ito. “Sus, ‘wag kang magsalita ng tapos ‘tol. Baka kainin mo iyang sinasabi mo ngayon.” Napatingin siya kay Marc saka ito tinawanan na lang. “Sige lang Jeff, tawa lang. Makikita mo talaga. Kapag dumating ang araw na iyon, tatawanan kita talaga,” nakangising saad ni Marc sa kaniya. Hindi na lang siya kumibo, at nakigaya na lang nang pagsandal sa dalawang naunang kaibigan. Ang totoo, hindi siya nakikipaglapit sa mga babae, kasi hindi siya sanay. Nasanay siyang puro lalake ang palaging nakakasalamuha. Sa totoo lang, wala siyang kaibigang babae. Naartehan kasi siya sa mga ito. Plus the fact, na gusto lang namang lumalapit ng mga babae sa kanila, dahil popular silang magkakaibigan sa campus nila.  They are known for being the campus heathrobs. Si Chino, the brainy sa kanilang grupo. Masipag mag-aral, at palaging honor student. Siya, the volleyball player. Si Lester, the choreographer. Inaabangan ito palagi ng mga babae kapag may program. Bukod kasi sa nagko-choreo ito, isa rin ito sa mga sumasayaw sa school events. Si Rex, the Captain ball ng basketball. Marami ring fans ito, lalo na kapag umarangkada na ito sa court. At si Marc, the hunk, Mr. Saint Nicholas Academy. Title holder ito ng Mr. SNA for two consecutive years na. Kaya naman pinuputakte sila ng mga girls sa kanilang campus. Sa kanilang lima, tatlo sila nina Chino, at Lester ang hindi nagpapakita ng interest sa mga babae. May kaniya-kaniya silang dahilan pagdating sa bagay na iyon. Si Chino kasi focus sa pag-aaral. Gusto kasi nitong makakuha ng scholarship, para sa pag-aaral nito sa kolehiyo, lalo’t mahal ang kursong gusto nitong kunin. Samantalang si Lester naman, hindi iyon ang priority nito sa ngayon. Mas gusto nitong makuha ang atensyon ng ama nito kaysa ang mag-nobya.  Pero siya ang namumukod tanging hindi talaga namamansin sa kahit na sinong babae. Sina Chino at Lester kasi, kahit papaano ay kumakausap naman ng mga kaklase nilang babae. Samantalang siya, as in not at all. Hindi pa man kasi nakakapagsalita ang mga babae, sinusungitan na niya agad ang mga ito. Kaya ayon madalas umiiyak na lang ang mga babaeng lumalapit sa kaniya. Lalong-lalo na kapag nasigawan niya ang mga ito. “Tara na. May tatapusin pa ako eh.” Maya-maya’y yaya na ni Chino sa kanila. Siyempre assignment na naman ang iniisip ng kanilang kaibigan. “Sige. Tara na,” sang-ayon naman niya rito. Saka sila isa-isang nagsitayuan, at nag-umpisang lisanin ang Science Garden. “Ingat mga ‘tol! Dito na kami nina Rex at Marc.” Nag-appear pa sila bago naghiwa-hiwalay.  Ganoon lang sila palagi. Tatambay bago maghihiwa-hiwalay. Iyon na kasi ang pinaka-bonding nilang magkakaibigan. Simula grade school hindi na naalis ang nakagawian nilang iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD